Third Drop

13 1 0
                                    

Nia's Point of View:



Habang nakikinig sa mga nag papakilala ay palihim kong isinusulat sa papel ang mga pangalan nila at paulit-ulit ko ring binabasa iyon para pumasok sa isip ko.


Wala naman kasi talaga akong balak na kilalanin sila. At ayoko rin sanang makilala nila ako -_-

Kung bakit ba naman kasi may pa 'introduce your self' pang nalalaman.



Habang tumatakbo ang oras ay unti unting dumadami ang bilang ng pangalan sa listahan ko at palapit ng palapit sa pwesto ko ang mga dapat mag pakilala. Meron ding mga nag kakamali sa pangalan kaya naman tuwing makikipag-kamay sila sa taong hindi nila nabanggit ng tama ang pangalan ay kinikilig ang iba lalo na kung babae at lalaki ang mag she-shakehands.


"Jandell, your turn." nangingibabaw na boses ni miss, at napatingin naman ako dun sa lalaking tinawag nya tsaka pinagmasdan itong tumayo.


"Mia, Carlo, Alex, Glaiza, Ella, Elyn, Cloe, Max........." isa isa pa nitong binanggit ang mga pangalan ng nagpakilala kanina. Nakinig lang naman ako hanggang sa matapos sya. "Umm, I know you guys already know me but for the 'new' students here na hindi pa nakakakilala sakin, I'll introduce my self first." aniya na may pag didiin sa salitang 'new'. Naka halumbaba lang ako habang pinag mamasdan sya magpakilala. Nakita ko namang sumulyap na sya sakin at agad ring umiwas ng tingin.


Ang galenggg!


"Well..... I'm Jandell Leith Ramos. Lives in Suello Village. Hmm, I think I can't tell my age HAHAHAHAH" tawa nya at nag bungisngisan rin naman 'tong mga ka klase ko.

'Psshh! Pasikat!' sa isip ko

"Hmm? I think, I have nothing to say. So, that's all." aniya at umupo na. Sumunod namang tumayo ang katabi nya para magpakilala.


"Mia, Carlo, Alex, Glaiza, Ella, Elyn, Cloe, Max, Ann, Kyle, Zcarina.........." pa tuloy parin sya sa pag banggit ng mga pangalan ng mga ka klase hanggang sa matapos. "So, hello my dear classmates, it's nice seeing you again here. I hope this school year will be good for you all. So btw, I'm Joshua Chen. That's all, thank you." yun lang at umupo na sya. Sumunod naman yung katabi nya. Gaya nila ay isa isa nya ding binanggit ang mga nagpakilala na at hindi naman sya nag kamali sa mga pangalan nito.


"Good morning classmates." dugtong nya "Hehe. I'm Trevi Morgan. Sooooo, yun lang haha." nahihiyang napapakamot pa sa ulong umupo ito.


'Hmm.?'


Nag hintay pa ako ng ilang minuto bago ko mamalayang matatapos nang mag pakilala yung katabi ko at ako na ang kasunod kaya naman pag tapos nya ay dahan dahan akong tumayo.

Nakaramdam ako ng pag kailang dahil lahat ng mata nila ay nakatuon sakin na para bang hinihintay nilang marinig yung boses ko. Kaya naman naibaba ko ang paningin ko sa papel ko na nasa table kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga nag pakilala.


"A-ahmm..." naiilang na sabi ko. Habang nakatuon ang paningin ko sa papel na nasa table ko ay unti unti ko ng binanggit ang pangalan ng nag pakilala kanina hanggang sa matapos ako.


"Uhm... Good day to all," panimula ko. "Nice meeting you all-----"


"Oh wait," biglang nag salita si miss kaya hindi ko natapos ang sasabihin ko. Tumingin naman ako sa kanya na parang nag tatanong na tingin. "I think you forgot to mention someone." naka taas na kilay pang ani miss.



Wisp of the wind [On Going] Slow UpdateWhere stories live. Discover now