Chapter 3

12 2 0
                                    

Chapter 3

***

Palabas na ko ng school ng bigla nalang may umakbay sakin.

Si bakla pala..

"Di ka papasok?" Tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako ngayon papasok sa subject ni demonya.

"Wala si Ms."

"Talaga? Himala" Dahil di pa naman umabsent yun sa klase namin.

"Kaw kasi, inaway mo na naman yan tuloy wala akong wallet tsk!" Dissapointed nyang sabi.

"Loko!" sabay hampas ko sa kanya sa tiyan.

"Aray!" Daing nya habang natatawa. Napailing nalang ako.

"San tayo?" Tanong nya sakin habang nakaakbay pa rin.

"Tayo?" Tumango-tango sya.

"Bakit? Sasamahan mo ko? O Isasama mo ko?" Tanong ko sa kanya. Lumawak ang ngiti ko. Yes! May wallet ako ngayon. Sakin lang naman kasi Gentleman tong si Patrick e. Yeah! he's gay not as in gay. I think ang tamang term para sa kanya is Bisexual?

"Kailangan ko pa bang pumili?" He chuckled. A sexy one. Kung di mo talaga alam na Bi sya ma-iinlove ka talaga. Kaya nga nabola nya si Ms. D e. Pano ba naman kung pumorma e kala mo walang bahid ng kaberdehan yung dugo. At kung kumilos at magsalita paking tape lang! Makalaglag panty talaga. Lalo na pag ngumiti at kumindat sya.

Nag-commute lang kami. Mayaman tong si Patrick, halata naman e. Kaso mautak ang loko gumagamit ng babae para di mabawasan ang allowance. Kotse? Meron. Pero sumasabay sya kila Francis para makatipid daw sa gas. E hinahatid din naman kasi sya ni Ms. D pag uwian na. 3 years lang naman ang agwat ng edad namin kay Ms. D kaya biniktima nya. Landian lang naman ang namamagitan sa dalawa dahil alam kong may boyfriend si Ms. D.

Pagsakay namin sa jeep ay pinagtitinginan kami. Puro mga estudyante ang nakakasabay namin. Karamihan freshmen. Ang landi lang nitong baklang to dahil kada may titingin sa kanya ay kikindatan nya. Eto namang mga grupo ng estudyante naghahampasan sa sobrang kilig. Yumuko nalang ako para mapigilan ang tawa ko.

Bumaba kami sa mall. Pagpasok namin ay umakbay pa rin sya sakin. Kaya minsan sa school napapagkamalang kami.

"Bakit sakin ka sumama? Asan sila?" Tanong ko sa kanya. Usually kasi magkakasama sila nila Francis. Actually tatlo silang bisexual yung isa ay si Red.

"The usual, nambabae or rather naghanap ng wallet?" Tumawa sya.

"E bat di ka naghanap ng sayo?"

"Ayoko, nakakasawa na kasing sumama sa mga babae" Lokong to!

"So.. anong tingin mo sakin lalaki?" Umistop ako at humarap sa kanya na nakapamewang habang nakataas ang isang kilay.

"Oo" Walang kagatul-gatul nyang sagot kaya binatukan ko.

"Aray!" Buti nalang abot ko sya. Tumawa pa ang loko. "Syempre hindi what I mean is pag ikaw kasi ang kasama ko malaya kong naipapakita yung tunay na ako" Kumindat pa. "Tsaka ayaw mo ba? Nililibre naman kita ah?" Parang nagtatampong sabi nya. Tsaka nauna na. Tong baklang tong talaga oo. Sinundan ko naman sya sabay kapit sa braso nya.

"Ah kaya mo pala ko nililibre dahil sinusuhulan mo ko ganon? Para hindi ko ipagkalat na Bi ka ganun?"

"Duh!" Ayan na! Nagtransform na Haha. "Para namang may mapapala ka pag ipinagkalat mong bakla ako" Umirap pa.

"Oh sh!t" Mahinang mura nya sabay yakap sakin siniksik nya yung muka nya sa leeg ko. Walang hiyang baklang to oh! Kala siguro ng mga tao dito e pumiPDA kami.

Sanay nako sa ganyang gawain nya kaya hinanap ko yung dahilan kung bakit sya nagkakaganyan. At hayun! May grupo ng kalalakihan na naglalakad papunta sa kabilang way.

"Ang gwapo talaga nila K!" Impit nyang tili habang nakasub-sob parin sa leeg ko. Natawa nalang ako. Inaamoy-amoy pa yung buhok ko na nakatabon sa muka nya.

"Tumigil ka na dyan P ah! Nagugutom na ko mamaya na yang kalandian pwede?"

"Teka te, di pa ko tapos. Anong shampoo mo?" See? Inamoy nya nga. Kaya naitulak ko sya pero ang loko, tumawa lang.

Dinala nya ko sa isang restaurant. Quarter to 1 na at parehas kaming hindi pa nagtatanghalian kaya heavy meal ang inorder nya. Wala syang paki-alam kahit magkano ang gastos nya sa pagkain pag kasama nya ko. Hindi ko nga alam kung bat ganto tong lalaking to, di kaya nagpapanggap lang tong bakla?

"Alam mo P, nagtataka lang ako  bakit pag ako kasama mo hindi mo ko hinahayaang gumastos?" Tanong ko sa kanya habang ngumunguya. Andito kami sa pinakadulo ng restau. para walang masyadong tao.

"Because you're my friend? A bestfriend indeed." Sabi nya sakin sabay punas ng tissue sa bibig nya.

"Sus! friend, bestfriend? Baka naman gusto mo lang akong maging girlfriend?" Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko.

"Eew! Like Duh!" Ayan! Ganyan sya pag kaming dalawa lang. Sobra ang kaartehan daig pa ko e. I wonder kung anong pag-uusap ang ginagawa nila pag magkakasama sila nila Francis, Red at sya. Yaiks! Di ko maimagine na ang ganyang kagagwapong nilalang e mag-gegaylinggow! Bigla akong natawa.

Tinignan nya lang ako na para bang sinasabi ny na  what the heck is funny? with matching taas ng isang kilay.

"Wala.." Umiwas ako ng tingin at sa pag-iwas ko ng tingin ay nakita ko ang isang lalaking pamilyar na papasok ng restau.

It was Ace

Pumunta sya sa isang table na pang two seaters, sa gilid sa bandang glass wall na medyo malayo sa pwesto namin. Medyo nakaside-view ng konti si P sa entrance ng restau. Unlike me na kitang-kita ko ang paglabas pasok ng tao.

Napansin kong mukang may hinahanap sya. May naiwan siguro. May kinausap syang staff at may ibinigay sa kanya.

Cellphone? Teka? May nakadate sya dito kanina lang? Ano kaya yung dinate nya? Babae o lalaki?

Nagkibit-balikat ako pagkatapos ay sumubo ng sunod-sunod para mapigilan ang tawa ko. Napatingin ako kay P. Halatang nawiweirdohan to sakin.

Umiling lang ako, habang nakangiti. Napatingin ulit ako sa gawi nya. Nakatingin na sya sakin. Ngumiti sya sakin. Showing his sexy smile.

"Eww! K! You're so gross!" Nakatingin pa rin ako sa lalaking nakita ko kanina. Pero nawala ang ngiti nya nang biglang pinunasan ni Patrick ng tissue ang gilid ng labi ko. Nakita kong napatingin sya kay P pero saglit lang dahil may tumawag sa kanya. Isa sa mga lalaking nakita namin ni P kanina.

Dire-diretso syang naglakad palabas ng restau ng hindi lumilingon. Maya-maya pa ay isa-isa nang naglapitan ang mga barkada nya sa kanya. At tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

Weird..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No Doubt, He's My Prince (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon