Day 1:Monday. 1:05 p.m.
Dapat maisama sa Guinness World Records si Alexis Concepcion. Record-breaking ang dami ng beses na mali ang solution nito sa isang Math problem.
“Uhm…so, forty-five minus negative eight is, ah…” Tumiim labi ang binata sa harapan ni Vivian at tumitig mabuti sa linear equation sa papel nito. “Uhm…” Nagtaas ito ng tingin sa kanya, may pag-aalinlangan sa malilinaw na brown nitong mga mata. “Uhm…paano nga ulit?”
No wonder all of their classmates had a crush on him, isip ni Vivian habang nakatitig kay Alexis Concepcion. Tall, fair and gorgeous. Hindi pa uso ang tall dark and handsome sa age-bracket nila. Para sa mga teenagers na kagaya niya na nabubuhay sa era ng K-pop at anime, mas mabenta ang mga kagaya ni Alex na parang naggo-glow in the dark sa kinis at puti. Tingin niya ay pati si Julia Barretto ay mai-insecure tumabi rito sa kinis ng balat nito.
“Uhm..?” Alangang ngumiti si Alexis at bahagyang tumabing ang ilang strands ng brown hair nito sa brownish nitong mga mata. “Vivian?”
He had gorgeous hair, but he needed a haircut. Bakit hindi ito sinisita ng mga teachers nila? Ah, yes, isip niya habang nakatitig sa ngiti ni Alex. It’s because of that smile, that boyishly cute smile he’s giving her right now. She supposed that was a perfect real life illustration of relativistic perspective of deviance. Mas maluwag ang rules sa mga taong magaganda at guwapo.
Sinulat ni Vivian ang rules ng adding and subtracting integers at inilahad sa katabi. “Rule of addition: like sign, you add. Different sign, you subtract. You keep the sign of the number with the largest absolute value. Rule of subtraction: reverse the sign of your subtrahend. That’s the second number in a subtraction equation. Then proceed to addition.”
“Ah…” Alangan pa rin ang ngiti, ibinalik ni Alex ang titig sa Math problem. “You’re really good at this. Pasensya na kung medyo slow.”
Tumitig siya sa pagsalubong ng mga kilay ng kaklase habang nag-a-add ng integer. Medyo slow was understatement of the year. She wondered, kung isasailalim sa CAT scan ang ulo ng binata habang nagso-solve ng Math problem, gaano kalaking parte ng utak nito ang iilaw? Baka wala. Mukhang hindi nito alam kung paano gamitin ang utak nito. Maybe she should tell him that?
“So ang mangyayari dito…” kunot noong patuloy ng binata na para bang applications of the definite integral ang sino-solve nito at hindi isang simpleng linear equation. “Forty five plus eight, ang answer dito ay…fifty three, right?”
“Yes, it’s fifty three,” sagot niya. “Do you need a calculator?”
Kumurap ang binata at tumitig sa kanya. “Huh?”
“Calculator, ‘yung small, portable electronic device used to perform both basic and complex arithmetic operations. It looks like you need one.”
Kumurap ulit ito, nanatiling nakatitig sa kanya na para bang nakasulat sa mukha niya ang sagot sa Pollock octahedral numbers conjecture. But that was stupid. Sigurado siyang ni hindi nito kilala si Sir Frederick Pollock, much less malaman ang precepts ng additive number theory na iyon. He probably didn’t even know what a conjecture meant.
“Ah…” Alangan itong tumawa. “Sorry, uhm…no, it’s okay. Bawal ang calculator sa quizzes and exams, di ba?”
“Yes.”
“So uhm…” Maikli ulit itong tumawa. “Parang ang tanga ko naman kung kailangan ko pa ng calculator para sa pag-add nang ganito kababang numbers, di ba?”
“You’re right.”
Kumurap ulit ito. “Huh?”
“You’re right. It’s dumb. You’re pretty dumb.”
BINABASA MO ANG
Five Days To Fall In Love With You
RomanceTO BE PUBLISHED BY BOOKWARE PUBLISHING CORPORATION yay! XD Nerd + Campus Heartthrob + Two Kids = Happy Ever After, opkors! Chos!