Zone#5

52 1 0
                                    

Chapter 5

~Roro's POV~

Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos.. Simula nung may makabanga ako sa labas ng school.

iniisip ko parin kung tama ba yung iniisip ko..baka kasi mali ung nasa isip ko eh.. Oh baka naman yun lang ang pumasok sa isip ko kasi siya palagi iniisip ko.. Pwede din namang yung mga iniisip ko ay hindi naman talaga dapat isipin ng isip ko..

gulo noh?!!! Naiinis na nga ako eh!!

>.

yung galaw niya alam na alam ko.. yung boses niya alam na alam ko.. alam kong.. alam kong siya yun! hindi ako pwedeng magkamali... pero kasi.. parang imposible eh!! ano naman gagawin niya dun?!..

"Roro!!!" napatingin ako sa tumawag sakin... Si kaizen lang pla..

"uiiii! Zen!"

"Ba't naman nakabusangot yang mukha mo?! Kamukha mo na tuloy si grumpy.. Aaahahahahahahahahahaha!!!!"

(-.-) ????

"Ang saya mo ata?" -_-

"H-huh? Nakuu! Bakit bawal ba maging masaya?! Aahahaaha!!!"

Hindi niya ako hinatid pauwi kahapon kaya akala ko napikon siya sakin dahil sa pangaasar ko sa kanya.. Tapos ngayon ang saya saya nya?!..

Nakasinghot yata toh ng katol eh.. -.-

"So bakit nga nakasimangot ka diyan habang naglalakad ha?"

"Eh kasi iniisip ko kung tama ba talaga yung iniisip ko.. Baka kasi masyado lang akong nagiisip kaya napapaisip nalang ako ng kung ano anong pwedeng isipin eh.."

".......................................Ano?"

"Ay! Ewan ko sayo wala kang kwenta.." sabi ko sa kanya sabay pasok sa room ko..

Yung room niya kasi nasa 2nd floor.. Yung akin dito lang sa ground floor.. Kaya mas nauuna akong nakakarating ng room kesa sa kanya..

"Romero.. Report!"

Yun agad ang bungad sakin ng aking "Mabait"(*ehem* with sarcasm) na teacher pagkapasok ko ng room..

Tss~ 4hours pala ang subject niya samin ngayon..

Kung minamalas ka nga naman.. -_-

"Ayon sa mga arkeologo,ang kauna-unahang sibilisasyong aegean ay nagsimula sa Crete. Mga 3100 BC o bago isilang si Kristo...."

Buti nalang napagaralan ko na ito dati.. Ako lagi pinagiinitan nitong teacher na ito eh.. Kaya nag advance reading na ako sa mga tinuturo niya.. At ito na nga -_- .. Ako na naman pinagreport niya..

"Tinawag ito na Sibilisasyong Minoan batay sa pangalan ng maalamat na haring si Minos... Ang nagtatag nito......."

Mahigit dalawang oras akong nagsasalita sa harap... Kaya pakiramdam ko ang sakit ng lalamunan ko..

Buti nalang break na.. Nagsawa ako sa pagmumukha ng teacher na yun.. Haha!

"Wag kang iinom ng malamig na tubig..."

Napatingin ako sa nagsalita.. Si Ferrer lang pala. Kaklase ko ito.. Matalino,Tahimik..minsan lang siyang nagsasalita pero maraming nagkakagusto sa kanya..

"Uyy! Si marco oh." rinig kong sabi ng babae sa unahan ko.. Nasa canteen kase ako at kasalukuyang nakapila para bumili ng malamig na tubig...

"Ate.. May mineral ho ba kayo na hindi malamig?"

"Ahh.. Sandali iho.. Kukuha ako.." sabi ni ate at umalis na papuntang likod ng canteen...

"Oy! Pano mo nalaman na tubig ang bibilhin ko?"

"Hula ko lang...."

"Eh nakapila na ako oh! Dapat hindi ka na sumingit.. Nakakahiya sa mga nauuna sa pila.."

"Tsk! Miss.. Ayos lang ba?."

"Aa-h-huh???.." sabi nung babae sa may harapan ko sabay turo sa sarili niya...

-.- ano ba yan! Daming arte..

Tumango lang si Ferrer sa kanya..

"A-ahh O-oo ayus lang Marco.. Hihi!! Ayos lang kahit hindi kana pumila.. Hihihi!"

-.- Landi...

Tapos tinignan ako ni Ferrer na parang Oh-Ano-May-Problema-Ka-Pa?! look.. Sinimangutan ko lang naman siya..

Bakit kapag magaganda at gwapo nakakasingit sa pila?!!

Teka! Maganda naman ako ahh.. Ayoko lang maging unfair sa iba.. Tama! Ganun nga.. Hindi ako panget nuh?!!!

"Ito iho.. Buti nalang meron.. Nasa ref kasi lahat ng inumin.. Madalang lang kasi ang naghahanap ng hindi malamig.."

Kinuha ni Ferrer yung inumin.. Kukunin ko na sana yung pangbayad sa bulsa ko pero bago ko pa madukot yung pera may pumigil na sa kamay ko..

"Ako na..."

Edi ikaw na.. Hindi ako tumatanggi sa libre.. Haha!

"Oh.." sabay abot ng bote ng mineral sakin..

Nandito kami sa gilid ng canteen.. Ewan ko kung bakit kami napunta dito..

Hindi ko mabuksan yung takip ng bote... Nakakainis!! Dati isang ikot ko palang nakabukas na..

"Akin na nga.." kinuha niya yung bote sabay bukas..

"Salamat.."

Parang hindi ako nasatisfied sa ininom ko.. Kapag hindi kasi malamig parang uminom ka lang ng hangin..

Waaaahhhh!!! Gusto ko ng malamig!!

"Bibili ako ulit.."

"Anong bibilhin mo?"

"Tubig na malamig.." Sabay lakad papuntang canteen..

"Sandali..."

"Bakit?"

"Ang tagal mong Nagreport kanina.. Baka lalong sumakit yang lalamunan mo at mapapaos ka pa kung malamig yung iinumin mo.."

"Wow! Ang haba ng sinabi mo ahh.. First time!"

(-_-) --> itsura niya.. Haha!

"Pero kasi hindi ko feel eh. Parang wala man akong ininom.."

"Psh! Tara na nga!!" sabi nya sabay hila saakin

"Woy! sandali saan tayo pupunta?!"

"Sa room. bakit gusto mo pang magstay dito?" tanong niya habang kinakaladkad padin ako.

Hindi nalang ako nagsalita.. sabagay ano naman gagawin ko dun.. hindi naman din ako gutom.

"Roro!!" napatingin ako dun sa tumawag sakin.. Si Zen lang pala..

"Hindi kita mahahatid ngayun.." sabi niya..

"Psh!! Ayus lang.."

"Nakita ko kayo ni Marco kanina aaahh.."

"Sa canteen?"

"Oo.. Holding hands" Tinignan niya ako ng nakakaloko..

"Sira! Tinulungan niya lang akong bumili ng tubig." sabi ko sabay hampas sa braso niya..

"Wuuu~ bakit? Isang timba ba yung binili mong tubig para tulungan ka niya?!! Ikaw aahh.. Naglilihim kana sakin."

"He! Tumahimik ka na nga diyan! Alis na ako.. Sige.. Baka nagpost na ng picture si PertPert ko sa Facebook. Bye!"


-to be continued...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FanzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon