CHAPTER 1
Meeting Mister Tsundere
“Grabe, ibang klase naman dito sa Tokyo, ang ganda! Hindi tulad sa Okinawa na puro puno’t halaman.”
Sinuyod ni Naori ng tingin ang kabuuan ng bagong lugar na kanyang gagalawan. Kumpara sa probinsya, napakasibilisado ng main city ng Japan at nasisigurado niyang mahihirapan siyang mag-adjust ng mag-isa sa lugar ngunit kailangan niyang makamit ang ipinangako sa ina bago ito mawala, ang hanapin ang kakambal niya sa napakalaking siyudad na ito. Ni wala siyang ideya sa itsura nito, ang alam lang niya, isa itong lalaki at kasing edad niya ngunit bahala na, ang mahalaga muna sa ngayon ay mahanap niya ang address na nasa papel na hawak niya ngayon at mage enjoy muna siya pansamantala.
Nakangiting iniumang niya ang camera para kuhaan ng larawan ang tanyag na Tokyo tower ng mahagip ng tingin niya ang nagkakagulong tao sa isang park malapit roon at isang malaking video na nagpapakita ng mga naglalabang sumasayaw na mga kabataan, there’s even an announcer and they are all wearing a fancy dress. She got curious and went to the crowd of people.
“Excuse me, paraan po! Ayy!” ang tangka niyang pagpasok sa grupo ng mga tao ay naudlot ng mauntog siya sa isang matipunong dibdib ng isang lalaki. Nang tumingala siya ay isang pares ng asul na mga mata ang nakatingin sa kanya at tila ang mundo niya ay biglang bumagal sa pag ikot ngunit ang delusyon na meron siya ay biglang naglaho ng biglang sumigaw ito.
“Ano ba? Tumingin ka nga sa dinaraan mo!”
“A-ano? Eh ikaw nga diyan ang hindi tumitingin sa daan eh saka bakit ka sumisigaw? Hindi naman ako bingi! Ang yabang mo ah!” Pinagdilatan niya ito ng mata ngunit nakita niya ang discomfort sa mukha nito at bigla na lang siyang patakbong hinila nito palayo.
“Hoy! Saan mo’ko dadalhin? Manyak bitawan mo’ko!” nagpupumiglas siya ngunit wala siyang magawa sa higpit ng kapit nito sa braso niya. “Bitawan mo’ko sabi! Hindi porket gwapo ka eh pwede mo ng gawin ang lahat, hindi ko sasayangin ang virginity ko sayo! Hoy! Bitaw sabeee!!!”
Ngunit tila bingi ito na itinago siya sa isang sulok at tinakpan lang nito ang bibig niya. Kasabay non ang pagdagsa ng napakaraming babaeng humahabol kasunod nila.
“Ahh~ si Nowase!! Nowase sandali!” tili ng isang babae.
“Ayy, nawala sila! Saan sila nagpunta? Ang autograph ni Nowase.”
May panghihinayang ang tinig ng mga ito ng lampasan sila ng napakalaking grupo ng mga babae. Nagulat na lang siya ng bigla siyang pinakawalan nito.
“Ano ka ba? Ganito ba ang mga tao dito sa Tokyo? Matapos mo’kong kaladkarin kung saan, kung saan mo lang din ako iiwan? Walang ugali! Bastos! Walang modo!”
“Diba sabi mo kanina bitawan kita? Ngayong binitawan na kita, nagrereklamo ka pa rin Ms. Virgin?” hinawakan nito ang baba niya saka itinaas nito iyon malapit sa mukha nito na parang may sinusuri doon. “Kaya siguro masungit ka, kase wala kang boyfriend.”
Natameme siya. Oo nga’t totoo ang mga sinabi ng lalaking ito ngunit wala itong karapatang lait laitin siya dahil lang pinili niyang protektahan ng mahabang panahon ang virginity niya. She should be proud of it pero kung ang lalaking ito ang kausap niya, tila ang pagiging virgin ay isang nakakahiyang bagay at isang mortal na kasalan para dito. Dinakot niya ang mukha nito sa inis.
“Lumayo ka nga! Bastos! Wag mo’kong itulad sa inyong mga taga siyudad na kahit saan na lang kayo, para kayong mga aso! Kung hindi ka na virgin, wag mo akong igaya say--” ngunit maagap nitong nahalikan ang mga labi niya, dahilan para manahimik siya at manlaki ang mga mata sa ginawa nito. Pagkatapos ng halikang iyon, namumumula itong di makatingin sa kanya habang siya naman ay nanlalaki pa rin ang mga mata sa gulat.
BINABASA MO ANG
Auddicted
RomantikMeet Naori Kirahime, a provincial girl who risked her life in search for her long lost remaining family in the big city of Tokyo when he met Mr. Tsundere, Nowase Kisetsu on the line by accident. Well, they aren't in good terms at their first meeting...