Kalikasan isang salitang
makasaysayan
Ito'y nagsilbing ina ng
pangkalahatan
Pangangailangan sa ati'y ito'y
kanyang inilaan
Kaya't maging sa kasalukuyan
ito'y ating pangalagaan
Ngunit lumipas ang panahon at
ito'y ating napabayaan
Ating Kalikasan inyo nang inubos
ang pakinabang
Kaunti na lamang ang natitirang
mga halaman na sa ati'y
nagbibigay kalakasan
Mga kaibigan, kabataan , at mga
magulang
Imulat natin ang ating mga mata
Kalikasan nati'y mawawala na
kaya't habang maaga pa tayo ay
kumilos na
Kalikasan natin ay mahalaga sa
buhay ng isa't- isa
'Wag tayong umupo lamang
habang nakikitang ito ay
nakakalbo na
Pag ito'y nawala na buhay natin
ay mawawalan ng pag asa
Marahil sa iba ito'y walang
halaga ngunit sa ating mga
Pilipino ito ay higit pa sa pera
Nais kong malaman ninyo kung
nakakapagsalita lamang ito
Masasabi niyang "Please. Tulungan ninyo ako!"
Ang Kalikasan natin ay parang hininga
Kung wala ito, wala rin tayo sa mundo
Kaya sana sa kabataang katulad ko!?
Kalikasan ko'y matulungan ko
kahit sa pamamagitan lamang
nang pagdampot sa kalat ko.
————————————————
YOU ARE READING
Kalikasan
PuisiSana sa panahon ngayon , tayong mga kabataan ay marunong paring pahalagahan ang ating kalikasan.