Chapter 1

8 0 0
                                    

Samantha's POV

*RINGGGGGGGGGGGGGGGG*

       Tumunog na ang Palatandaan na tapos na ang klase. Iniligpit ko muna ang mga Notebooks at papel na ginamit ko kanina. Napatingin ako sa ballpen ko na Ginagamit ko pa mula pa nung 1st year palang ako sa Highschool. Ewan ko ba at bakit Hindi na uubos ang tinta nito.

      Binigay rin to sa akin ni Papa bago siya pumunta sa ibang bansa at sa kasamaang palad ay Nag crush ang eroplanong sinasakyan niya at wala ni isang nakaligtas. Si inay naman ay namatay dahil Di kinaya ang Pagkawala ni papa kaya lumaki ako sa piling ni Lola at Lolo.

        Maayus naman ang Buhay namin at napaka simpe lang. Nakatira kami sa lupa ng Mga Calenthia na tinatawag nilang "Calenthian". Naninilbihan sila Lolo at Lola sa kanila simula pa noon. Si Lolo ang Tagapangalaga sa Mga hayop ng Calenthia at si Lola naman ang sa Garden ng Calenthia na puro mga nagagandahang bulaklak.

           Ginawa ng bahay bakasiyonan ng mga Calenthia ang Bahay na itinayo nila dito dahil minsan nalang sila kong Dumalaw. Sabi ni Lola may 1 Anak daw ito pero Di ko parin nakikita hanggang ngayon. Tanging ang mag-asawa lang ang aking nakikita.


          Nilagay ko sa bulsa ang ballpen ko at inayus ang aking upuan bago Lumabas ng Silid. Habang naglalakad ay patingin-tingin lang ako sa paligid at Nakapagtataka na bakit wala ng masyadong tao.

"Teka nakalimutan ko yung headset ko Tangina"Dali dali akong lumakad pabalik sa aking silid pero habang nasa hallway ako parang Humangin ata bigla. Di ko nalang ito Pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

    Biglang humangin ng malakas at sa puntong iyon ay tumingin ako sa paligid para kasing may tumitingin. Baka napaparanoid lang ako.Lumakad akong muli habang Niyayakap ang sarili dahil sa lamig.


       Pagdating ko sa room ay dumiretso ako sa aking upuan at Binuksan ang drawer dun. Nakita ko dun ang Headset at Teka bakit may pulang rosas?


     Tumingin ako sa paligid. Nakapagtataka na ako nalang mag-isa dito kanina pero wala akong napansing may Bumalik dito.Pinulot ko ito at tinignan.



        Kakaiba ang bulaklak na ito. Sobrang pula ng mga petals nito at Parang nakita ko na to sa Garden ng Calenthia. pero sinong maglalagay nito dito?



          Binalik ko ito sa drawer at Kinuha ang headset tsaka sinarado ito baka Iba ang may-ari nito at Mali lang ang pagkakalagay. Napatingin ako sa Bintana ng Biglang bumukas ito.



          Pagtingin ko dun puro kakahuyan ang nakikita ko at Mahangin sa labas. Habang nagmamasid ako sa labas ay may napansin akong isang taong may takip sa bibig tsaka Itim ang lahat ng kasuotan na naka Tayo lang sa gilid ng Isang puno.



      Ba't parang nakatingin sa akin itong taong to?Teka baka masyado ng makapal ang mukha ko. Sinarado ko nalang ang bintana baka Mali pala ako at bumalik sa upuan ko.



          Kukunin ko na sana ang Bag ko ng may mapansin akong nakalagay sa Table ko. Isang envelope na kulay Pula. Binuksan ko ito at nakitang Sulat ang laman. Pinag-isipan ko pa kong bubuksan ba o Hindi pero sa Huli ay binuksan ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

              See you Soon Amare.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

      Kailan pa ako nagkaroon ng kumare?Nangilabot ako sa nabasa ko at Dali-dali kong Kinuha ang bag at lumabas ng Silid. Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko na mas lalong nakadagdag ng takot ko.


His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon