Nocturnal Rainbows

4 1 1
                                    

Panay ang pag-scroll down ko at pag-retweet ng mga meme sa twitter. Ganun yata talaga ako kahit na maraming gawain, nakukuha pang mag-update sa mga social media accounts ko.

Inabot ako ng mahigit isang oras at naisipan ko na ipahinga muna yung mata ko dahil nakatutok nanaman ako ng matagal sa cellphone ko.

Tinabi ko ang phone ko at nagbuklat ng isang librong binasa ko kahapon. Hindi pa siya tapos kaya itutuloy ko lang.

Tumunog ang cellphone ko at agad ko 'yon tinignan. Laging ganun kahit na sobrang busy ko, nakukuha ko pa rin na i-prioritize yung mga bagay na wala namang halaga.

Alex Mariano sent you a friend request.

---------------------------------------------------
| Confirm  |  Remove Request |
---------------------------------------------------


Alex Mariano? Wala siyang mutual friends sa'kin. So it means, hindi ko 'to kilala. Pero tignan natin kung may itsura.

Pinindot ko ang profile niya at nag-stalk. Yeah, stalk. Ewan ko pero... marami akong nalalaman ka'pag nag-sstalk ako.

Pagkapindot ko sa profile niya, bumungad ang display picture at ang cover photo niya kasama na rin ang pangalan at bio.

Alex Mariano (Lex)

adventurer | vlogger | freelancer

After nun ay nag-scroll down ako ng konti at nakita kong marami siyang followers. Bruh, it's over 60, 000 followers and tinalo yung akin! I just only have 37, 600 followers! Halos kalahati lang ng kanya!

Siguro sikat 'to? Oo, vlogger siya so pwedeng marami na siyang subscribers. I checked his display picture. Nakatalikod siya sa cam, facing the view na dapat ay background niya. The photo was captured in Paris, France. Most particularly, sa Eiffel Tower.

Maganda yung feed ng facebook niya. Unlike mine na random pictures lang yung pinagpo-post ko.

Ayoko sanang i-accept pero... I like his facebook profile. So, why not?

I clicked the confirm button. The message button that was shown at the profile lighted into green. Showing that he's active right now.

Agad akong umalis sa profile niya at nagscroll nanaman sa news feed ko. Taga-react lang naman ako ng 'haha' at 'sad' 'pag may mga jokes na nakakatawa at nakakaiyak sa sobrang corny. Tapos, yun na. Lipat naman sa Twitter then sa Instagram.

In a while, a chat head popped up sa side ng screen ko. And it was the man I accepted awhile ago, Alex Mariano.

   📶Globe         1:34AM            🔊↩️

    ⚫️ Alex Mariano
         active now

You're now connected to each other. Tap to wave.

                          1:33AM

    Hi!

    ----------------------------------------------------
     write a message...              |send|
    ----------------------------------------------------

Pinag-isipan ko muna kung rereply-an ko siya o hindi. Then at last, ni-reply-an ko pa rin siya. Hindi ako snobber at mas lalong hindi ako pa-famous. Yes, famous nga ako pero hindi ko ugaling mag-snob sa mga taong lumalapit sa'kin.

                            1:41AM

                                               Helloo!
                                                  sent!

Agad niya yun sineen at nag-reply din agad.

Doon nagsimula ang lahat. Madalas na kaming nag-chachat magmula nung nag-hi siya sa'kin. Masaya siyang kausap, actually. Yung tipong hindi mo mararamdaman na stranger siya. Kasi parang siya yung long-lost friend mo na ngayon mo lang uli nakita.

Tuwing umaga, sinong mauna sa'min na magigising ay babati ng 'Good morning.' Tapos minsan ay nagkakamustahan after ng mga activities namin sa buhay.


Model ako sa isang sikat na industry. I also endorse many dress na gawa ng stylist ko. Sometimes, yun ang suot ko ka'pag may fashion show ako.

Kinukuha din ako ng ibang company to endorse their products. Doon din ako kumikita ng malaki dahil nagugustuhan ako ng mga judges.

After a month, naisipan namin na makipagkita sa isa't isa. Pero hindi pa ngayon. Kasi naman isang buwan na kaming magkausap pero hindi pa namin nakakasama ang isa't isa.

       Alex Mariano is calling you...

"Hello?" sagot ko sa tawag.

"Where are you?" his deep, manly voice enveloped my ears.

"I'm here sa shoot ko. Why?"

"What location exactly it is?"

"Quezon City. Why?"

"See ya." Then he put down the line.

What the heck just happened?!

Naguluhan ako sa kanya pero hinayaan ko na lang 'yon. Pero, really? Ako? Binabaan ng linya?!

Someone enveloped me with a warm back hug. I found it sweet but... who's this one?

Tinignan ko ang braso ng taong nakayakap sa'kin. Ayon sa ma-ugat niyang braso, isa siyang lalaki. His muscles are also firm and placed in proper.

"Selene..."

That voice! I knew who this person is!

"Alex!"

------

© lacassiopoeia 2019

🎉 Tapos mo nang basahin ang Nocturnal Rainbows #MakeItSafePH | COMPLETED 🎉
Nocturnal Rainbows #MakeItSafePH | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon