Chapter 2

1 0 0
                                    

"WAAAAAAAAAAHHHHHHHH"



"CHANAKKKKKKK"




"ADIKKKKKKKK"





"WAHHHHHHHHHHH"






         Dali-dali akong binitawan ang libro tsaka tumakbo palabas at muntik pa akong madulas sa Hagdanan. Jusko muntik na yun. Putangina ayaw ko ng bumalik sa lugar nato.






      Nakasalubong ko ang gwardiya ng school ng palabas na ako ng School. Pinigilab ako nito ng may nagtatakang tingin. Tanginang guard.





"Anong nangyari sayo at para kang Nawalan ng dugo sa itsura mo. Tinalo mo pa ang mga patay sa kaputlaan mo"Tangina talaga puta Kong Wala lang tong Takot ko baka Nabasag ko na ang pagmumukha nitong guard na FC.






"Guard Wala pa akong Balak Sapakin ka kaya wag mo akong asarin" Pasalamat ka lang talaga at Nangingilabot pa ako sa nakita ko kanina.






    Tumakbo ako papunta sa Gilid ng Guard house kong saan Nakalagay ang bisekleta ko. Tinanggal ko agad ang lock nito at dali-daling sumakay.






       Malapit pa akong mabangga ng Mabilis akong magpedal. Paglingon ko sa likod Nakatingin lang sakin ang guard na may pang-aasar na Tingin.







"Anak ka talaga ng Palaka"Sinabi ko bago ako nagpedal ng mabilis. Sigurado akong narinig niya yon dahil Tumawa ito ng malakas.




        Ngina Takutin ka sana ng engkanto. Jusko Tignan lang niya sa Susunod na magkaharap kami hindi ko yan uurungan.





GWARDIYA LANG SIYA DI SIYA ANG MAY-ARI NG SCHOOL PUTA!






          Mabuti nalang at nakalma ko ang sarili ko dahil sa Hangin na Sumasalubong sa akin. Pansin ko na Pagabi na kaya mas binilisan ko pa ang pag pedal baka may humarang saking Dambuhala. Wala pa namang masiyadong tao sa daan kasi Pagabi na.




        Maraming matataas na kahoy sa gilid ng Daan. Natatabunan ng mga sanga nito ang itaas kaya di mainit kapag umaga dito at masarap ding maglakad dito dahil sa sariwang hangin.






     Habang tumatagal ay Mas lumakas ang hangin kaya hininaan ko ang pagpedal. wala pa naman akong dalang jacket. Sobrang Tahimik ng paligid na tanging Paggalaw ng mga sangga ng puno ang maririnig.






       Hanggang sa naramdaman ko na naman na may tumitingin sa akin. Bumalik na naman ang kabang naramdaman ko kanina. Bumilis ang pagpedal ko ng lumakas ang hangin bigla.






"Samantha"





Napatigil ako sa pagpedal at tumingin sa paligid. Wala akong nakikitang tao. Pero may kutob ako na ang taong tumawag sakin ay yung taong nakita ko kanina sa lumang building.






     Jusko Baka sinusundan ako ng mamang masarap na yun. Delikado na ako dito kailangan ko ng magmadali kaya nagpedal ako ng mas mabilis kumpara kanina pero Napapikit ako ng may duming pumasok sa mata ko.






         kumurap ako ng maraming beses para mawala ang dumi kaya pero dahil sa katangahan ko nawalan ako ng Balanse kaya Muntik na akong matumba ng may Sumalo sa aking makisig na braso at Pinatayo ng may pag-iingat.








      Lilingunin ko na sana pero paglingon ko wala akong nakitang tao. Tumingin ako sa paligid pero wala talaga akong nakitang tao.






His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon