Chapter 7

11 3 0
                                    

Chapter 7: Beauty and Brain

CRYLLE

Naglalakad na ako papunta sa Room ng may nabangga akong pamilyar na babae. Nag angat ito ng tingin sa akin at bahagya pa itong nagulat.

'Coldy? Yeah that's her name'

"Oh? Hi Coldy!!" Masigla kong bati sakanya. Nginitian nya lamang ako at nilagpasan na ako.

Tch! Hindi ako pinansin?

Hindi tumabla ang ka cute-an ko Hihihi. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at ng makarating. Syempre nauna si Red sa amin at syempre ako ang pangalawang nakarating hehehe.

Salubong ang kilay nyang nakatingin sa akin, nakapatong ang dalawang siko nya sa magkabilang mesa. Ano naman kayang problema nya? Masyadong mainit ang ulo!

"Did you lock the Dorm?" Tanong nito. Napanguso ako at tumango sa kanya. Inirapan nya lang ako at tumingin sa malayo.

"Huwag kang lumalapit masyado sa babaeng may pilak ang mata."

Huh?

Isa lang naman ang silver ang mata rito at yun ay si Airzell. Napangite ako at tinutuksong tumingin sakanya. Tinignan nya naman ako ng masama kaya napalunok ako.

"Bakit? Wala namang malisya dun."
Sabi ko. He smirked at me.

"Psh." Singhal nito.

Umupo na ako sa gilid, kasabay nun ang pagpasok ni Gardenie. Nakabusangot itong naglakad papasok at papunta sa upuan nya.
Napatingin sya sa akin at tinignan ako ng mataray na tingin.

"What are you looking at?" Mataray nitong tanong.

"Bawal ba?" Inosente kong tanong inirapan nya lang ako at nilalaro nya ang maiksi at kulot nyang buhok. Suplada.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Airzell na ngayon ay walang emosyon na naglakad papunta sa upuan nito.

Agad ko namang syang nginitian.

"Good morning Airzell!" Bati ko sakanya. Tinignan nya lang ako. Napanguso ako sa Hindi nya pagbati sakin.

Biglang may pumasok na magandang babae na mukhang strikta. Taas noo itong humarap sa aming apat.

"Good Morning. Im Miss Hera. Your teacher for your Intelligence."

Napalunok ako sa sinabi nya. Potcha bobo panaman ako. Mukhang sya ang unang guro na magiging ayaw ko. Kaasar!

"I know already the four of you." Napangite ito. " Sino ba namang hindi makikilala ang tulad nyo? Ang pinaka importanteng nilalang sa mundong ito." Saad nito.

Walang nag abalang sumagot sakanya. Nakikinig lamang kami sa sasabihin nya.

"Kailangan ninyo ng utak sa pakikipaglaban. Kailangan ninyo ng talino upang magplano. So I'm here to teach each of you. Hmm Logic! I'm going to teach logic."

ELEMENTALSWhere stories live. Discover now