Chapter 13.2

210 9 2
                                    

"HAHAHAHA!"

Wait.. I know that laugh.

Nilapitan ko yung kotseng nasa harapan ko at binatukan ang driver. Bukas naman yung bintana eh.

"Araay! Nisse naman! *pout*"

Kilala niyo na kung sino?

Walang iba kundi si Chinito.

Kung hindi ko lang to crush, hindi lang batok aabutin nito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Ako dapat nagtatanong niyan. Kababae mong tao naglalakad ka mag isa dito. Brokenhearted ka ba? Mukha kang nag eemo eh." Nagpipigil siya ng tawa

"Che! Hindi noh. Nag iisip lang ako ng pwedeng galaan." Sabi ko sa kanya

"Gala?? Kauma-umaga maggagala ka. Hmmmm.." Nag isip siya saglit at.. "Samahan mo na lang ako mamaya sa mall."

"Gagawin natin dun?" tanong ko

"Ano bang ginagawa dun??"

*poink*

"Aray! Nakakarami ka na, Nisse!" sabi niya habang hinihimas yung ulo niya

"Nagtatanong ako ng maayos kaya sumagot ka nang maayos." Sabi ko sa kanya

"*pout* Maayos naman yung sagot ko ah."

"Wag ka ngang gumanyan. Di bagay sayo." Suway ko sa kanya

"Di ka ba nakyukyutan?" tanong niya

Ang Crush Kong ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon