III.
Lumipas ang mga taon, at mag te threee years old na si baby, siya nga pala babae ang baby ko, at kahit ganito nangyari sakin ay tinanggap parin ako ni tita at mahal na mahal niya pa nga si Kesh Brylah. Yan pinangalan ko sa anak ko, proud ako kahit mag isa ko siyang pinalaki ay maayos naman ang naging buhay namin, kamukhang kamukha talaga siya sa papa niya, ngunit wala na akong magagawa, eh, di ko na nga nakita si Bryle eh, kahit doon sa restaurant ,dir in daw siya nakita ni ate doon. Pero at least kahit di kami para sa isa’t isa ay para ko na rin siyang kasa kasama dahil kay baby Kesh.
“Mama….. At humalik siya sa akin. Alam nyu po, may tatlong stars po ako, eto oh, at pinakita niya sa akin.”
“Wow naman, ang galing naman ng baby ko, pakiss nga,at hinalikan ko siya.”
Pero pagtingin ko sa kanya ay biglang tumahimik at ang lively at happy niyang face ay nagging malungkot.
“Mama, mag wash lang po ako sa kwarto” at umalis na siya.
Pagtingin ko kay tita, “oh tita ba’t naging ganon si baby,” si tita kasi yung sumusundo sa kanya pag uwian na siya.
“eh kasi naman Kesh, family day daw bukas, at alam mo na, naiinggit sa mga classmates.
Kaya pala, bigla nalang nalungkot ang baby ko. Kawawa talaga baby ko.
“Sige Kesh puntahan mu nalang muna si baby ..” sabi ni tita.
“sige po”
Pagpasok ko sa room niya ay nakadapa siya at halatang umiiyak, kaya nilapitan ko siya at niyakap.
“Baby ko, bakit ka umiiyak?”
“Ah wala po mama.” Sagot niya
“Alam ko naman eh, wag ka mag alala ah, gagawa si mama ng paraan para makasali tayo bukas.”
Kaya napatingin siya sa akin
“Mama, bakit alam mo? Sorry mama, nainggit lang po ako eh, pero okay lang po yun.”
“No baby, gagawa si mama ng paraan. Okay? Kaya wag ka na umiyak ah?”
“Talaga po?
“Talagang talaga, kaya halika nga, paakap,”
At niyakap niya ako at nakatulog na siya. Kawawa naman ang baby ko. Bukas na bukas ay gagawa ako ng paraan para makasali kami.
Kinabukasan ay maaga akong nagising ,nagluto ako ng breakfast namin ni baby, aabsent muna ako ngayon, ilang sandali palang ay gising na pala ang baby ko.
“Good morning mama.” At humalik pa siya sa akin.
“Good morning baby, halika na kain kana at pupunta pa tayo sa school mamaya.”
Thank you mama, at kiniss niya pa ako.”
Nag ayos na ako at inayusan ko na rin si baby.
“Tara na baby.”
“Okay po”
Ng papunta na kami sa school, di ko talaga alam ang gagawin ko ngayon, paano kami sasali sa family day?
Pagdating naming sa school ay medyo marami na ang tao, at halos lahat ng classmates ni baby ay complete family na, anong gagawin ko…
“Okay settle down everyone at ilang minuto ay sisimulan na natin ang ating family day. Be ready parents….” Sabi ng teacher nila
“Baby, wait ka lang dito ah, Cr lang muna ako. Okay?”
“Okay mama..”
Anong gagawin ko nito, maghahanap nalang kaya ako ng as if papa ni baby kahit for today lang??
At sa pag iisip ko di ko namalayang may nakabangga nap ala ako tao..
“Ui sorry talaga ah.” Pagpapasensya ko sa lalaki, in fairness ah, ang gwapo niya :P ehehe
“Okay lang miss, kung sa magandang binibini naman ako mababangga ay, okay kahit habangbuhay akong mabangga.” Sabi niya.
“Haahahaha.. Ikaw talaga. Wag mo nga akong binobloa.” Sabi ko.
“Hindi naman kita binobola eh, by the way ano ba yang iniisip mo at ang lalim lalim ng di mo namalayang makakabangga mo na ang napakagwapong nilalang na tulad ko: D, by the way Im Briann. And you are?
“Oh, Im Kesha. Kasi nga may problem ako, family day kasi ngayon ng baby ko, at baka di kami makasali kasi nga single parent ako, kaya ayon, kawawa naman ang baby ko.” Ako
“Ohw, ganun ba, akala ko talaga dalaga ka pa, ang sexy mo kaya, Uhm what if ako nalang muna ang tatayong daddy niya. If it’s okay with you?” Yaya niya.
“Talagah……..O.O…. Sure hulog ka talaga ng langit Bry….” Tara na…
“Okay, let’s go.” Briann.
Pagbalik ko sa inuupuan naming kanina ni baby, ay wala na siya doon kaya hanap ako ng hanap sa kanya, tinulungan narin ako ni Brianne, napag-alaman ko rin na pinuntahan din ni Briann dito yung cousin niya kasi aatend din ng family day ng pamangkin ng gf niya.