Chapter IV: Greenhouse Effect

18 0 0
                                    

Inabot ng alas-onse ang mini field trip namin around San Tobias Science High School Campus. Pagod na ko kakalakad at nakikita kong ganun na rin ang nararamdaman ng batchmates ko.

Batchmates ko na wala akong kakilala man lang (maliban kina supladang Suzanne at know-it-all Robin) o makausap nang matino (ah eto wala talaga).

Kasalanan ko bang on-time lang ako dumating sa school, na naubusan ako ng upuan, na hanggang ngayon ay wala pa ring kumakausap sakin at hanggang titig lang ang kayang gawin?

Ok na sana na walang pumapansin sakin. Bahagi yun ng low-profile plan ko. Bilang Ella. Pero ang ipagkalandakan ako bilang si Rin na topnotcher sa entrance exam pero wala namang kumakausap?

Dagdag awkwardness pa yung titigan ka na para kang galing sa ibang planeta.

Hello?! Nakakaintindi rin ako ng human language kaya pwede nyo akong kausapin!

Gusto ko nang isigaw ang mga salitang ito sa kanilang lahat. Kaya lang first day of classes. Mapagkamalan pa nila akong baliw. First impression lasts pa naman.

Sa sobrang inis ko, humiwalay na ako sa kanila pagdating namin sa school canteen. May free lunch kaming mga freshmen for the first week of classes, pero wala akong ganang kumain.

Naglakad-lakad ako papunta sa greenhouse at naupo sa silong ng pinakamalaking puno ng mangga. Since dala ko naman lagi ang phone ko, nakinig na lang muna ako ng music.

Ahh...2nd Movement of Mozart's Clarinet Concerto...Lumaki akong pinapakinggan ito. Pampatulog sakin ni Mommy nung baby pa ako. At pampakalma ko sa sarili ko tuwing nai-stress ako dahil sa schoolwork.

Biglang lumamig ang simoy ng hangin. Ang blue ng langit. Ang gaan ng pakiramdam ko...para akong...lumulutang...hindi, lumalangoy...nang biglang may humawak sa braso ko. Teka, bitawan mo ko, baka malunod ako...

"Gising...hoy miss...okay ka lang?"

Dumilat ang mga mata ko. Hala, nakatulog pala ako sa ilalim ng mangga! At sino tong gumising sakin? Kangina pa kaya sya andito?

"Hello. Ok ka lang? Bakit ka nandito sa greenhouse?" Tanong ng lalaking matangkad at naka-overalls. Teacher kaya sya? Naku anong school policy ang na-violate ko this time? Hindi na ba mauubos ang kamalasan ko sa araw na to?

At dahil bagong gising ako, naalala ko ang kinaiinisan ko kangina, at siguro sa takot na rin na mapagalitan, di ko na mapigilang mapaiyak.

Umiyak ako nang bongga. Ngawa kung ngawa. Nagsama na ang uhog at luha. Di ko na inisip yung kasama ko, bumigay na talaga ako.

Dahil focused ako sa pagrelease ng emotions ko, di ko namalayang nagpanic na yung teacher na kasama ko. Nagsasalita sya pero di ko na marinig sa lakas ng iyak ko.

"Tama naaaa!!!"

Natahimik ako habang patuloy ang paghikbi.

"Wala akong masamang ginagawa sayo. Ginising kita to make sure na hindi ka patay. Tinanong lang naman kita kung bakit ka andito sa greenhouse tapos bigla kang iiyak."

"S-sorry po sir...hin-hindi ko po alam na bawal...bawal po pala pumunta dito sa g-greenhouse. Naligaw po ako at...at nakatulog s-sa sobrang pagod," pinilit kong sumagot habang humihikbi.

"Sir? Tinawag mo akong sir? Hahahaha!"

Nagulat naman ako sa reaksyon ng taong ito. So hindi pala sya teacher kung ganun?

"Student pa ako dito. 4th year. Freshman ka ano?"

Aba'y nangangantyaw pa to ah. Kasingtangkad lang pala ng teacher pero definitely hindi sya asal teacher.

"E ano naman kung freshman ako?" Hinamon ko ang pang-aasar nya.

"Punasan mo yang uhog mo bago pa may ibang makakita sayo. Ang dungis mo," tumalikod sya sabay tapon ng panyo sa akin.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mayabang na senior na yun. Kinuha ko na lang ang panyo at naglinis ng mukha. Nangitim ang puting panyo. Ang dungis ko nga!

SayansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon