Can You Still Feel Me Loving You?
Lost. Unsure. Uncertain. Imagine nine weeks akong pregnant tapos hindi alam kung ano ang gagawin.
Paano kaya ‘to? Palalakihin kong mag-isa ang baby?
Literal na hindi ko alam ang gagawin ko nung nalaman kong buntis ako. Paano ko sasabihin sa mga magulang ko ang nangyari?
Napaluha ako.
Masyado na kasing toxic ang sitwasyon at dumagdag pa ang mga responsibly namin sa kanya kanyang buhay kaya na uwi sa hiwalayan.
Naka blocked na kaming pareho sa lahat ng socmed accounts. Naka deactivated na rin ako para wala na talagang communication.
Nag ask din ako sa kakilala niya and even his friends! No idea rin kung nasaan siya dahil kahit sila ay wala na ring contact kay Ismael after ng hiwalayan.
Okay lang lumaki ang anak ko ng walang amang makikilala. Kaya nagpatuloy ako. Wala akong sinayang na oras at pagkakataon.
Nang malaman ng mga magulang ko ang nangyari halos kamuhian nila si Ismael dahil sa ginawa niya. Galit na galit sila. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko at hindi ko sila masisisi sa galit na nararamdaman nila.
Hindi pala basehan kung gaano katagal na panahon ang pagsama para masabing stable na ang tao sa future na gusto mo. Nag expect din kasi ako.
Doon na ako umiyak nang husto. Sobrang sakit. Kahit gusto ko siyang ipaglaban sa lahat-lahat, pero mas matimbang talaga ang sakit na nagawa niya sa’kin!
Hanggang sa isang araw bigla na lang sumuko ang katawan ko sa pagod at pagkamulat ko nakahiga na ako sa malambot na kama. Napansin ko kaagad na may dalawang tao doon na nag uusap malapit sa pinto.
Napatingin sa’kin ang mga magulang ko nang marinig nilang napahagulgol na lang ako sa kinahihigaan ko. Wala na akong nagawa kundi umiyak nang umiyak. Guhong guho na ang buhay ko dahil sa nangyari.
“Anak ginawa mo na ang lahat. Ayusin mo naman muna ang buhay mo anak. Mahalin mo naman ang sarili mo, anak. Piliin mo sarili mo, Kath.”
Hindi ko matanggap ang nagawa ni Ismael na pang-iiwan sa ere! Hindi ko matanggal lalo nakunan pa ako.
Alam niyo yung pakiramdaman na hindi mo alam kung paano tatanggapin ang sitwasyon pero kailangan?
Ang sakit maiwan sa ere na maraming tanong sa sarili. Mahirap bumangon sa umaga na maraming katanungan. Kahit napipilitan. Kahit nahihirapan.
Kailangan kong maghilom. Kailangan kong mahalin ang sarili ko para lang makausad.
Pinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
Dumilim ang mga liwanag habang nakapikit ang mga mata at sa muli kong pagdilat nawala ang bigat na naramdaman ko.
