I

34 0 0
                                    

 

I.

Each one of us in this world experienced being in love. Yung feeling na ikaw ay masaya dahil kapiling mo ang iyong minamahal. Ngunit ang katumbas ng kasiyahan mo ay ang kapighatian kapag ang pagmamahal na iyon ay naglaho na na parang bula. Ang sakit isipin na ikaw ay umaasa pa na mahalin niyang muli ngunit alam mong ito’y napakaimposible ng mangyari sapagkat, ngayon ay may minamahal na siyang iba.

Im am Kesha Lyn, and I am 20 years of age. I am now 4th year college student sa St. Anne Academy. Simpleng babae lang ako at lubos akong nagpapasalamat sa aking Tita dahil siya ang tumayong magulang ko at tagatustos ng aking pangangailangan. Wala na kasi ang mga magulang ko. When I was 5 years old, they were killed. Hindi ko na alam ang buong storya, kasi minabuti ng Tita ko na wag ng ipaalala sakin. So much for that, so, ngayon dahil 4th year na ako, nag aaral talaga akong mabuti para naman maka graduate ako at matulungan ko na rin ang Tita ko. Kahit na medyo kapos si Tita, pinapaaral nya talaga ako. Yung asawa kasi ni Tita nasa ibang bansa at medyo mahirap din daw kumita doon. Kaya sa lubos ng aking makakaya ay nag aaral ako, at the same time nagpapartime. At dahil, maaga uwian namin ngayon kaya dumiretso na ako sa work ko, nasa isang restaurant ako nagpapartime, taga hugas, taga serve, at lahat lahat na, ayos lang naman sakin, basta’t kikita ako, para narin sa pangangailangan ko. Di naman lahat yun iaasa ko sa Tita ko.

“Oh Kesh, ang aga mo ata ngayon ah,” sabi ni Ate Kryna, siya yung katrabaho ko dito, ngunit regular siya kasi tapos na siyang mag aral.

“Oo ate, kasi maaga naman yung uwian, kaya dumiretso na ako dito, para narin medyo kikita ako ng malaki.” Sagot ko.

“Ah, kaya pala, ang sipag mo talaga, halika kana dito sa loob.”

Kaya ayun, nag start na akong mag serve sa mga orders ng costumer.

“Oh, Kesha, sa table 14 mo eto e serve,” sabi ni Kuya Dan, yung taga arrange ng orders.

“Okay po kuya.”

“Here’s your order ma’am and sir, enjoy your meal,” sabi ko,

Paglingon ng dalawa, O.O. Oh shete, ex ko eto Ah,.. wow ha, infairness maganda yung kasama nya, gf nya siguro.

“Okay thank you miss.” Sabi ng ex ko...

Wow ha, mukhang din na niya ako kilala... Maka “miss’ lang naman, hmmmp. Makaalis na nga. Dahil, wala pa namang ipinapa serve si Kuya, kaya, di ko maiwasang mapatingin sa kanila,. Wow, sweet nila ah. Ni minsan di namin nagawa yang magsubuan while eating. At makikita ko talaga sa mata ng ex ko, kong maka tingin siya sag gf niya, halata talagang in love. Hay, buti pa siya, naka move on na talaga siya, ako ang nang iwan, ako ang di pa naka move on. It has been 4 years. But why, I am not still over him. Ngayong nakita ko siya uli kahit may kasama siyang babae, bakit mahal ko pa rin siya. Yung feeling na siya parin ang dahilan ng bawat luhang tumutulo sa mga mata mo, at di ko namalayang wagas na pala ang pagtulo ng mga mata ko, kaya dumiretso na muna ako sa CR at doon nag iiyak. Ng mahimasmasan na ako, ay tinuloy ko na lang ang paghugas at pagserve ng mga orders ng sa ganon ay maging busy ako, at di ko na maalala yung ex ko .

“Hay sa wakas makauwi na rin ako. Pagkatapos naming kumain nina ate Kryna ay binigyan na kami ng sahod at umuwi na.”

“Ate Kryna, una na ako ha, may project pa kasi akong tapusin. Bye ate.”

“Oh sige, Kesh, mag ingat ka hah. “

At nag paalam na ako kay ate. Nilakad ko nalang papuntang boarding house ko. Pinag board kasi ako ni Tita para daw makatipid ako ng oras at pera, medyo malayo kasi yung bahay ni Tita sa school namin. Pagdating ko sa boarding house ko, ay dretso na sa banyo at nag half bath, at pinagpatuloy ko na yung project ko.

Kinabukasan, ay maaga akong nagising , at kumain na ako, after that nag ayos at pumunta na sa school, hay, konting tiis nalang at final examination na namin next week, kaya, busy ako sa mga projects namin.

Ayon lecture2x lang si ma’am at next class ganun parin. .. After school, ganun parin, pumunta na ako sa partime job ko. Hugas, punas, serve… Hugas… Punas…. Serve.. yan lang naman ang ginagawa ko eh. Pagkatapos, uwian na.

“oh, sabay na tayo, Kesh, sabi ni Ate kryna…

“sure ate. Tara,” kaya ayon, sumakay na kami, at nauna si ate, medyo malapit lang kasi bahay niya dito, at ilang minuto ay, dumating na rin ako…

Alter 5 days, eto, final examination na namin, kaya ayun, test dito, test doon. Buti naman at nakapag aral ako, kahit medyo nakakapagod na...

Days passed….

It’s our graduation day. Hindi daw makapunta si Tita, kaya si Ate Kryna nalang pinapunta ko. After the ceremony ay pumunta na ako sa restaurant na pinapartime job ko, libre daw ni ate Kryna, kaya, ayon, kahit simpleng celebration lang ay masaya parin ako..

Umuwi na rin kami, pagdating ko sa boarding house ko…

(Ring…ring…ring) cp ko nag ring, pag tingin ko, si Tita pala.

[Helo, Kesha, sori talaga, nagkaproblema kasi yung pamangkin ng Tito mo kaya, di ako nakapunta, naospital kasi, sorry talaga..]

[Naku, Tita naman, ayos lang yun nuh. ehehe at Tita, dahil sayo ay nakapagtapos ako, kaya, lubos akong nagpapasalamat sayo Tita,]

[Heeh. ikaw talaga Kesh, walang sawa na yang pagpapasalamat mo ah, no problem, basta’t ikaw ay maghanap ng work ha, para yan sa future mo ,okay..]

[Opo. Para po makatulong din ako sa inyu .Tita, dito lang muna ako sa boarding house, para po makahanap pa po ako ng stable job]

[No problem, Kesh. At medyo magtatagal pa din namn ako dito, kasi walang mag aasikaso sa pinsan mo... Sige Kesh, mag ingat ka diyan lagi.]

[Sigeh Tita.kayo din po. Bye po]

Buti talaga at may napakabait ako na Tita, simula bukas, maghahanap ako ng mapagtatrabahuan, nag resign na din ako sa part time job ko, at buti at pumayag din ang manager ng restaurant... At ako ay matutulog na.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

My ex is now my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon