PROLOGUE

11 0 0
                                    

"Raven!"

"Raven!"

Sigaw ng sigaw ang isang babae na nasa mga early thirties ang edad.

"Raven! "

Patuloy ang pagsisigaw ng natatarantang babae. Tila may hinahanap ito sa isang pulang silid.

"Raven!"  Bakas ang takot sa kanyang boses. Nagrereflect sa kanyang  mga mata ang kulay ng silid. Di kalaunan ay may biglang sumabog. Maririnig mo ang  mga nababasag na bote kasabay ng mga sigawan ng tao. Sigaw ng nasasaktan. Sigaw ng natatakot.

"Amelia! Amelia! Let's go!"

"No! I have to find Raven! " sagot nung babae sa lalaking  tila ka edad niya.

"Raven!... Baby!  Where are you?!"  Pilit na linalabanan ni Amelia ang init ng silid habang umaasang makikita ang kanyang hinahanap.

"Raven!..."

"Amelia!  If we can't go out of here, we'll DIE!!"

"No! We have to find Raven!..  Raven!  Are you in here?!"

"Amelia, listen..." pilit na kinakalma ng lalaki ang kanyang asawa. " The fire's spreading fast. If we can't escape now, we will burn to ashes..."

Hindi na mapigilan ni Amelia ang pagtulo ng  kanyang luha. Nagsimula sa isang patak hanggang sa nagdaloy na ng tuluyan ang mga mainit na tubig na kanina pa gustong lumabas sa kanyang mga mata.

"B-but.. Raven.. I don't know where he is.. He might ... He might be.."  DEAD. Hindi na niya pinatapos ang kanyang sinasabi. Nagpatuloy nalang ito sa paghikbi.

"Hush Amelia.. We should think otherwise. Our child is strong. We know that. And besides, we have Jae here. Thank God  I found her."

Nagpatuloy lang sa paghikbi si Amelia. Hindi nito matatanggap na may posibilidad na mawawala ang panganay na anak.

"C'mon.. Let's get out of here..."

Sumunod na lang ang babae sa asawa. Hawak kamay nilang tinatahak ang  daan palabas ng nasusunog na silid habang kinkarga ng lalaki ang mga anim o pitong taong gulang na babae.

Nararamdaman nila ang init ng paligid. Patindi ito ng patindi. Patuloy parin ang pagbasag ng mga bote at pagbagsakan ng mga debris ng gusali.

Malapit na sila sa  FIRE EXIT  nang biglang may bumagsak na kahoy sa binti babae.

"Aaaaaaahhh!!!"

"Amelia!" Agad pinababa ng lalaki ang babaeng anak na ngayo'y umiiyak at dali-daling  pumunta sa asawa.

Pilit nitong hilahin ang asawa mula sa pagkakaipit pero hindi nito maigalaw ang binti ng asawa.

"Hold on Hon. This may hurt a little."

"Aaaahhh... It hurts! My leg! It's burned!" May konting baga pa ang kahoy kaya nahirapan an mag asawa. Bakas na rin ang takot sa kani-kanilang mga mata.

" Let's try again okay.. 1.. 2.."  Hindi pa sila nagsisimula ay may mga nahulog na nagliliyab na kisame sa paanan ng batang babae. Lalong umiyak ang bata dahil napagitnaan ng apoy ang kanyang mga magulang. "Jae!" Pinapakita ng boses nito ang pag-alala sa anak.

"Daddy! Mommy! "  natatakot na rin ang bata.

"Jae. Listen. Did you see that Exit there? Go-"

"No Daddy! I don't want to leave you!  Mommy..She's in danger"

"B-Baby.. Just listen to Daddy okay? Go save your life baby."Mangiyak-ngiyak na sabi ng kanyang ina. " W-whatever happens, don't forget that we love you. You and your brother. You understand baby?!"

Patuloy parin sa pag-iyak ang bata. "Mommy! Don't say things like that! You're not.. You're not going to die!!"  Biglang may bumagsak pa sa sahig. Mga nagliliyabang piraso ng gusaling kinaroroonan nila.

"Jae! Run baby! Go to that door! "- lalaki

"No! I'll stay with you!"

"Please baby. It's time."- Babae"If we can't make it, at least you're there"

Muling nagbagsakan ang mga butil ng  luha sa kanilang mga mata.

"G-go now baby. I LOVE YOU."

May biglang sumabog mula sa gitnang parte ng gusali.

"Go now Jae! Go! Be safe! "- lalaki.

Pinahid ng bata ang likuran ng kanyang kamay sa kanyang mga mata.

"Run! NOW!!!"

At tumakbo na ang batang babae patungo sa pinto, palabas sa impyerno. Tumakbo siya ng tumakbo. Hindi na siya lumingon sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang. Natatakot siyang makita ang mga mahal niya sa buhay na nilalamon ng apoy. Natatakot siyang masilayan ng dalawa niyang mga mata ang pagkawala ng ama't ina niya. Natatakot siyang ipamukha sa sarili na ngayo'y mag-isa nalang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The First SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon