Kapansanan Isinulat ni Esperedion G. Maravilla Jr.

581 1 0
                                    

Simula ng aking pagsilang hanggang sa ako'y lumaki, naranasan ko ang tumawa, umiyak, masaktan, madapa at bumangon dahil sa mga taong nakapaligid sa'kin at maging sa aking naranasan.

Kapansanan? Ano ang unang pumapasok sa isipan niyo kapag naririnig niyo ang salitang kapansanan? Kapansanan ay isang sakit o minsan ay kakulangang pisikal sa isang indibiduwal. Kapag naririnig ko ang salitang kapansanan, ang pumapasok sa aking isipan ang pangungutya, pinagtatawanan, inaapi, "Out-of-place" at ang salitang "buli". Nakakalungkot man isipin na may mga taong hindi bukas ang isipan sa mga taong may kapansanan. Di ba nila iniisip na may damdamin din sila? Na sa kanilang kakulangan ay pinagtatawanan at kinukutya niyo sila? NASASAKTAN DIN SILA! Sabi nga ng mama ko "kapag kinukutya ka isipin mo nalang na mas nakakaintindi ang mga may kapansanan kaysa sa mga normal na tao, ikaw abnormal ka man sa pisikal na anyo ngunit sila abnormal sila sa isip dahil di nila naiintindihan ang nararamdaman ng mga katulad mong may kapansanan" at iyon ang nakatatak sa isipan ko.

Di ba natin naiisip na ang mga may kapansanan ay kayang magpakita ng abilidad, kayang makipagkompitensya at higit sa lahat kayang magbamahagi ng talento na siyang hihigit sa mga normal na katulad niyo.

Isang lalake ang pumukaw ng aking atensyon ng mapanood ko siya sa isang training sa TCU. Siya ay si "Nick Vujicic" isang "motivational speaker " na nagpupunta sa iba't-ibang bansa upang magturo ng mga "Inspirational message". Siya ay isang halimbawa ng isang leader. Nakamamangha siya dahil kaya niyang magturo sa libo-libo o higit pang tao. Dahil sa kanyang kakulangang pisikal ay naramdaman ko ang kalakasan ng kanyang loob, abilidad na kaya niyang tumayo sa kanyang sarili niyang paa at makikita mo sa mga mata at labi niya na masaya siya sa kanyang ginagawa kahit may kapansanan siya. Tama nga ang katagang "hindi hadlang ang kapansan para makamit mo ang gusto mong gawin sa iyong buhay."

Kaya dapat huwag natin maliitin ang mga may kapansanan, ito'y suportahan at gawing inspirasyon sa isa sa ating lahat. Maraming salamat po at magandang gabi sa inyong lahat.

Kapansanan  Isinulat ni Esperedion G. Maravilla Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon