Second Drop

26 1 0
                                    

Nia's Point of View:

"Niaaaaaaaaaaaa!!!!!!" rinig kong sigaw ng isang babae.

Maya maya ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Niaaaaaa, ano kaba namang bata ka?!!!!" sigaw nito. Naramdaman ko bigla ang sikat ng araw na nanggagaling sa bintana.

Bigla akong napamulat.

"Nia, ano ka ba naman at anong oras na! Bumangon kana dyan at unang araw mo sa eskwela." saad nito habang tinitiklop ang kumot.

"Anong oras na po ba manang?" nag-uunat pang tanong ko.

"Ay pasado alas otso na!" sagot naman nito.

"P-po?" bigla akong napaupo sa pag kakahiga. "Manang naman! Bat di moko ginising" nagmamaktol na sabi ko.

"Aba eh, kung alam mo lang kung ilang oras ako nag tatawag diyan sa baba halos mapaos na ako, hija. Tapos umakyat ako eh sarado pala 'tong silid mo. Kaya ayan, binigay na sakin ng kuya mo ang susi ng kwarto mo." paliwanag nito.

"Aisshhhh! May mga requirements pa kong kelangang ipasa bago makapasok eh!" pag rereklamo ko.

"Bilisan mo na ang kilos mo at ng makahabol kapa. Mauna na ako sa baba at ako'y marami pang gagawin. Bumaba ka nalang at nakahanda na ang agahan mo sa mesa." bilin nito at nag astang aalis na. "Ah sya nga pala Nia, pumasok na ang mga kuya mo dahil ang tagal mo daw gumising at baka sila'y malate." yun lang at nagtuloy na sya sa baba.

Nag lakad namana ako sa bathroom at naligo. Pag baba ko ay wala si manang sa kusina kaya nag madali na akong kumain. Matapos kumain ay nag ayos lang ako ng sarili at lumabas na papuntang parking. Pero aaminin ko, hindi talaga ako nag susuklay -_-

"Wt..... Where's my car?!" nag palinga linga ako sa buong parking pero wala akong nakita ni isang sasakyan.

"Ughhh! Kuya Zeke! Humanda ka talaga sakin mamaya!!" nang gagalaiting usal ko. Palibhasa nasira yung sasakyan, yung akin parati Ang ginagamit! Hays, no choice ako kundi mag bike! Eh wala eh, kung mag co-commute ako malayo pa lalakarin ko para makahagilap ng taxi or jeep.

Nag lakad na ako palabas ng mansion habang inaalalayan ang bike at paglabas ko saka ako sumakay at nag padyak.

Saktong pag labas ko ng village ay traffic -_-

Hindi naman ako makadaan sa tabi dahil masyadong masikip at may mga nakaparada pang sasakyan kaya nag hintay muna ako ng ilang minuto bago ko mapansing umaandar na ang mga sasakyan kaya nag madali na kong ipinadyak ang bisikleta pero hindi ko napansin ang maliit na gulong na nakaharang sa dadaanan ko kaya mabilis akong tumigil at itinabi ang gulong na iyon gamit ang paa ko.

"Hoy nene! Your blocking my way!" rinig kong sigaw mula sa likuran. Napalingon naman ako. Nakita kong lumabas pa sya ng kotse nya. Mukhang galit ah? Tss, na-haggard lang sa traffic? Hindi ko namana sya pinansin at kaagad naman na akong umalis dahil baka wala na akong maabutan sa school.

Nang makarating sa school ay iniwan ko sa guard ang bike dahil baka may kumuha. Pag pasok ko sa loob ng campus, hinanap ko na agad ang daan kung saan patungo sa office ng dean, patakbo akong nag lakad sa hallway para maihabol ko ang requirements ko kaya sa hindi inaasahan....

"Ay putong mainit-init!" singhal ko dito at nahulog Ang mga dala ko. Napahawak muna ako sa noo ko bago tuluyan syang tiningnan. Pag tingin ko sakanya agad kong nakita na may hawak syang cellphone. Tsk! Hindi kasi tumitingin eh!

Wisp of the wind [On Going] Slow UpdateWhere stories live. Discover now