Chapter I: First Day High

59 0 0
                                    

Ako si Rin. Twelve years old at first year sa isang science high school dito sa probinsya.

Kung iniisip ninyo na magaling ako, oo masasabi kong matalino rin naman ako. Syempre hindi madaling makapasok sa isang special school katulad ng San Tobias Science High kung wala ka ring utak.

Sa entrance exam palang, halos mangalahati na lahat ng honor students na nangangarap makakuha ng pinakamahusay at pinakaadvanced na klase ng pagtuturo sa lugar namin.

Unang araw ng pasukan, hindi man lang ako nahirapang maghanap ng classroom. E pano, dalawang sections lang naman kami.

Magkatabi ang classroom ng dalawang first year sections. Pagpasok sa hallway, una mong makikita ang pinto papasok sa klase ng 1-Jovian. Pero hindi yan ang section ko. 1-Terrestrial kami at ang classroom ko ay yung sa kasunod na pinto.

Kabadong kabado ako nung unang pumasok ako sa klase. Lahat ng taong andun ay matatalinong kagaya ko. Siguro most of them ay valedictorian or salutatorian sa kanya-kanyang elementary schools.

Pero hindi naman ako pahuhuli sa kanila dahil ako ang top of the graduating class ng San Tobias Central School. In other words, valedictorian din ako, ng best public elementary school sa San Tobias nonetheless.

Fifteen minutes pa bago mag-umpisa ang klase, halos puno na ang classroom ko. Sino ba namang hindi maeexcite sa araw na to. It's the very first day of our high school life!

Maingay ang klase. Marami nang magkakakilala sa kanila. At walang pumansin sakin nung pumasok ako. Maganda to, low profile lang ako. Hindi katulad sa Central School, napapagod akong ngumiti sa dami ng bumabati sakin araw-araw. Kung ikaw nga naman ang model student ng eskwelahan.

Naghanap ako ng bakanteng upuan na pinakamalapit sa harap. Ayoko umupo sa likod, wala akong maririnig kundi ingay ng mga nasa harap ko.

Nakakita ako ng bakanteng upuan sa third row, malapit sa gitna. Ok na sakin tong pwesto. Halos pinakagitna ng klase pero at least hindi sa likod.

"Excuse me, may nakaupo na dyan," sabi ng girl sa kanan ko nang umupo ako. "Wala pa kasi yung friend ko and I'm reserving that seat for her."

"Ah ganun ba," tatayo na sana ako nang biglang...

"Wag kang tumayo. Niloloko ka lang ni Suzanne," sabi ng boses ng isang lalaki sa upuan sa harap ko. "Upo ka na lang dyan, Rin."

Kilala ako ng lalaking to? Paano na ang low-profile plan ko? Balak ko pa naman sana palitan ang nickname ko to Ella para hindi ako masyadong kilala.

Hawak ko pa rin ang backpack ko, tiningnan ko si Suzanne. Tiningnan nya ako tapos yung lalaki sa harap ko at tumalikod samin sabay sabi ng "Hmph!".

Kinausap na ni Suzanne yung katabi nya at binulungan ko yung lalaki sa harap. "Salamat ha. Ano pala pangalan mo?"

"Robin Aguas. Class valedictorian at math contestant ng Sumulong Central School." Oh. Galing sya sa pinakamagaling na elementary school sa bayan ng Sumulong.

"Ako naman si-"

"Rinella Ricardo. Class valedictorian, model student of the year, Intel Young Researcher awardee, at photojournalist contestant ng San Tobias Central School."

Nakakagulat naman tong Robin na to. Andami nyang alam tungkol sakin ha and to think hindi sya taga-San Tobias.

"Ah, Ella pala ang nickname ko," na lang ang nasambit ko.

"Kelan ka pa naging Ella? Diba mula bata ka, Rin na talaga ang tawag sayo?"

Naaasar na ko sa Robin na to ha. Masyado syang maraming alam tungkol sakin even before pa ako magpakilala. Ni hindi na nga ako nakapagpakilala. Hindi ganito ang inaasahan kong first day of school. Gusto ko, low-profile lang.

Tumahimik na lang ako at nakinig sa playlist ng phone ko. Pansamantalang nakalimutan kong nasa classroom ako at may nakakairitang nilalang sa harap ko.

=====

A/N: Ano kayang kahihinatnan ni Rin sa unang araw ng klase sa bagong eskwelahan? At sino itong stalker-ish na classmate nyang si Robin? Subaybayan ang susunod na kabanata. =)

SayansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon