Heather Sydney Elijah POV
“Mommmmy!” napasigaw ako sa gulat ng magising akong may katabi ako sa aking kwarto.
Dahil na rin sa pagsigaw ko ay biglang nagising itong katabi ko sa kama at bigla nya akong tiningnan ng masama. Oh no! Mommyyyyyy I need help!
“Hoy! Pwede ba wag kang maingay natutulog pa ang tao eh! ” sabi nito.
“wow! As in wow! How dare you talk to me like that? Huh? For your information kwarto ko ito! At teka bakit ka nandito sa kwarto ko? Isusumbong kita kila mommy!”
“Moooooommy! MAY MAGNANAKAW! TULONG MOMMY! BAKA MAY GAWIN SYANG MASAMA SAKIN! MOMMY DADDY HELP! ” sabi ko pero pinagtatawanan lang ako netong lalaking nasa harapan ko.
“ excuse me miss kahit magsigaw-sigaw ka pa hindi ka maririnig ng mommy at daddy mo. ” huh? Ano daw? Bakit hindi ako maririnig nila mommy? Pinatay na ba sila? No! No! This can't be! Huhuhu!
“Hey hey hey miss! Mali yang nasa isip mo. Hindi ko kilala yung parents mo at mas lalong hindi ako mamamatay tao para patayin sila. ” huh? Eh bakit hindi nila ako magawang tulungan dito? Hindi kaya nasa work sila? Ono! Hindi pwede!
“Get out! I said get out of this room! ” sabi ko rito pero tiningnan nya lang ako ng naguguluhang mata nya.
“bakit mo ako pinapaalis? For your information miss, ako ang may ari ng kwartong ito ! At dapat ikaw ang umalis na dito! Tsk! Aga aga nambubulabog! Natutulog pa ang tao eh! Kung gusto mo miss pwede ka ng umalis sa KWARTO ko! Tsk! Makatulog na nga ulit.” at dahil sa sinabi nya agad kong nilibot ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto at oo nga hindi ko 'to kwarto. Bakit ba hindi ko napansin kanina? My gosh! Pero bakit ako nasa ibang kwarto?
“W-wait, wag ka munang matulog may itatanong pa ako.”
“Ano na naman?” inis na sabi nito at agad na umupo sa kanyang kama.
“ah-eh kasi ano -ahm... ”
“ANO?”
“P-paano a-ko... I-i mean... b-bakit a-ako nandito? Anong nangyari? ” utal-utal kong sabi.
YOU ARE READING
LOVERS Academy||School Of PARTNERS
Teen Fiction@AratengWriter Ang LOVERS Academy ay isang uri ng paaralan na kung saan hindi ka lamang papasok dito upang mag-aral kundi para matagpuan ay iyong TRUE Love. Maraming mga magulang ang nagsasabing ang paaralang ito ay hindi karapat dapat na pasukan ng...