Zone#1

296 7 3
                                    

No Prologue..

Chapter 1

Nandito ako ngayon sa mall, malltour kase ng boyfriend ko kasama ng mga kagrupo niya.

"Aaaahhh!!!" sigawan ng nakararami. Syempre pati ako nakikisigaw.

"Go! PertPert Baby!!!" Sigaw ko ng malakas.

Ang hirap talaga pag sikat ang boyfriend mo. Ang dami mong karibal.

Namatay ang ilaw at ang tanging ilaw nalang na nakabukas ay yung sa stage.

Naglabasan ang limang gwapong lalaki. My Gosh!

Walang humpay ang sigawan,tilian, siksikan, tulakan at hampasan sa loob ng mall kaya naman yung mga ibang store ay pinili nalang na magsara.

Nagsimula na silang magperform. Lalong lumakas ang tilian, pati ako nakikisigaw na. nasa iisang tao lang ang paningin ko. kahit na marami sila sa stage nasa kanya lang ang paningin ko. Bawat galaw niya parang bumabagal sa paningin ko..

Natapos silang magperfom na puro sigawan lang ang ginawa ng mga nanonood.

"Ahhh.. thank you sa pagpunta niyo dito. Hindi namin inaasahan na ganito karami ang pupunta kaya maraming maraming salamat talaga." sabi ni Micko. Isa sa mga miyembro ng Face off. lima sila sa grupo pero may back-up dancers sila minsan.

"Aaahhh!" sigawan naman ng mga fans.

"uhhmm..." pasimula ni Rupert. Nagulat ako dahil napunta bigla sa kanya ang mic. Inagaw niya siguro kay Micko. "Gusto ko rin magthank you sa inyo dahil nakapunta kayo dito at.... thank you din sa baby ko.."

0/////0

Nakatingin siya sakin. Kaya nagsitinginan din ang mga tao sa bandang gawi ko.

"Miss Romero."

"Aaaahhh!" sigaw ng mga fans niya.

"Miss Romero!"

"I Love You." sabi niya sa mic habang nakatingin sakin. O//////O

waaaahhh!!

"kyyyyaaahhh!!"

"ang swerte niya!!"

"Kainggit!"

"Miss Romero!!!"

"Girlfriend niya?! My Gad! Noooo!!"

Ganyan nga! Mainggit kayo!

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang bumaba ng stage.

Oh My!

Papunta siya sakin!

Oh My!

palapit na siya.

ayan na..

malapit na..

malapit na siya.....

"MISS ROMERO!!!!!!!"

"Malapit na!"

Napatingin ako sa paligid

"Anong malapit na Miss Romero?!!!!" Pasigaw na tanong sakin ng teacher ko.

"Hahahahahaha!" tawanan naman ng mga kaklase ko.

Shit!

Panaginip lang pala.

"Natutulog ka na nga sa klase ko nanaginip kapa?! Ano ba yang 'Malapit na' sa panaginip mo ha?!" Tuloy tuloy na sigaw ng teacher ko. May tumatalsik pang laway. Yuck!

"Wet Dreams sir!" sigaw naman ng kaklase kong sira ulo sa may bandang likod.

Lalo silang nagtawanan dahil sa sinabi niya.

"ROANNE ROMERO! DETENTION!"

Aaaawww!

**

Nandito ako ngayon sa Detention room.

Booooriiiing!

Panaginip na nga lang napahiya pa ako!

Napaka malas ko talaga! Wala naman akong balat sa pwet!

Kinuha pa yung phone ko!

Mag iistalk pa ako sa twitter eh! Baka may bagong tweet si PertPert.

Ang hirap na nga ng buhay fangirl, pati ba naman buhay estudyante mahirap din?

Dalawang oras akong nakatulala at tumutulo ang laway sa detention room bago makalabas.

at pagkalabas ko...

"Oh Yeah! This is Liiiife!!" sigaw ko habang nakataas pa ang dalawang kamay. Para akong nakawalang preso. Ang daming nakatingin sakin pero inismiran ko lang sila. The hell I care!  This is a free country!

"Roro!!!"

Napatingin ako sa tumawag sakin. Si Bestfriend pala.

"Andreu!" yumakap ako sa kan'ya pagkalapit niya.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo?" tanong niya na may kasamang batok.

"Aray!"

"Palagi ka nalang nasa detention room. Hindi ka ba madala-dala ha?" sermon niya pa sa akin.

"E' nakakaboring magturo mga teacher eh. Tsaka malay ko bang mananaginip ako, hindi ko naman kontrolado yun." pangangatwiran ko sa kanya.

"Tara na nga iuuwi na kita. Puro ka kalokohan bumagsak ka pa niyan kay sir ocampo eh."

"Hindi yan! Napeperfect ko naman mga test at quiz ko kaya okay lang. Sadyang boring lang talaga ang history para sakin kaya nakakatulugan ko lagi." Totoo naman kasi. Magaling naman ako lalo na kapag written pero kapag oral hindi.

Hinatid na ako ni Ands pauwi.

Yeah. My Bestfriend is a guy. Ayaw ko sa mga babae puro chismis lang ang alam, puro dada, paganda dito, paganda doon, bobo naman. Kaya wala akong kaibigan na babae kase hindi ako gaanong nakikisalamuha sa kanila mas gugustuhin kong lalake ang mga tropa ko kaysa sa mga babae. Kaya ang datingan e' ako pa ang malandi dahil puro lalaki ang kasama ko, ako ang pinagchichismisan nila.

"Nak! nariyan ka na pala. kakatapos ko lang magluto. halika na at kumain ka na." bungad sakin ni mama pagkauwi ko. Kami lang dalawa dito sa bahay wala akong kapatid at si papa nasa abroad.

"Sige ho. magbibihis lang po ako." sabi ko sa kanya. Masyadong tagalog dito sa bahay, ganun ako pinalaki. Tipong dalagang pilipina dapat. Hindi nila alam na ang gaslaw ko talaga gumalaw.

Kapag kumakain kami sa labas kailangan babaeng babae. Yung dapat hindi tutunog yung plato sa kutsara o tinidor kapag kumakain. Hindi nila alam kung gaano ang pagpipigil ko para lang hindi kamayin mga pagkain sa harap ko.

Dumiretso na ako sa kwarto ko. Ang kwarto kong punong puno ng poster at picture ni Rupert.

Naligo muna ako at nagbihis bago bumaba para kumain. Pagkatapos kumain umakyat na ako kaagad para buksan ang computer.

Buong gabi lang akong nagistalk sa lahat ng account ni rupert bago matulog.

-to be continued...

FanzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon