Sa mundong ito marami na akong naranasan.Sa murang edad marami na akong natutunan.Sa hirap ng buhay natuto akong magsikap.
Mahirap man mabuhay sa mundong ito pero titiisin ko dahil may nagmamahal sa'kin.
Pero hindi ko aakalain na sa isang iglap bigla siyang naglaho.
Ang sakit!Ang sakit mawalan ng taong mahal na mahal mo.Pero tatanggapin ko ito ng buong puso.Sa pagkawala niya magbago kaya ang buhay ko?
O baka sa pagkawala niya maging miserable ang buhay ko?
Sa pagkawala niya may darating bang papalit sa kanya?
O baka sa pagkawala niya hindi na ako magmamahal dahil ang sakit masaktan?Yan ang mga katanungan na nasa aking isipan simula nang mawala siya.Nawalan ng saysay ang buhay ko ng naglaho siya.
Siguro ito na ang panahon na sumama ako sa kanila.
YOU ARE READING
Treasure Academy
Teen FictionAkala ko hindi totoo ang paaralan na ito.Pero nagkakamali ako.Dati nakikita ko lang to sa litrato,Pero ngayon nandito na ako.