Chapter Two

2.2K 47 34
                                    

Sam thought Rich Girl, a.k.a. Jessica Marie Donaire, was disappointing. Kung anong ikinaganda nito ay siya namang ikinapangit ng ugali nito. Sayang nga kasi nang makita niya ito sa personal ay nawala ang agam-agam niyang makipag-isang dibdib rito. Naisip niyang hindi na rin masama na maging asawa ito. Rich Girl has the face that many people would look twice on. Tulad ito ng mga estatwang ginagawa sa negosyo ng pamilya nito,  sinadyang maging perpekto.

Pero nang magsimula itong umaktong para siyang batang yagit na namamalimos rito ay mas sumidhi pa yata ang pagtutol niya sa kasunduan nila ni Dalmacio. As it turns out, tulad din ng mga estatwang produkto ng negosyo ng mga ito ay mas maganda lang pang-display ang babae. She had no important function because she lacked depth of character and she had no good sense. She was superficial to the core.

Ayaw niya ang mga ganoong tao, mga makamundo. Halatang hindi nito naranasan ang magtrabaho sa tanang buhay nito. Sanay itong pinagsisilbihan. Lumaki kasi itong may gintong kutsara sa bibig. She probably only thinks of herself, her needs, her wants. That's why she lacks empathy.

Kapag naging asawa niya ito ay magbabago ang lahat. Kakailanganin nitong mamuhay ng simple. Magtatagal kaya ito?

Baka wala pang isang buwan ay umuwi na ito sa pamilya nito. Then maybe she would ask for an annulment. E 'di magiging malaya na siya mula rito nang hindi kinakailangang siya ang sumira sa kasunduan. All is well and ends well for him.

Nang araw na iyon ay papunta siya sa lungsod. Kailangan nila ni Rich Girl na mag-taste test ng magiging wedding cake nila.

Two nights ago, he left her with some hurtful words outside her house. Inaamin niyang na-guilty naman siya sa ginawa. Kahit pa dapat lang rito iyon para matauhan ito ay hindi pa rin niya maiwasan na maawa rito nang kahit kaunti. He wasn't the kind of person who revels in making others feel bad about themselves.

Ngunit sa kabila nang nangyari sa pagitan nila ni Rich Girl ay sa isang sulok ng puso niya ay gusto niya itong makita uli. There's just something about her that draws him to her.

Minamaniobra na niya ang sasakyan palabas ng bukana ng farm nang biglang narinig niya ang pangalan niya na isinigaw. Napatingin siya sa rearview mirror at nakita na papatakbo sa kanya si Otep, isa sa dalawa niyang farm hands.

"May pupuntahan pa 'ko sa lungsod. Ayokong mahuli," sabi niya rito. Inilabas niya ang ulo mula sa bintana ng sasakyan at tinanaw ito.

Pupungas-pungas ito nang makalapit sa kanya.

"K...Kasi," lumunok ito, "si ate Chiara mataas ang lagnat, parang magkokombulsyon na."

Agad namang inatake ng kaba ang dibdib niya.

"Dalhin n'yo na s'ya sa ospital. 'Wag na kayong mag-aksya ng panahon," utos niya rito.

"E kuya, sira 'yong motor namin..."

"Sumakay ka na dito. Pupunta tayo sa inyo. Ako nang maghahatid sa kanya sa ospital," walang pagdadalawang-isip na nagboluntaryo siyang tulungan ang mga ito.





"Baka paparating na po 'yong fiance n'yo, ma'am Jess," sabi ng wedding coordinator sa kanya. Mukhang hindi nakalampas rito ang panaka-naka niyang pagtanaw sa labas ng pastry shop. Tinitingnan niya kasi kung dumating na ba ang pick-up ng lalaki.

He's been late for twenty minutes already. Hindi naman ito nag-text o tumawag para ipaalam na mahuhuli ito.

"Baka nakalimutan n'yang may gagawin kami ngayon," hindi na niya napigilang mag-isip ng mga dahilan kung bakit hindi pa ito sumisipot.

"Ay hindi po, ma'am Jess. I reminded him about today's appointment," sagot naman ng wedding planner.

"Why don't you try calling him on his phone, ma'am?" It was the owner of the shop who gave the suggestion. Kung tutuusin ay puwede naman silang magsimula nang wala ang lalaki pero gusto niyang hintayin muna nila ito. She just feels that it's important for them to do the taste test together.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Confessions Of A Virgin | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon