"Masyado naman po yatang malaki ang hinihingi n'yong kapalit, sir." Hindi mapigilan ni Sam na ibunyag ang totoong saloobin kay Dalmacio Alvarado. Nasa seventies na ang matanda, ngunit mukha pa rin itong matikas at malakas. Hindi na siya nagtataka sa lakas ng aura at dating nito. Nararapat lamang iyon sa may-ari ng pinakamalaking pagawaan ng mga estatwa at rebulto sa buong lalawigan nila. Sa katunayan ay numero uno ito sa larangang iyon sa buong Pilipinas.
"Well, those are my terms, young man. Kung hindi mo pakakasalan ang apo ko, wala ka ring matatanggap na tulong mula sa akin," giit nito. "No wedding, no money."
Hindi siya nakapagsalita. Nagdadalawang-isip pa rin talaga siyang pumayag sa gusto nito.
"Ano ba ang ipinag-aalala mo? Hindi naman cyclops ang apo ko o mukhang mutant," ani nito.
"H-Hindi naman po 'yon ang iniisip ko," sagot naman niya.
"Then, what's the problem? Sa pagkakaalam ko ay binata ka pa naman. Saka, dalaga naman ang apo ko. Bakit? May prospect ka na ba para sa mapapangasawa mo?"
"Ah...wala naman po," sabi niya. "Kaso, hindi po basta-basta ang pagpapakasal. Panghabambuhay po 'yon na commitment. Sa tingin ko po ay bata pa po ako para sa mga ganyang bagay. Saka, 'di po kami nagmamahalan ng apo n'yo. Ni 'di po namin kilala ang isa't isa."
"Tandaan mong ikaw ang unang lumapit sa akin. Handa akong tulungan ka pero siyempre ay may kapalit iyon. Wala na akong ibang tatanggaping bayad kundi iyon lang talaga. Ngayon, nasa sa'yo naman ang choice. Piliin mo kung alin ang mas matimbang sa'yo: ang farm mo na ipinamana pa sa'yo ng yumao mong ama o ang pagkabinata mo."
He really needs the money Dalmacio could give him, so he could pay off his debt. Kung hindi ay mapipilitan siyang ipambayad utang ang farm niya. The farm is the only thing he has. Iyon ang tanging pamana ng tatay niya sa kanya. Kung mawawala iyon ay hindi na rin niya alam ang gagawin niya. Farming has been his whole life.
"Ba't po ako?" tanong niya sa matanda.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ba't ako ang napili n'yong pakasalan ng apo n'yo? 'Di po ako mayaman, 'di po ako nakapagtapos ng pag-aaral. Sa madaling salita, 'di po ako bagay sa apo n'yo."
"Well, normally, I would have chosen someone with better credentials for my granddaughter...pero sa gulong kinasangkutan niya ngayon, malabong may matinong lalaking kalebel niya ang tatanggap pa sa kanya. Kaya nga naisip ko itong solusyong ito, ang mag-hire ng mapapangasawa niya," paliwanag nito.
"To be honest, I did not really think of anyone particular for the role of her husband. Dumating ka lang sa tamang oras at sa tamang pagkakataon. Kung hindi ka naman papayag ay maghahanap naman ako ng ibang tatanggap sa alok ko," dagdag pa nito.
"I really do want to help you. Inaanak ko ang tatay mo. Ganito na lang ang isipin mo, tutulungan kita at tutulungan mo ako. This way, pareho tayong makikinabang."
Sandali siyang nag-isip.
"At pa'no po ang apo n'yo? Papayag po kaya s'ya sa gusto n'yo?"
"Oh, do not worry about her. Papayag siya. Wala siyang choice."
Tiningnan siya nito ng mataman.
"Pumapayag ka na ba?"
Napabuga na lang siya ng hangin at napatango.
![](https://img.wattpad.com/cover/171055050-288-k464203.jpg)
BINABASA MO ANG
Confessions Of A Virgin | ONGOING
General FictionJess is a spoiled brat, who got into a very big trouble. Kinailangan niya ang tulong ng pamilya niya. Ngunit sasagipin lang siya ng mga ito kung papayag siyang magpakasal sa lalaking napili ng mga ito upang maging asawa niya, si Sam.