Chapter 10: Other side of Kestrel

27 2 0
                                    

KESTREL'S POV

Umalis nako dun sa opisina ni Ratchell,tumalon ako sa bintana ng opisina niya at syempre alam kong building yun,meron dun tali at dun ako humawak para magpadala sa ibang building naman.

- KINABUKASAN -

Imbis na paulit-ulit isipin ang lahat ng mga problema ko tungkol sa mga paghihiganti ay pinili ko nalang muna ngayon na pumunta sa pinakapaborito kong lugar na kahit pa alam ko sa sarili ko na masama ako.

Ipagpapaliban ko muna lahat ngayon at bukas ay sisimulan kona ang pinakamatagal kong plano.

Nasa labas ako ngayon ng isang bahay ampunan,kung saan kahit dito kitang-kita ko ang mga batang masasayang naglalaro sa loob.

Sinimulan konang magdoorbell at miya-miya pa'y lumabas na ang dalawang madre na sinalubong agad ako nang mga ngiti palang nila kaya ngumiti rin ako nung pag bukas nila ng gate at saka ako pinapasok.

"Matagal-tagal narin Kestrel nang huli kang dumalaw dito,kumusta kana?"anang ni Sister Faith na katabi lang din ni Sister Mae,isa siya sa mga pinakamamahal kong madre dito sa bahay ampunan although mahal ko lahat pero lumamang siya.

^_|_-

ganyan muka ko sa loob,mabigat...

Wala akong maisagot sa tanung ni Sister Faith dahil alam kong masama ako.

"Ahmm..maayos naman po,kayo pong Sister,ang mga bata po kumusta na?"napatingin ako sa mga bata na masasayang nagsisilaro.

"Pasensya na Kestrel ha,kase mula nung hindi kana dumadalaw at pumunta dito ay naging matamlay na ang mga bata rin dito sa bahay ampunan..."bigla akong nalungkot sa ibinalita ni Sister Faith.

"Sandali lang po ha..."

"Nene!Tutoy!Mika!Any!Mary!Shila!"nilingon nila akong lahat at parang mga nagulat sa nakita pero patakbo silang mga lumapit saken.

"ATE KES!!!"sinalubong nila akong lahat ng yakap na sobrang higpit kaya ginantihan ko ito.

"Kumusta na kayo?"isa-isa kong hinawakan bawat mga muka nila.

"Ayus naman po kase andito na po ulit kayoooo!"masiglang saad ni Nene,nginitian ko siya.

Sana kagaya ko nalang ang mga batang ito na kahit hindi kasama ang kanilang mga tunay na mga magulang ay nagagawa paring mga ngumiti sa lahat.

"Ganun ba,masaya rin ako..."umupo ako para magpantay kaming lahat.

"Tara na sa loob may binili akong pagkain para sa inyo"

He Died To Save My LifeWhere stories live. Discover now