End GameProlouge
" Babes!! "
Hindi ko pinansin yung asungot na kanina pa sunod ng sunod saakin, Nakakabwisit. Ako nanaman ang napagtripan ng Kuya ng Bestfriend ko.
Anong akala niya saakin? Easy to get? Wow, hindi niya ako masasali sa collections niya. Kapal ng mukha!
" Babes naman! Hintay sabi! " sigaw niya dahilan kung bakit nagsilingunan ang mga studyante sa gawi namin.
Huminto ako at tinignan siya ng matalim.
Kung nakakamatay lang ang tingin, aba'y kanina pa siya pinaglalamayan at pinagtitirikan ng kandila." Pwede ba? Tigilan mo nga ako? Wala akong panahon makipaglokohan sayo! At please lang! Wag ka ng magpakita saakin asungot ka! Nakakasira ka ng araw eh! " sigaw ko sakanya at agad nagmartsa paalis pero hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sakanya.
" Ano ba?! Hmmm---
* tsup *
Literal na nanlaki ang mata ko at huminto ang paligid ko, na para bang nagso slowmo at bakit parang ang bilis ng tibok ng puso ko?! Baka dahil sa pagkabigla at sa galit! Oo tama!
Ng bumalik ako sa tamang wisyo ay agad ko siyang tinulak ng ubod ng lakas at pinagsasapak sa mukha.
" Walangya kang bwisit kang putangina ka!!!! Tangina mo ansarap mong patayiin!! Timang ka ba?! Gago ka bang puta ka?! Hah?! Ano sagot tangina mo bakit moko hinalikan animal ka!!!! " galit na galit kong sigaw habang tinatadyakan at sinasapak siya pero ang gago ay tawa lang ng tawa
Bwisit talaga! Huhu ang first kiss ko... Bakit siya pa?!
" Gusto mo akong patayin? " tanong ng yw habang tumatawa pa at pinupunasan ang dugo na nasa labi niya. Pumutok dahil sa lakas ng sapak ko
" Patayin sa sarap? "
" Oo-puta Hindi gago ka!!!! " at pinagsasapak siya ulit. Tangina talaga!!
" Hoy Miss! Tama na yan!! Pwede kang makapatay ng tao! "
" Nababaliw ka na ba Miss?! Ano ba! Tama na ho! "
" Tawagin niyo Si Treeluh! Kawawa yung kuya niya! "
" Miss! Tigilan niyo na yan! Ipapatawag namin si Dean kung ayaw mong tumigil! "
Tumayo ako hindi dahil sa natakot ako,pinagpagan ko ang sarili ko at nag middle finger pa ako sakanila.
" Wala akong pake! " at umalis.
" Sige lang! Tumakbo ka lang at magtago, pero tandaan mo na mahahanap kita at hindi na kita papakawalan pa! I will make you fall for me harder! Yung wala ng kawala, and i will catch you baby. You will be mine and i will be your end game! "
Sigaw niya na nagpapatigil sa paglalakad ko at agad tumibok ng pagkalakas lakas ang puso ko.Tinaas ko lang ang Middle finger ko at iniwagayway habang pachill na naglakad papalayo
No, i wont let that happen boy, no. Not this time..
***
Pasensya na po sa mga Bad words, wag nyo pong ireport. I will respect your opinion ho pero respect me rin po as an author. Sinusulat ko lang kung ano ang laman ng isip ko. Thank you! Please Vote and comment 💕