Naghintay ako ng ilang taon
Naghintay ng pagkaktaon
Gumawa ng paraan para magkatagpo
Pero tao rin naman ako marunong sumukoSa dami mong ginagawa
Akoy nababalewala
Pero patuloy paring naniniwala
At nagbabakasakaling pagdating saatin ay may himalaOo baka wala ako sa priority mo
At maaring walang ikaw at ako
Pero kahit ganon gusto kong iparamdam sayo na...
Nandito lang ako nag hihintay lamang sayoGusto kitang tulungan
Pagaanin ang nararamdaman
Pero sabi mo.. Di mo kailangan
Oo nga pala lahat na yata kaya mong sulusyonan
Eh.. Ito kayang nararamdaman?Sabi nila pag mahal mo ipaglaban mo.. Pero napatanong ako...ano bang ipaglalaban ko?
Eh Wala namang tayo..
Eto lang naman ang meron ako
Itong nararamdaman ko para sayo...Sabi nila pag mahal mo ipagsigawan mo
Ginawa ko naman ah...
Hindi pa ba sapat para marinig mo
Anu pa bang gagawin ko para maging bagay tayo
Minsan nga naisip ko..
May halaga ba ko para sayo?Siguroy nararapat nalamang tanggapin ang katotohanang
Hindi tayo bagay, at kailan man di tayo magiging mutual
Alam mo may taong gaya ko rin na naghihintay
Sya ang taong naging karamay sa sakit na nararamdamanHangaang kailan ba ako aasa't
Maghihintay na mapapansin mo
Gumawa ng paraan para mapalapit sayo...
Pero parang ang layo layo ko...
Pakiramdam ko wala akong pag-asa sayoPasensya na nanghihina na ako
Wala nang lakas para magpatuloy pa...
Pagod nang maniwala na daarating ang araw
Na magustuhan mo ko..Pasensya na bibitaw na ko...
Pusoy napagod na, panahon na ata para magmahal ng iba
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoetryTama nga, makikita ang halaga ng isang bagay kung silay mawawala na. Tayo'y naging kampante na sila'y naririyan at hindi tayo iiwan, ngunit hindi natin namamalayan na sila na palay nahihirapan, at nasasaktan. Kaya't hindi natin sila masisisi kung ga...