Chapter 2

13 3 0
                                    

Chapter 2

***

"Sige, ako nalang kukuha ng libro" Sabi ko kay Kath tsaka ko sya iniwan sa isa sa mga lamesa dito sa library. Kailangan kasi namin mag-research para sa activity namin bukas sa English.

Naghahanap ako ng libro sa isang shelf nang may mapansin akong isang pamilyar na lalaki na papasok palang ng library pero hindi tulad kahapon na isa lang ang kasama nya. Ngayon dalawa na. Wow! lumelevel-up si bakla pfft.

"Oh! ito na." Inabot ko kay Kath yung librong nakuha ko. Sabay hila sa upuan na nasa tabi nya tsaka ako umupo.

"Sigurado ka bang nandito yung pinapahanap satin?" Tanong nya ng di tumitingin dahil busy sya sa pag-iscan ng book.

I just shrugged kahit alam kong di naman nya makikita sabay kalikot sa cp ko. Nagtext kasi si Maureen. Nagtatanong kung asan kami.

"Huy!" untag nya sakin.

"Ano?! Hanapin mo nalang kasi dyan!" Pabulong kong sigaw. Habang sinesend ko yung reply ko kay Mau na nasa library kami. Napansin kong nanahimik si Kath. Nakatingin pala sya sakin, kunot noo ko naman syang tinignan. Hindi nako nagulat sa ginawa nyang pag-irap sakin. Sarap tinidurin ng mata neto. Pero walang tinidor dito kaya binatukan ko nalang.

"Aray!" Daing nya sa pagbatok ko. Sabay tingin sakin ng masama. Luh? Sinasaniban na ata to.

"Hehe peace" nagpeace sign ako sa kanya. Katakot e, mamaya di ako pakopyahin. "Uh Kath sige na, bilisan mo na magsagot tapos pakopya ah" Nginitian ko sya sabay pihit sa ulo nya paharap sa libro. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag-pipigil nya ng tawa. Walang hiya talaga oh.

"Ikaw! bawas-bawasan mo paghihithit ng katol ah. Lakas tama ka e."

"Pfft.. Akalain mo yun? Ikaw? Si Kheilley Cea Andrada natakot sakin?" Sabi nya habang tawa ng tawa na para bang isang napakalaking achievement ang nagawa nya. Sa bagay sya kasi tong takot sakin.

"Wag kang Adik ah! Hindi ako natakot sayo, natakot akong hindi moko pakopyahin."

"Pero atleast natakot ka parin" Nagmake-face nalang ako nung sinabi nya yun.

Wait. I stop for a moment. May naalala kasi ako e. I snap my finger.

"Ay! nga pala, andito yung bakla" Napatigil naman sya sa pagtawa at napa-isip.

"Bakla?" Naguguluhan nyang tanong.

"Oo! Yung ano.. yung E- Ace ba yon?" And then someone cleared his throat. Sino namang ep-

"Kuya Ace??!!" Gulat na sambit ni Kath. Sinita tuloy kami ng nagbabantay sa library.

Ah yung bakla lang pala yung epal na OA kung tumikhim. Teka kung sya yun at nasa likod namin sya, ibig sabihin?

PATAY KANG KHEILLEY KA!

Tumingin ako sa likod, pero sa mga kasama nya ko tumingin. Ngumiti sila sakin tsaka nagpaalam narin sila kay Ace. Biglang nangasim yung mukha ko. Humarap ulit ako sa table namin at siniko ko si Kath.

"Kath Tara na" bulong ko sa kanya.

"Ingay mo kasi" she mouthed. Napahilamos ako ng mukha.

°°°

Yesterday was unexpected. Malay ko ba na nandun yung baklang yun sa likod namin. Buti nalang at tumawag si Mau kaya nagkadahilan ako para lumabas ng library at di na bumalik. Naiwan dun si Kath sa loob. Pero maya-maya lang sumunod sya sakin at pinuntahan na namin si Mau sa fast food chain, dumeretso na sya don dahil nagugutom naraw sya.

"Bye ma!" Paalam ko kay mama sabay kiss sa cheeks.

"Take care honey!" Nagwave sya sakin pagkababa ko sa sasakyan.

"Ingat!" Pahabol ko pa bago ko isara yung pinto ng kotse. Hinabol ko lang ng tingin yung papalayong kotse ni mama. Tuwing umaga ay sabay kaming umaalis ng bahay ni mama. Idinadaan nya ko sa school bago sya pumasok sa trabaho. Yun ay kung hindi hectic yung  schedule namin.

"Hey!"

"Ay bakla!" Sht! Pagtingin ko sa likod ko si bakla nga ay este si Ace. OH GREAT! Ngayon nagsisisi nako kung bakit sinanay ko ang sarili ko na maging ganyan ang reaction tuwing nagugulat. Kitang-kita ko kung pano tumaas ang isang kilay nya at ang unti-unti nyang pag-ngiti. A flirty one. Naks! Gwapo naman pala. Gwapong bakla.

Narinig kong tumikhim sya. Bat ganon? Ang hilig nyang tumikhim. Naalala ko nanaman yung kahapon. Geez! Oo nga pala yung kahapon. Yung. Yu-

"Done checking me?" What the hell? Panong? Bakit? Nung hindi ako sumagot ay inilayo nya na yung mukha nya sakin. Ganun ba ko natulala sa kanya kaya di ko namalayang ang lapit-lapit na ng mukha nya sakin?

"Here" May iniabot sya sakin. Tinignan ko sya na para bang nagtatanong kung para saan yung iniabot nya sakin.

Folder?

"Kheilley right?" Tumango ako ng alanganin.

"Para kay Kath 'yan. Actually sa inyong dalawa." Tumingin sya sa folder na para bang sinasabi na buksan ko. Ginawa ko naman yung sinabi nya.

Ito yung activity na hindi namin natapos kahapon ni Kath..

"Thank You?" Alanganing sabi ko. Hindi ko na kailangan pang magtanong dahil obvious naman na sya yung gumawa ng activity namin. Pero bakit?

Magisa nga mamaya si Kath.

"You're Welcome then" Sabay ngiti nya. A genuine smile. Ngumiti nalang din ako na medyo awkward.

"Ahm.. Si-sige una nako bye" Inunahan ko na sya sa paglakad. Medyo naiilang kase ko sa kanya. Tsaka di ko panga alam kung narinig nya yung pinagsasabi ko tungkol sa kanya sa library.

"Wait!" Umistop ako at tumingin sa kanya, na dapat sana di ko nalang ginawa. Nakakadistract eh. Totoo kaya yung sinabi ni Kath? Sayang naman kung yung gantong kagwapong nilalang ay kiss and tell. Muli akong natauhan nung maglakad sya papunta sakin. Nakapamulsa. One Word to describe him while doing that. HOT!

"Hmm?" Taas ang dalawang kilay na tanong ko sa kanya. "Uhm may ipapasabi ka ba kay Kath?" Baka lang naman.

"Wala, pansin ko lang kasi na medyo naiilang ka sakin. Wag kang mag-alala hindi ko naman narinig yung sinabi mo kahapon sa library." Nangunot yung nuo ko. Naglakad ulit sya. One step, para magkapantay kami. Naramdaman ko pa yung marahang pagtama nya sa balikat ko. Nasa kaliwa ko sya ngayon.

"..na bakla ako" Tsaka na sya naglakad papunta sa direkyon nya. Tumingin ako sa likod. Medyo malayo na sya nang bigla syang lumingon at naglakad ng paatras. Acting cool. And..

"See you around, KC.." He winked at tumalikod na ulit.

And with that, he already answered my unanswered question. DAMN IT!

No Doubt, He's My Prince (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon