Chapter 5

24 3 0
                                    

Chapter 5: Royalties

AIRZELL

MAAGA akong nagising para makapag ayos, Ngayon kase ang araw para sa First Day of school ko, excited na ako gusto ko ng matutunan yung mga sinasabi sakin ni Leoric dati, yung mga Logic, at P.E class para matuto kang lumanggoy, tumakbo at kung ano ano pa, yung matuto ka ring makipag laban! Gustong gusto kong matutunan yun ang galing kasing makipaglaban ni Leoric eh marunong din syang mag espada! Minsan tinuturuan nya ako pero ako ito takot ipalabas ang natutunan ko.

"Ang Ganda mo Airzell bagay sayo ang Uniform ng academy." Nginitian ko si Coldy.


"Bagay rin sayo." Saad ko

"Talaga!?" Natawa nalang ako sakanya, she was so cute. Mukhang 14 pa nga ang edad nya


Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Tinanggal ko na ang pagka braided sa buhok ko at hinayaan itong nakalugay, suot ko rin ang uniform ng academy, ayaw ko nga sanang suotin to dahil masyadong hapit sa katawan at maikli ang palda. Mukhang Hindi nga ako makahinga dahil ang sikip! Pero sabi naman ni Coldy, normal lang daw ito.


Sinuot ko na ang High cutt na sapatos na hanggang Tuhod at kinuha ko na ang shoulder bag na pinahiram sakin ni Coldy.

"Halika na Airzell!!" Narinig Kong sigaw ni Coldy na nasa labas na pala. Lumabas na rin ako at Inilock na rin ang Dorm.

"Coldy? Anong Room ka?" Tanong ko habang naglalakad kami


"Ice Section ako kagaya nyo nila Red apat lang din kami at Ice ang kapangyarihan namin." Sabi nya bigla syang tumingin sakin na parang may naalala.


"Oo nga pala! Yung Crown pin mo! Bakit Hindi mo sinuot!"


Kinuha ko sa bulsa yung pin, at mukhang nakaginhawa naman sya ng makita ito. Aanhin ko ba ang Pin na ito!? Kinuha nya ito at isinuot sa bandang dibdib ko.


"Huwag mo yang tatanggalin, yan ang palatandaan na Importante ka, kapag suot mo yan walang mananakit at magtatangkang saktan ka." Kahit nagtataka sinunod ko nalang sya. Minsan talaga may pagka weird to si Coldy.


Bigla syang Huminto at humarap sakin.

"Dyan ang Room ko." Sabay turo nya sa isang Room na may nakalagay na SECTION of ICE
"Mukhang sa Dorm na ulit tayo magkikita dahil kanya kanya tayong grupo..Mamaya nalang ulit."
Niyakap nya ako at pumunta na sya sa Room nya. Kinawayan ko nalang sya at ng mawala na sya sa paningin ko nagpatuloy na lamang ako sa paglakad papuntang Room ko.

.


.


.


.

"YOUR 1 minutes and 23 seconds LATE!" Napaatras ako sa gulat ng bumungad sakin ang sigaw ni Red.
Parang sya naman ang Teacher kung maka asta tss..Matalim ang tingin nya sa akin at ng nakipag sabayan ako ng tingin sakanya, inirapan nya lang ako.

ELEMENTALSWhere stories live. Discover now