Chapter 9 : Orphanage

10 5 0
                                    

Khate's POV



3 days na ang nakalipas noong second day at Sabado ngayon..




Nagtataka nga ko sa mga kilos ni Casey at Jayden nung mga nakaraang araw, parang close na close sila ngayon, pano kasi sila Ash laging sumusulpot sa amin pag recess at lunch..


"Hey Khate, san ka pupunta?" Tanong sakin ni Kuya..





"Its none of your business.." sabi ko habang inaayos yung buhok ko..


"Pinayagan kitang umalis?" Tanong niya


"Kailangan pa ba??" Sabi ko

"Syemp---"

"Geh! Bye na kuya" sabi ko at nagmamadaling lumabas habang takas takas yung car key ko bwehehehe ^__^

Ini-start ko na yung kotse at nagdrive na..


.........................................................................



Bumaba na ko sa kotse at bigla na lang sumalubong sa kin ang mga bata..


"Hi ate Khate!! May pasalubong ka po ba?" Bati sakin ni Colet na nangunguna sa lahat ^__^..nickname ko lang sa kanya Colet kasi makulet siya haha


"Yes Colet!! Bawi ko toh sa inyo dahil ang tagal ko ng hindi nakakapagbisita dito" sabi ko sa kanya at ginulo ang buhok nito..pero napansin ko lumungkot ang mukha niya..



"Tara!! Dun tayo sa loob" sabi ko sa kanila at nagtakbuhan naman sila papasok sa loob..


Hinahanap ko si Lin Lin na dati siya pa yung nangungunang sumalubong sakin sunod si Colet..



"Ohh Khate buti napadalaw ka" bati sakin ni Grandma na may ari nitong Orphanage..


Tawag ko lang sa kanya Grandma but hindi ko siya talaga lola, kaibigan siya ng real Grandma ko na nasa heaven na and sabi sakin ng Lola Grandma ko na pumunta daw ako paminsan minsan sa Orphanage at tulungan ang dearest bestfriend niya..and prinamise ko sa kanya yun bago siya mamatay..



"Hehe opo, promise ko po kay Lola Grandma na pupunta po ako dito paminsan minsan para dalawin po kayo bago siya mamatay, napakahalaga po talaga sa kanya itong Orphanage" sabi ko kaya ngumiti siya..

"Iwanan mo na diyan ang pasalubong mo at sila Jane na ang bahala niyan" sabi niya kaya iniwan ko na lang muna ito sa lamesa..



Sumunod na lang ako kay Grandma sa isang bench dito..


Nagulat naman ako ng may humawak sa kamay ko at nakita kong si Colet pala ito..



"Baka maubusan ka ng pasalubong ko dun, Colet" umiling lang siya..

"Sinabihan ko na po si ate Jane na tiran ako" sabi niya at ngumiti sakin, haha kahit kailan talaga ang lakas niya kay Jane..

Nginitian ko na lang siya at sinama sa bench..


Pagkaupo ko sa tabi ni Grandma ay ipinatong naman ni Colet yung ulo nya sa lap ko at pumikit..


Ibang iba talaga sila ni Lin Lin sa lahat, parang galing sila sa mayamang pamilya dahil sa itsura nila, di mo talaga iisiping isa sila sa mga Orphans..

"Alam mo bang dito nagumpisa ang pagkakaibigan namin ng Lola Grandma mo?" Kaya naman pala napakahalaga kay Lola Grandma ito..


"Talaga po? Kaya po siguro ganun kahalaga sa kanya ang lugar na ito, pano naman po nagumpisa ang pagkakaibigan niyo?" Bumuntong hininga siya..



It's All Because Of YouWhere stories live. Discover now