Mistaken Goals

29 3 1
                                    

           

"Jessaaaaa, Jessaaaaaa! Gumawa ako assignment!"

"Jessa, Jessa! Pansinin mo na ako!"

"Jessa! Jessa!!!!!!!"

"Jessaaaaaaaa!"


"Ano ba, Kenneth?! Ang ingay mo! Ang papansin mo mas'yado! Attention-seeker ka!"


"S-sorry..."

————-

"So, anong gusto n'yong gawin sa Christmas party?" tanong ko sa mga kaklase ko. Ako kasi ang tumatayong class president this school year.


Patuloy naman ang pagsusuggest ng ilang mga kaklase ko nang biglang magtaas ng kamay 'tong si Kenneth.


"Ano na naman?" Tawag ko sa kan'ya.


"Para sa akin parang masyadong magulo ang sinasabi n'yo. Kasi tignan n'yo ha..." at patuloy s'ya ng pageexplain. "Para sa akin lang naman 'yon. Ewan ko sa inyo." At bigla s'yang umupo.


"Ang yabang naman ni Kenneth."

"'Di ka pa nasanay r'yan."

"Yabang, kainis. Palibhasa g'wapo. Tss."


"Ang bossy mo, Kenneth!" Naglakas loob na sumigaw ang isa sa mga kaklase namin. Nag-agree naman ang lahat. Napatingin ako kay Kenneth, at napabuntong-hininga nalang s'ya at yumuko.


"Sorry."


————-


"Ano bang problema mo, Kenneth, ha? Bakit mo inaway si Ryle?!"


"S'ya ang nauna, okay? 'Wag kang mambintang. Nasasaktan din ako. Marunong akong masaktan, Jessa."


"Anong sakit ang sinasabi mo?! Imposible. Ba't ka naman aawayin ni Ryle, eh ikaw 'tong basagulero sa inyong dalawa."


Umiwas lang s'ya ng tingin sa'kin no'n, at nakita kong may tumulong luha sa mata n'ya.


————-


"Anong nangyari kay Kenneth? Bakit 'di na s'ya mas'yadong nakikihalubilo?"

"Oo nga eh. Parang in-isolate n'ya na 'yong sarili n'ya sa lahat ng tao."

"May problema kaya s'ya?"


Napakunot naman ako ng noo sa narinig kong usapan ng mga kaklase ko. Lumingon ako sa upuan ni Kenneth, at 'di ko s'ya nakita ro'n.


Lumabas ako ng room, at bumaba sa first floor para hanapin si Kenneth. Pumunta ako sa may gazebo, at 'di ako nagkamali na ando'n s'ya.


Umupo ako sa tabi n'ya, pero nakatingin lang s'ya sa kawalan, kaya 'di n'ya rin napansin na andito pala ako.


"H-huy."


Napatingin naman agad s'ya sa'kin, at umayos s'ya ng upo. "Anong ginagawa mo rito?"


"Wala naman. May problema ka ba?"


Umiling ito, at tumingin sa relo n'ya. Bigla s'yang tumayo. "Una na 'ko." Nagsimula na s'yang maglakad paalis, pero hinawakan ko ang braso n'ya, at napatingin naman s'ya sa'kin.


"Balik ka na sa makulit at masiyahing Kenneth. 'Di ako sanay."


—————-


"Okay, Suarez. Your time to shine." Sabi ni ma'am, at saka ito pumunta sa likod.


Si Kenneth naman ay pumunta sa harapan, habang may hawak na papel. Guide n'ya siguro para sa report n'ya.


"Good afternoon, classmates. My report is all about Mistaken Goals of Behavior in Education."


Lahat naman kami'y nakikinig lang sa kan'ya. Nagpatuloy s'ya magsalita.


"First is Attention-Seeking. These kind of students tend to get the teacher's attention. They are often mistaken that they require special treatments, kasi akala ng teacher special child sila."


Tumigil siya saglit at tumingin sa'kin. "Eto yung mga taong tawag ng tawag sa atensyon mo kahit hindi naman dapat. Behind those acts, lies the message 'Notice me'. They just want you to notice them."


Naalala ko naman 'yong mga ginagawa n'ya sa'kin lagi. Tinatawag n'ya ko palagi, at nasabihan ko pa s'yang attention seeker.


"Next is Power-getting. Eto naman ang mga estudyanteng akala ng teacher nagiging bossy, pero gusto lang naman talagang makatulong. For example, yung sa Harry Potter. 'Yong Wingardium Leviosa ni Ron, pero ni-correct s'ya ni Hermione, tapos nagalit at nayabangan sa kan'ya si Ron, yet ang gusto lang naman ni Hermione is makatulong."


Pagpapaliwanag n'ya, at naalala ko naman 'yong nangyari no'ng bago yung Christmas party namin. Yung may nicorrect s'yang idea ng mga classmates namin, pero tinawag namin s'yang bossy, dahil na rin siguro sa approach n'ya. Gusto n'ya lang naman talagang makatulong.


"Third is Revenge-Seeking. Eto naman 'yong akala n'yo nagiging violent at gusto makaganti, but behind those acts lies the message 'I am hurt'. Just like for example, no'ng elem tayo akala ng teacher natin tayo ang unang nanusok ng lapis, pero ang totoo nauna namang mangurot yung kaklase natin. Gano'n."


Naalala ko rin 'yong nag-away sila ni Ryle, at sinabi n'yang hindi naman s'ya ang nauna at nasasaktan din naman daw s'ya. Napag-alamanan kong niloloko pala ako ni Ryle at may iba itong nililigawan. Nalaman 'yon ni Kenneth at pinagtanggol n'ya ako. Pero inakusahan ko pa s'yang basagulero no'ng mga time na 'yon.


"At panghuli, 'yong Isolation or Withdrawal. Eto yung mga estudyanteng nagrerefuse ng magparticipate kahit sa'n. Who knows? Baka dahil sa naranasan nilang mapahiya dahil sa naunang tatlong sinabi ko. Pero, may tendency na gano'n lang talaga sila. At ano ba ang message na gustong iparating nitong act na 'to?"


Tumingin ulit s'ya sa'kin, this time matagal. At alam kong napansin na rin ng mga kaklase ko 'yon. Nakatingin lang din ako sa kan'ya.


"It says 'Guide me. Do not give up on me.' Eto yung mga taong pasuko na, pero kailangan ng isang tao para magmotivate sa kanila, para bumalik sila sa dating self nila." Ngumiti s'ya bigla sa'kin. "'Di ba, Jessa?"


At do'n na nagsimula magkantyawan ang mga kaklase namin.


"Sabi na eh!"

"Kaya pala laging nagpapapansin kay Jessa!"

"Hala omg!"


"Alam kong narealize mong lahat ng ginagawa ko, related sa topic ngayon. And I just want to say, thank you for noticing... and never giving up on me."


Napangiti naman ako sa sinabi n'ya. "I love you," I mouthed those words to him.


"Shit. Nilalandi ako ni Jessa. Hahahaha. I love you, too." Nagtilian at nagtawanan naman mga kaklase ko dahil do'n. "Yun lang ma'am. Thank you."


Nagpalakapakan naman kami, kahit si ma'am, sa report ni Kenneth. Galing eh!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short Stories / Flash FictionsWhere stories live. Discover now