spin the bottle

16 4 5
                                    

Nagyaya kayo ng laro
"Spin the bottle!" Yan ang suhestiyon niyo
Sumang-ayon naman ako
At tayo'y nagsimula nang maglaro

Ang bote ay pinaikot niyo
At nang tumigil ito'y ako ang itinuro
"Truth or dare?" Ikaw ang nagtanong
"Truth!" Agad ko namang tugon

"Sino ang mahal mo?"
Nabigla ako sa tanong mo
Gustuhin ko mang sabihin ang totoo
Hindi maaari pagkat iba ang mahal mo

"Mahal ko ang sarili ko"
Nakita ko ang pagkagulat mo nang ito ang isagot ko
Mahal kita pero hindi pwedeng maging tayo
Kaya't mamahalin na lang kita ng patago

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

spin the bottle(edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon