Chapter 1: NEW HOME

48 4 0
                                    

Chapter 1: "New Home"

Ni minsan ay hindi ko hinangad na magkaboyfriend, hindi sa bitter ako pero hindi ko talaga hinangad na magkaboyfriend. Tapos ano 'to? Pinasok ako ng sarili kong magulang sa school na kung saan "Once you enter you will meet your forever" daw like duh as if gusto ko namang magkalovelife! At isa pa okay na ako sa sarili ko atleast kung wala akong boyfriend, sarili ko lang yung pinagtutuunan ko hindi yang jowa jowa na yan. Hay naku talaga si mama ano ba kasing naisip nya at pinasok ako sa school na yun. Kung ibang magulang lang siguro yun panigurado hindi nila papayagan ang mga anak nila na makapasok sa school na yun.

"Ma'am" naalimpungatan ako sa aking narinig at agad na binuka ang aking mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dito sa kotse dahil sa kakaisip ko kanina.

" Ma'am sorry po at nagising ko kayo pero nandito na po tayo sa bago nyong school."

"Salamat kuya Andrew, pakisabi kila mom and dad kapag ako nabully sa first day ko hindi na ako papasok pang muli sa school na 'to." sabi ko at tumawa lang naman ang huli. Si kuya Andrew ay ang matagal ng pinagkakatiwalaang driver ni daddy Close na rin kami nyan pero palagi nya pa rin akong tinatawag na ma'am.

"naku kuya Andrew wag mo kong pinagtatawanan at siguraduhing sabihin mo kila mom yung sinabi ko."

"yes ma'am! " sabi nito at nagpaalam ng umalis.

Hays! Wala na talaga akong takas sa school na 'to. Nandito na ako at hindi pwedeng umatras dahil paniguradong malalagot ako kay mommy. Sino nga ba naman ang hindi magagalit kung ang pinang-enroll sayo ay napakalaking pera tapos aayaw ka lang. Hays! Talaga buhay.

Kasalukuyan na akong naglalakad at malapit na ako sa gate ng school na 'to. And too my surprise andaming tao, akala ko kasi ako na lang yung hindi pa nakakapasok kasi anong oras na. Nag-uunahan sila at yung iba ay nagtutulakan na para mabilis na makapasok.

Eh sino ba naman kasi ang hindi mag-uunahan eh late na tapos ang liit pa ng gate. Yes po you heard me right ang liit lang nitong gate nila. Nabansagang private tapos eto parang walang pambiling gate. Hays naku talaga!

Ng makalapit na ako sa gate ay apat o limang lalaki na lang siguro ang hindi pa nakakapasok. Nahihiya akong mauna pero inilahad nila ang kanilang mga kamay bilang tanda na mauna na daw ako. Yun bang "Ladies first " daw, may ganun pa pala? Well, maybe here at school that saying is still existing. Sana lang lahat.

"ow, thank you boY- I mean gentlemen." sabi ko sa mga ito at agad na naglakad. Sa totoo lang hindi lakad ang ginawa ko eh kasi lakad takbo na. My goodness! Wala naman silang ginawa but I'm feeling nervous. And take note this is my first time feeling nervous in front of boys. Moooomy get me out of here. Huhuhu!

Tinanggal ko na sa isip ko yung mga lalaki kanina na nagbigay daan sa akin at nag-inhale exhale muna bago nagpatuloy sa paglalakad. Dahil sa paglakad-takbo ko kanina hindi ko napansin na Ang ganda pala ng school na to. As in wow! Super ganda! Yun bang nasa School kana tapos parang nasa Park or maybe Forest na Nasa Mall na nasa isang buong syudad ka pa. Super ganda talaga, hindi nga lang halata kanina nung nasa labas pa ako. Yung gate kasi nila eh.. Hindi ko sinasabing pangmahirap pero parang ganun na nga. Hehehe!

LOVERS Academy||School Of PARTNERSWhere stories live. Discover now