Prologue

1 0 0
                                    

"Ice okay ka lang?" Saad ni Cassy

Hindi ko namalayan na kanina pa pala malayo ang aking isip. Nakatitig sa magandang tanawin sa isa  sa magagandang lugar dito sa Palawan. Dito naisipan magbakasyon ng mga siraulo kong kaibigan.

"Oo okay lang ako, nalibang lang ako sa tanawin"

"Tara na sa labas, matuto ka namang mag-enjoy hindi yung puro problema nalang ang iniisip mo" sabi naman sa akin ni Micah.

Sa totoo lang ayaw ko talagang magbakasyon kase nga marami pa akong mga responsibilidad pero dahil sa mga kaibigan ko ay naengganyo na rin ako. Mahilig din kase akong tumingin sa mga tanawin.

"Okay" sagot ko kay Micah.

Bumaba na kami sa Hotel pero may napansin akong kakaiba. Parang may nagmamasid sa paligid pero hindi ko iyon pinahalata at pinakiramdaman ko nalamang kung kami ba talaga ang kaniyang pakay.

"Ice bibili kami ng shades dun samay kanto, napansin ko kase kanina habang nasa taas tayo na pinagkakaguluhan ang tindahang yun, sasama ka?" Tanong sa akin ng nakangiting si Cassy

"Hindi na, magkita nalang tayo sa tapat ng hotel may kailangan lang akong gawin" sagot ko naman

Nagpatuloy na sila sa paglalakad habang ako ay pumunta samay lugar dito na walang tao. Alam kong may sumusunod parin sa akin.

Tumigil ako at pinakiramdaman ulit ang paligid.

Gotya.

Nagtatago siya samay likod ng puno. Hindi ko malaman kung bakit mabilis kong nararamdaman ang presensya ng isang tao.

Mabilis akong tumakbo at pumunta sa kinaroroonan ng lalaki. Marahan ko siyang inangat sa ere at sinandal sa puno. Dahil sa pagkagulat ay hindi agad siya nakalaban.

"Anong kailangan mo sa'kin?" Malamig kong sabi.

"Hindi ka magtatagumpay sa plano mo kaya wag mo na ituloy" tila walang takot na sabi sa akin ng lalaki.

Bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig ay puno ng poot at galit.

"Sino ka?" Malamig ko ulit na sabi sa kanya.

Pero sa halip na sagutin ako ay dinuraan ako ng walang hiyang lalaki na ito.

Kinuha ko ang nakatagong dagger sa kanyang bulsa. Nagulat siya dahil nalaman kong may patalim pala doon.  Napansin ko kaseng unti-unti niya itong dinudukot kaya inunahan ko na.

Dahan-dahan kong tinutusok sa kanyang leeg ang patalim para mas maramdaman niya ang sakit. Nang hindi na siya humihinga ay binitawan ko na. Ang ayoko kase sa lahat ay yung tinatanong ko ng maayos tapos hindi makapagbigay ng matinong sagot. Tumalikod ako at tinawagan ang pinagkakatiwalaan kong tauhan. Ilang sandali ay sinagot na din niya agad.

"Hello" sabi ng nasa kabilang linya na si Robert.

"Pumunta ka dito at linisin mo ang kalat ko" mahinahon kong sagot sa kanya.

"Okay"

Yan ang gusto ko kay Robert, pag may pinagagawa ako ay sumusunod na lamang sya.Pinatay na din naman agad niya ang tawag kaya binalingan ko na ang asungot na lalaki..

"Walang makakapigil sa isang Aiden Hayla Khan"

Nothing Is ImpossibleWhere stories live. Discover now