Chapter 2

1 0 0
                                    

"Tito?"

Pagkarating ko sa kusina limang pares ng mga mata ang nakapukol sakin.

"Why Baby Carl?/Layl?/Carlisle?" Sabay sabay nilang tanong.

"Oh? Ang aga nyo po yata for dinner? Ano pong meron?" Tanong ko habang nag-usog ng upuan para maka-upo ako kasama nila sa mesa.

Kase naman magkakasama sila sa mesa at tahimik pero may sari-sarili silang ginagawa.

Si Tito North nagtitimpla ng kape.

Si Tito South nakapangalumbaba sa lamesa.

Si Tito West nakasuot ng reading glass nagbabasa ng libro.

Si Tito East naman kinakagat yung kuko nya sa kamay.

At si Tito Blake naman, yung guardian ko, kakatapos lang inumin yung tubig nya at naka-upo na rin sa mesa.

"Baby Girl, Ambaho mo na. Amoy pawis ka mabuti pa magpahinga ka muna at maligo. Kadiri ka naa-amoy kita eh" Suggestion ni Tito South habang naka-ipit yung ilong nya gamit ang daliri nya.

"Luh?" Ako sabay amoy sa sarili ko. "Ambango ko nga eh Tito" At inaamoy ko pa rin ang sarili ko.

Duh! Ambango bango ko oh! Tsaka kakaligo ko lang bago mag-training noh! Tapos maliligo ulet ako? The hell?!?!

"Umakyat ka na sa kwarto at oras na ng vitamins mo." Kahit kelan talaga laging on time to si Tito Blake pagdating sa vitamins ko daw.

Oo "daw", kase naman may vitamins palang de- inject? Well okay na din yun kesa naman nung bata ako. Tablet pero araw-araw. Eto kase every  week lang.

"Hehe Tito pwede pahinga muna ako saglit? Kase kakatapos lang ng training oh! Parang naman ayaw nyo ako kasama eh." Sabay nguso para effective.

"Alam mo pamangkin, miss na miss ka namin kahit araw-araw kami dumadalaw dito. Kaso lang di ka namin mayakap dahil ambaho baho mo. Umakyat ka muna kaya? Hehe" sabat ni Tito East habang may pilit na ngiti.

"Atsaka ampanget panget mo na hindi ka fresh tingnan kadiri ka umakyat ka muna don bilis! May pinagu-usapan kami eh." Si Tito South ulet. Hays. Di naman kase halata na pinagtatabuyan nila ako no?

"Ano po ba kaseng pinagu-usapan nyo tito? At napaka seryoso nyo ha?"

Kase naman ang tahimik nila. Di ako sanay, maiingay yan pag nandito sa bahay at nagkasama-sama!

Kaya kahit papaano napupunan nila yung lungkot at longing na nararamdaman ko para kela Mom and Dad. They always make me happy like nothing to worry.

Nilapag ni Tito North ang tasa na hawak nya sa lamesa.

"Baby Carl? You better follow our orders first. Umakyat ka na muna at magpahinga, take a bath, then maghahanda na tayo for dinner." Tito North replied with a finality in his voice.

Si Tito North ang pinakaseryoso sa kanilang lahat. Parang sya yung leader nila kase when it comes to decisions, napakagaling nya. Critical thinker din kase yan si Tito. Sya din yung pinaka tahimik. Pero pag sila sila ang magkakasama. Nako! Sabog ang bahay.

"Hays. Ambaho ko na ba talaga? Ano ba yan--"

"Umakyat ka na Carlisle at--"

"Hep! Hep! Aakyat na Titooooo! Aakyat na ako oh! Hehe babyeee!"

Sino pa ba? Edi si Tito Blake. Sya naman lagi yung nagpuputol sa sasabihin ko eh.

Well, actually, ewan ko ba at pag nagkaka-usap kami lagi talagang napuputol yung sasabihin naming pareho.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon