Jealousy; A Girl's Instinct

28 1 0
                                    

           


LIGAWAN STAGE


"Sino ba yung Thea?"



"Ha? Kaklase ko lang 'yon, mahal. Magkadikit kasi surnames namin, kaya ayun. Siya talaga lagi kong katabi."


"Ahhh.. parang ang close n'yo kasi talaga."


"Oo. Kasi first year palang magkatabi na kami. Bakit? Nagseselos ka ba?" tanong n'ya, habang ngiting-ngiti sa'kin."


Imbis na ma-b'wisit naman ako, napangisi nalang din ako. "Oh eh, ano naman ngayon kung nagseselos ako?"


He smiled so bright and hugged me instantly. "Wala lang. Ang saya lang. Nakakabakla, kinikilig ako."

————-

3RD MONTH OF RELATIONSHIP


"Sinong kasama mo kanina, Louie?"


"Ah si Thea, mahal."


"Oh? Hanggang ngayong 4th year, magkatabi parin kayo?"


"Oo, mahal. Nagseselos ka na naman ba?" Nang-aasar na tanong n'ya sa'kin, habang ngumingisi.


"Oh ano? Ngiti-ngiti ka pa r'yan. Gago, ang close n'yo kasi mas'yado."


"Close lang kami. Ikaw parin ang mahal ko, at wala ka dapat ipagselos, okay?"


Hinalikan n'ya ako sa noo pagkatapos.

————-

5TH MONTH OF RELATIONSHIP


"Kaninong number 'yong ginamit mo no'ng nakaraan? Kay Thea ulit?"


"Oo. Wala kasi akong load eh."


"Ah..."


"Don't tell me, nagseselos ka parin kay Thea?"


"Natural lang naman siguro 'yon."


Umiling siya sa naging sagot ko. "Hindi. Parang wala kang tiwala sa'kin." Sarkastikong sabi n'ya.


"Natural lang ang magselos dahil takot akong mawala ka. Matakot ka kapag wala na akong pake sa inyong dalawa." Mataray na sagot ko naman sa kan'ya.


"Wala naman kasi talagang dapat pagselosan, Dhea!" Biglang sigaw n'ya na siyang ikinagulat ko.


"Bakit ka ba sumisigaw? Ano bang problema mo? Hindi ka naman gan'yan dati, ah?"


"Wala. Nevermind. Mauna na ako. Magaaway lang tayo."


At saka siya umalis.

————-

7TH MONTH OF RELATIONSHIP


Tahimik akong naghihintay sa labas ng room n'ya para sana ibigay ang hinanda kong lunch n'ya. Pagkabigay ko sa kan'ya ay saka naman ako kakain kasama ang mga kaibigan ko.


Sinadya kong sa gilid ako para 'di n'ya ka'gad ako mapansin. Gusto ko kasi s'yang sorpresahin.


Pero, mukhang ako ata ang nasorpresa...


Dahil paglabas ni Louie ng room ay biglang sumulpot si Thea sa gilid nito, at iniabot ang isang lunch box na malugod namang tinanggap ni Louie.


Sa 'di malamang dahilan ay biglang tumulo ang mga luha ko.


Sigurado bang magkaibigan lang talaga kayo? Iba kasi ang pakiramdam ko...


Noon pa man, iba na ang pakiramdam ko. Girl's instinct, as what they call it.

————-

1 YEAR OF RELATIONSHIP


"Anong sasabihin mo, Louie?" Walang paligoy-ligoy na tanong ko sa kan'ya nang makarating kami sa isang lugar sa school na walang mas'yadong tao.


"I'm sorry... kasi... kasi ano... kas—"


"Kasi kayo na ni Thea? Gano'n ba? Na una palang niloloko mo na ako, at nagsisinungaling ka sa'kin dahil gusto mo naman talaga s'ya at 'di lang s'ya 'wala lang', 'di ba?" Sarkastikong tanong ko sa kan'ya.


Gusto kong maging matapang sa harap n'ya, pero iba ang pinapakita ng mata ko. Tuloy-tuloy lang sa pagpatak ang mga luha rito.


"Hindi ako tanga, Louie! Kaya ako nagseselos kay Thea dahil nararamdaman ko 'yon! Nararamdaman ko siya, dahil babae rin ako! Alam na alam ko na ang mga galawan na gan'yan. Pero ni minsan ba nakinig ka sa'kin? Ni minsan ba inintindi mo yung nararamdaman ko? Hindi, Louie. Mas inintindi mo 'yang pagkakati mo! Kalalaking tao mo! Siguro nga pati libog mo na rin!" Angil ko sa kan'ya.


Nakayuko lang s'ya no'ng mga oras na 'yon at tila nahihiya. Siguro'y tama nga ako. "Unbelievable..." pinunasan ko ang luha ko, at saka lumingon ulit sa kan'ya. "Hindi ko mabigay sa'yo ang gusto mo kaya hinanap mo sa iba? Oh, ano? Satisfied ba 'yang titi mo, ha?! MASARAP BA SI THEA?!" Sigaw ko sa kan'ya habang humahagulgol.


"Minahal kita ng tapat, Louie. Tapos, eto lang pala ang igaganti mo..." bulong ko, at saka umalis sa lugar na 'yon.

————-

AFTER A WEEK NG BREAK-UP


Kung sinus'werte ka nga naman eh nakasabay ko pa ang higad— ay este ang 'kaibigan' kuno raw ni Louie na si Thea.


At kung 'di ba naman makapal ang mukha ng isang 'to, eh s'ya pa ang may ganang magtaray na parang s'ya pa ang inagawan.


"Excuse me sa mga boring at iniiwan," maarteng sabi ni Thea habang binangga ang balikat ko.


Tumaas ang kilay ko at tila nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. "Saglit."


Humarap sa'kin si Thea na naka-ngisi pa. Ang sarap ingudngod sa kubeta.


"Masaya ka? Na nakasira ka ng relasyon?" Tanong ko sa kan'ya.


Natawa si Thea sa tanong ko. "Oh well, anong magagawa ko kung sa'kin bumagsak si Louie? Boring ka kasi. Wala kang thrill ka-relationship."


Napangiti naman ako sa sinabi n'ya at dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya. Nang nasa tapat n'ya na ako ay tinitigan ko s'ya sa mata at saka bumulong. "Ang sabihin mo... malandi ka lang talaga. Ako kasi, pang-matagalan. Ikaw, pang-masarapan. For short, pang-kama ka lang."


Ngumisi ako sa kan'ya at naglakad na paalis. Bago pa man ako tuluyang makalayo, nilingon ko si Thea na gigil na nakatingin sa'kin. "Ride well, Thea. Baka iwan ka rin n'ya kapag may nakita s'yang MAS MAGALING sa'yo. Ciao." Kumaway ako at umalis.

Short Stories / Flash FictionsWhere stories live. Discover now