"...Sana sinabi mo, para di na umasang may tayo pa sa huli, sana sinabi mo, hahayaan naman kitang sumaya't umalis, sana sinabi mo, para di na umasang may tayo pa sa huli, sana sinabi mo, hahayaan naman kitang umalis.. umalis.. ARAY!"
"Ano 'te? Kantahan na lang tayo? 'Wag na tayong magtrabaho? Tapos babatukan ulit kita?" Angil sa kanya ni Reylyn.
"Feel na feel ko lang yung kanta gaga." Sabi niya. Hinawi niya ang buhok nya na humarang sa maganda niyang mukha at inipit sa gilid ng maliit niyang tenga.
"Bakit? Broken ka 'te? Eh kutsara pa lang ata sumasayad dyan sa bakbak mong labi, eh." Reylyn said. Nagpupunas ito ng lamesa. Wala pa namang customer kaya may panahon pa silang magdaldalan. Absent din kasi ang boss nila dahil busy ito sa lovelife nito na ngayon lang ata naranasan.
"Gravity.. Bakbak talaga? Palibhasa ikaw nilalaspag ka ng boyfriend mo." Angil niya dito. Three years na kasi si Reylyn at ang boyfriend niya. Hindi nga niya alam kung bakit natagalan ito ng boyfriend nito, eh. Ang sama kaya ng ugali ni Reylyn.
"Hooyyyy! Anong nilalaspag ka dyan? Ini-express lang namin ang pagmamahalan ng isa't isa." Sabi nito with pag-flip pa ng hair na akala mo ang ganda ganda. Napairap na lang siya.
"Alam mo, Reylyn? Kapag ikaw nabuntis tapos iniwan ka niyang pinagmamalaki mong jowa, 'wag kang iiyak-iyak sa'kin." Banta niya dito. She lit her smoke then puffed. "Hindi naman kasi porket three years na kayo, eh hindi na kayo maghihiwalay, may iba nga na kahit na may singsing na sa daliri ay naghihiwalay pa."
"Well, Zoey for the record, 'wag mo kaming isali dyan sa mga naghihiwalay na 'yan. Dahil kami ni Kean, magpapakasal pa kami, well maybe next year. At!" Reylyn raising her finger as if emphasizing her point, "Hindi kita gagawing maid of honor ko. Hmp!"
Natatawa niyang ipinudpod ang sigarilyo sa ashtray, "Don't worry, hindi rin naman ako umaasa na magtatagal pa kayo. I bet na hindi kayo aabot ng four years kasi next month lang, break na kayo--" Napahinto siya sa pagsasalita ng tumunog ang wind schime.
"Good morning sir! Welcome to Cafè Estrella!" Reylyn said when a guy entered their cafè, "Hoy bruha," bulong nito sa kanya. "Ba't di ka bumati? Pasalamat ka wala si Ms. Estrella." Ani nito sa kanilang boss. Hindi pa rin siya nagsasalita but the guy is already in front of them. He adjusted his black rimmed glass while looking straight at her. "Hi sir, what can--"
"Zoey Jannina Marquez." The guy cut off.
She frozed when she heard her full name. She can't say anything. She don't know why. Maybe the guy seem too serious when he stated her name.
Reylyn's forehead creased. "Zoey Jannina Marquez? Sir baka po nagkakamali kayo. Zoey Gonzales lang po ang may kahawig sa pangalang binanggit niyo. At siya po ay katabi ko. Hindi po--"
The guy cut, again, Reylyn off. Still looking at her, "Code 00015, the officers is waiting for you. We'll wait until twenty-one hundred." Then the guy made his way to the exit.
After a minute, Reylyn scream like some crazy people in the mental. "'Te! Sino 'yon? Ang super pogi naman n'on tapos ang hot nung nag-i-english siya with american accent--"
"It's British." She finally said.
"British." Reylyn continued. Hinampas hampas pa nito ang braso niya. "Tapos ang lapad ng balikat! Siguro malaki din ang ano n'on." Then she sighed dreamily.
She wringkled her nose, "Hoy Sandoval." Banggit niya sa surname nito. "May boyfriend ka na. So stop it.".
"Ano ka ba? Ang tawag dito, appreciation of the foreign features."
"Appreciation of what?"
"Basta! 'Wag kang magulo. Grabe pag niligawan ako no'n ni Mr. British Glasses baka p'wede na siguro ako mamatay no'n."
"Mr. British what?" Malapit na siyang mabaliw sa mga sinasabi ni Reylyn sa kanya. Kung ano ano kasi ang pinapasok nito sa utak niya simula ata nung magkakilala sila for God knows how long.
"Glasses. Kasi British yung accent niya tapos hot niya pa na suot yung glasses niya. My God. Pero 'te, ano yung sinasabi ni Mr. British Glasses? Yung Zoey Jann--ano na nga ulit 'yon? Basta 'yon! Ikaw ba 'yon? Kasi sa'yo siya nakatingin, eh diba ikaw si Zoey Gonzales? Tsaka pala yung code-code na may zero-zero eme-eme chut-chut. Ano meaning no'n? Ba't may gano'n?"
"I don't know. Baka napagkamalan niya lang ako." She shrugged. Umalis siya sa harap ng counter at nagpunta sa mga lamesa at siya na ang nagtuloy ng pagpupunas nito ng lamesa. Avoiding eye contacting with her. Hindi p'wedeng may makaalam. Not even Reylyn. Not even anyone.
"Napagkamalan?" Lumapit ito sa kanya. It looks like that Reylyn won't just drop the topic just like that. "Parang hindi naman kasi... ni hindi man lang lumingon yung mata niya kahit saan. Sa'yo lang talaga siya nakatingin."
Magsasalita na sana siya ng muling tumunog ang wind schime at may pumasok na dalawang couple. "Good morning mam and sir, welcome to Cafè Estrella!" Lumapit siya sa mga bagong dating para i-assist ito sa table ng mga ito.
Looks like the customers just saved her ass. Hope so.
BINABASA MO ANG
My Perfect Ending
RomansZoey wants to change her life, literally. She wants to experience having headache about saving money, renting her own apartment and buying all her needs. But one things for sure, Zoey doesn't want to go back where she come from. And why is that?