Chapter 1

27 3 0
                                    

Chapter 1

***

This day for me is a boring day. Nagsama-sama ang mga boring kong subjects sa isang araw. Good thing is yung isang subject ko ngayon ay favorite ko at kakagaling ko lang dun. And now I'm heading to my last class. The boring one. Naglalakad ako sa may corridor nang mapadaan ako sa may restroom at may lumabas na isang babaeng nakayuko. May kinukuha ata sa bag nya. Nang biglang..

"Ouch!" Daing nya nang mabangga nya ko.

"Ano ba- BRUHA!!!!!" Sigaw nya sabay yakap sakin. OA talaga.

"Grabe ah? Sampung taon ba tayong hindi nagkita?" Bumitaw sya sa pagkakayap sakin tsaka nya ko tinignan na naniningkit ang mata.

"Sorry ah! Namiss lang naman kasi kita" Sarkastiko nyang sagot. Tsaka tumalikod at inunahan ako sa paglalakad. Napailing nalang ako. Nagdrama na nanaman ang bruha.

"Tigilan mo nga 'yan Kath di bagay sayo" Pang-aasar ko na may halong tawa habang nakasunod ako sa kanya. Pero hindi nya ko pinansin.

"Hoy!" Tawag ko sa kanya sabay akbay. Ang walang hiya! Naka-earphone pala.

"May sinasabi ka?"

"Wala!"

°°°

"Kheilley Cea Andrada"

"Present po!" sagot ko.

"Oh.. you're here.." yes demonya I'm here obvious ba? Gusto ko syang sagutin ng ganyan kaso baka lalo akong pag-initan ng demonyita kong prof.

Nginitian ko nalang sya ng peke at iniripan. Bwisit! Madalas akong absent dahil sa amboring ng subject nato at etong prof. namin nato na bukod sa palagi pang late ay masyadong pacute. Palibhasa karamihan ng boys dito sa section namin ay may itsura. At ako lang sa mga babae dito samin ang hindi nagagandahan sa kanya. Gusto nya kasi lahat pinupuri sya. Oo nga't maganda naman sya kaso talanding prof. e sobra kung makapag-makeup tas kung makapaglipstick daig pa pa payaso sa kapal ng labi. Hindi naman ako insecure sadyang hindi ko lang ugali ang mambola lalo na't di kami close.

Habang naglelecture sya ay nakasalpak yung earphones ko sa tenga. Wala akong balak na makinig sa mga kaartehan nya.

At pag sinuswerte ka nga naman may biglaan pang quiz.

Nagsimula nang magquiz. Pero ako pa-easy-easy lang. Maya-maya lang din magkakaron ng sagot tong papel ko. Kahit naman nakinig ako kanina e yung mga tanong nya ngayon, yung nilecture nya yon nung absent ako. See? Makatarungan ba yon? Nililito nya yung mga estudyante nya e. Buti nalang matalino yung section nato.

"Ms. blooming ka ngayon ah" Sabi ni Patrick pertaining to Demonya. Ayaw nya ng Ma'am ang itawag namin sa kanya dahil nakakatanda daw yun. Sus!

No. 5 na pero wala padin akong sagot. Pangalan at date lang ang nakasulat sa papel ko. Nakikinig lang ako sa mga tanong nya habang pinapaikot ko sa kamay ko yung ballpen na hawak ko.

"Oo nga Ms. mas gumaganda ka ngayon" its Francis na katabi ni Patrick. Ako naman ay nasa likod nila. Nag-iisa. Lakas trip din kasi tong demonyang to e. Inarrange nya nga kami ng alphabetical pero paurong! Ginawang Z-A kaya napunta ako sa likod. Pero ayos lang. Pabor naman e.

When Patrick said that lines to her as if on cue na napatingin ako sa harap. There I saw how she blushed when she heard the compliments about her. Malamang yung mga compliments na yun ay may kasama pang mga gestures na makalaglag underwear. No doubt. Hearthrob yung mga boys sa section namin e. And now she's distracted. Na habang nagtatanong sa amin ay nakikipaglandian sya sa mga kaklaseng kong lalaki. Gusto kong matawa. Kung alam nya lang.

No Doubt, He's My Prince (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon