Chapter 2

611 27 2
                                    

*Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

Yehey! Uwian na^_^

Lumabas na karamihan sa mga kaklase ko. Naiwan kami ni Nicole.

"Uy, 'di ako makakasabay ha?" Napatingin naman ako sa kanya habang nag-aayos ng gamit.

"Nandiyan si Tito?" Tumango naman siya. So mag-isa akong uuwi ngayon *pout*

"Sige gurl una na 'ko ha. Labyuuu!"

"Labyuuu too!" With yakap pa 'yan. Haha. Ganyan talaga kami.

Lumabas na siya at.. naiwan ako mag-isa -_- Langya naman yung mga kaklase ko. Hindi man lang nagwalis ng classroom. Tsk. Ang sisipag talaga.

Dahil masipag rin ako, hinayaan kong marumi yung classroom. Aba bahala sila dyan. Hindi naman ako cleaners eh. Bwahahaha. Lagot sila kay Sir. Mag-eevolve na naman sa dragon 'yon bukas.

Tumingin ako sa blackboard namin kung saan nakasulat ang mga assignments bawat subject.

"Hmm, math and science lang pala may assignment eh." Kinuha ko na yung libro ko sa dalawang subject na yon.

Tinignan ko mabuti ang mga gamit ko kung may naiwan. Ulyanin ako eh. Kaya kailangan i-check.

Lumabas na 'ko ng classroom pagkatapos kong i-check yung mga gamit ko.

Hala. Bakit ang dilim na? Shet. Baka biglang lumabas si Valak sa kung saan.

Napadaan ako sa cr ng mga lalaki. At.. ano ba naman yan. Ang baho! Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at nagtakip ng ilong.

"Hindi ba uso sa kanila ang magbuhos after gumamit?" Bulong ko sa sarili. Hindi po ako baliw ha. Hahaha.

Pagkalabas ko ng campus, wala pa yung service ko. Hay nako. Matawagan nga.

Kinapa ko yung bulsa ko pero..

"Wala? Hindi ko naman nilabas 'yon ah. Hindi nga ba?" Napaisip ako. "Ay! Oo nga pala." Nagpapasa si Lyzza kanina. Nailagay ko sa bag yon. Oo tama!

Tinignan ko naman yung bag ko. Pero WALA?! Watdapak. Hala saan ko ba nailagay 'yon?!

No choice kung hindi balikan yung mga dinaanan ko kanina.

Pagtalikod ko..

O.O - Ako

Siomai na masarap. Ano bang ginawa ko ngayong araw at may anghel sa harapan ko?

Tumingin ako sa kanya ng matagal. Sorry naman. Ang bagal ng process ng utak ko eh. Na-stuck.

Nakatingin din siya sa 'kin.

Teka.. N-n-nakatingin din siya sa 'kin? EMEGHED! NAKATINGIN YUNG CRUSH KO SA AKIN!

Biglang nag-function yung utak ko dahil doon. Shemay. Nakakahiya!

Yumuko ako bigla at naglakad papasok ng campus.

Medyo wala ako sa sarili dahil pagtalikod ko kanina nandon si Chinito.

>//////<

Hayyyy nako Jenisse! Hanapin mo muna yung phone mo.

Habang naglalakad mukha akong ewan. Nakatingin ako sa baba eh. Para akong naghahanap ng palaka. Aware akong pinagtitinginan ako ng ilang estudyante. Gosh. Ano ba naman yan -____- Mind your own business.

Nakarating na ako ng classroom namin pero hindi ko pa rin nahahanap. Aish.

Pumasok ako ng classroom namin at hinanap ang phone ko. Malay mo nandito lang. Sana nga *cross fingers*

Tinignan ko yung ilalim ng mga upuan at table. Tinignan ko rin yung mga cabinet. Pero WALA. Kulang na lang baliktarin ko tong classroom eh. Halaaaaa TT.TT

Napaupo na lang ako sa lapag na parang batang inagawan ng candy. 'Yon nga lang hindi ako inagawan ng candy kundi nawalan ng phone.

I was just in that kind of position ng biglang may nagsalita..

"Hey. Is this yours?"

Napatingin ako sa may pintuan at nandon na naman yung anghel na nakita ko kanina. Ano bang kabutihan ang ginawa ko at gagawin ko araw-araw para makita ko 'tong anghel na 'to.

I looked at the thing he's holding and.. it's my phone! Paano napunta sa kanya 'yon?!

"H-how?--" He cut me off

"Nakita ko malapit sa boys' cr." Aha! Baka nahulog pagkakuha ko ng panyo sa bulsa.

"Uhh.. Okay ka lang?" Lumapit siya sa akin

And then it hit me. Nakasalampak pala ako sa lapag. Hay nako Jenisse! Pang-ilang kahihiyan mo na 'to.

"Ah. O-oo naman." Tumayo agad ako at nagpagpag.

I heard him chuckle. Napatingin naman ako. Ay mali. Napatingala pala. Gosh. Ang tangkad ni Chinito ko.

But wait.. he chuckled right? OMG!

"Hey. Okay ka lang ba talaga?" He waved his hand in front of my face. Over over na kahihiyan na to! >_____<

"Yeah. Sorry.. Ahmm, yung p-phone?" Tinuro ko yung phone ko na hawak pa rin niya.

"Oh. Here." He handed me my phone.

"Thank you ha." He smiled. Siomaiiiiiiii! Wag kang ngumiti. Puh-lease! Nakakamatay.

"Wala 'yon. Anyway, una na 'ko ha. Bye."

He waved while walking away. Gosh. Ang gwapoooooo!

Kumaway na lang din ako at ngumiti.

Nang makalayo na siya..

"KYAAAAAAAAH!" Napatili na lang ako dahil sa kilig na kanina ko pa pinipigilan.

This day is the best! It's like a dream come true. No. It's a dream come true.

Ngayon napatunayan ko na na dreams do come true.

- - -

A/N: Hey guys! I'm trying to have time to edit this and continue the story. Well, 2 years na ata 'tong ganito. Haha.

Ang Crush Kong ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon