Chapter Two

96 12 3
                                    

“I wanna marry p…pwince Charming when I grow up.”

Humilig ang ulo ni Dana sa kandungan ni Vivian at magkasalubong ang mga kilay na tinitigan ang picture sa libro. Tama ang hinala niya, pareho nga ng kulay ng mga mata ni Alex ang kulay ng mga mata ng kambal na sina Dana at David.

Umiling si Vivian. “No. No. Don’t marry prince charming. He’s not nice.”

“But why, ate Vivian? He has castle!”

“You can have a castle, too. You should just study hard and become a businesswoman and become really rich. Or better yet, take up IT or Computer Science, mag-imbento ka ng kung anong electronic commerce company or computer program, that’s the fastest way to become filthy rich in this day and age. Then you could go into real estate and build your own castle. Hindi mo kailangan si Prince Charming. He’s a douchebag.”

Lumalim ang kunot noo ng three year old. “Doosh, doosh bag? What’s a doosh bag?”

“Douchebag, tawag ‘yon sa mga–”

“Hey!” Malawak ang ngiting tumabi sa kanila si Alex sa sahig.

Malawak din siyang ngumiti sa kaklase. Naka-yellow apron din ito gaya ni Mrs. Kristel, at puro mantsa na iyon ng juice at water colors. Pero para pa rin itong matinee idol sa guwapo. He had such a nice smile.

“Narinig mo ba ang mga sinabi ko sa kapatid mo, Alex?” Hinimas niya ang kulot na buhok ni Dana. “Tell your sister not to believe in stupid fairy tales and–”

“Ahahaha!” Malakas siyang tinapik ng kaklase sa balikat. “You’re so funny, Vivian. Uhm…Dana, sandali lang, ha?”

Malawak pa rin ang ngiti, hinila siya ni Alex patayo at palabas ng day care center.  

“Bakit?” kunot noong tanong niya nang nasa labas na sila. “Tingin mo ba hindi tama ang advice ko na magtayo siya ng isang electronic commerce company? Ayaw mong mag-take-up siya ng IT o ComSci? Why? Halos lahat ng mga self-made billionaires under forty iyon ang dahilan kaya yumaman agad. Si Mark Zuckerberg et al., Drew Houston,  Robert Pera, et cetera. May iba ka bang alam na paraan na hindi ko alam?” 

Kagat-kagat ang pang-ibabang labi, tinitigan siya ni Alex. Tumigil na ang ulan, at sumisilip ang panghapong araw sa mga ulap. The soft golden sunlight bathed his reddish brown hair and silky skin, and for a moment, Vivian could do nothing but stare in awe. His eyes looked golden in the sun, too. Like melted gold dipped in honey.

“Uhm…Vivian, medyo, ingat lang sa mga salita sa mga bata. Curse words, bawal ‘yon dito.”

“Oh.” Kumurap siya. “You mean hindi ko dapat ginamit ang filthy rich?”

“Ah….no, ‘yung douchebag.”

Napatango siya. “Ah…okay. Ba’t di mo sinabi agad? Madali naman akong kausap.”

Alangang ngumiti si Alex at napatango rin.

You may be wondering, ano’ng nangyari at bakit napunta dito ang eksena?

Mag-flashback tayo sa two hours and thirty eight minutes earlier.

Malalaking matang nakatitig lang sa kanya si Alex habang nakatayo sa may pintuan ng day care center.

Nag-wave ulit siya dito, mukha kasing naging estatwa na ito.

Kunot noong siniko ng may edad na babae ang binata. “O, Alex, pasok na, ano pang–”

Sinundan ng matandang babae ang tinitingnan ng kaklase, at nakita siya.

“Oh!” Malapad na ngumiti ang matandang babae.

Five Days To Fall In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon