End Game
Chapter Two
" Bessy! Nabalitaan ko ang ginawa mo kay kuya ah? Hahaha buti nga sakanya!! " bungad saakin ni Treeluh habang may bitbit na dalawang coke n can tsaka dalawang jollyhotdog. Ansarap!
" Sakin ba 'yan? " tanong ko habang tinuturo ang dala niya.
Nagtitwinkle ang mga mata ko habang nakatingin roon. Cheese! Huhu
" Baliw, akin to. " sabi niya habang binubuksan ang wrapper ng Jolly Hotdog tsaka kumagat. Nginang kaibigan to.
" Treeluh Pauline! Akin na yang isa please?? " pagmamakaawa ko habang nagpopout.
Napabuntong hininga naman ito at umupo sa upuan kaharap ko. Nasa Cafeteria kami ngayon at mamaya na magsisimula ang delubyo ng buhay ko tss.
" Hays, Di talaga kita matitiis bestfriend! Oh! " sabay abot niya saakin ng Jolly at Coke.
" Thank you bess i love you " sabi ko at dali daling pinunit ang wrapper at kumagat.
Sheeet Heaven!
" Alam mo ba bessy, Ang swerte swerte ko. " sabi niya habang ngumunguya.
" huh? Bakit? "
" Kasi, saakin mo lang pinapakita ang totoo mong ugali, kaya masaya ako dahil naging kaibigan kita. Feeling ko ang special special ko. " sabi niya habang naka ngiti ang teary eyed pa talaga ang bruha hahaha.
" Hahaha baliw. Syempre kaibigan kita eh, wag kanang mag emote dyan, libre kita mamaya sa kanto ng street foods pagkatapos ko. "
Promise ko sakanya at nagliwanag naman ang mukha niya" I love you talaga bestfrieeenddd!! " sigaw niya at lumapit saakin para yumakap.
Tinapik ko ang kanyang likod at ngumiti.
" Ehem. "
Napabitaw kami sa yakap namin ng biglang may bastos na unggooy na nagparamdam." Oh? Anong kailangan mo samin kuya ugly? " pang aasar ni Treeluh sa Kuya niya pero inismiran lang ito.
" Magsimula na raw tayong naglinis sa Maintenance Room babes. " ngiting ngiti na sabi nito.
Alam nyo yung feeling na ang sarap burahin ng ngiti niya? Err. Control Gabbi. Control
" bess, tindi talaga ng tama ni kuya sayo eh." bulong saakin ni Treeluh habang humahagikhik. Napaismid ako.
Tinignan ko lang ng walang kareareaksyon ang kuya niya at kinuha ang bag ko.
Uminom muna ako ng coke at inubos ang Jolly ko bago tumayo." Bess, Magkita nalang tayo sa Mangga Store and Cafe pagkatapos ko. " sabi ko at nagwave na.
Nagmamadali akong naglakad dahil ayaw kong magkasabay kaming maglakad. Tss
" Hintay naman diyan babes. Ang bilis mo talagang maglakad. "
" Pwede ba? Wag mo akong kausapin abnormal ka? Ikaw lang kasi ang dahilan kung bakit ako naparusahan eh. Putangina mo. " mura ko sakanya at tinignan siya ng masama
" I really dont like girls when cussing. " sabi niya
" So? Edi layuan mo'ko simpleng problema pinapalaki. " bara ko sakanya at napatigil naman siya kaya naglakad nalang ako papunta sa Maintenance Office.
-
" Babes! Sabay na tayo! " pangungulit nitong unggooy na 'to. Kanina pa ako naiinis dito pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na sapakin siya.
Hinintay ko nalang siya dahil wala namang mawawala. Tss
Tumatakbo naman siya papunta saakin at sumabay ng lakad. Papunta kasi kami sa locker room para magpalit.
" Ahm, sorry pala kanina ah? "
" Tapos na gago. "
" Hindi yung kiss timang! Haha hindi ako magsosorry about dun kasi gusto ko talaga yun eh! Hahaha " may pa hand gesture pa siyang nalalaman habang tumatawa. Tinignan ko siya ng masama
" I never thought that you dont have a parents anymore. Sorry talaga " sincere na sabi niya habang tinignan ako sa mata
Iniwas ko ang paningin ko sakanya.
" Wag kang manghingi ng paumanhin saakin dahil wala ka namang kasalanan about ron. Tsaka you dont need to be sorry about it. Its my choice to forget that i have still a parents. " malamig na saad ko at dumiritso sa Girls Locker Room.
-
Pagkatapos ko maligo, nagsuot lang ako ng simpleng tee shirt na may nakaprintang Whatever at Jogging Pants .
Isinukbit ko yung packbag ko at lumabas. Nakita ko si Unggooy na parang may hinihintay.
' ako ba hinihintay neto? '
Ipinilig ko ang ulo ko sa naisip." Ang tagal talaga ng babae kung maligo. " reklamo nya habang nakasimangot
" Eh hindi naman kami katulad ninyo na tatlong buhos ng tubig tapos na tss. " ungot ko at umuna na sa paglalakad.
" Hays, kahit nakakapagod kang habulin, Okay lang, kasi alam ko naman na hihintayin mo ako eh. "
Seryoso nyang sambit. Napalingon naman ako sakanya at laking gulat ko ng ngumiti siya ng napakalaki.Parang huminto bigla ang paligid. Nagliliwanag, nakakarinig ako ng ibang tunog. Ewan ko kung ano ba 'yun. Tsaka ang lakas ng pintig ng puso ko .
Napatitig ako sakanya at ganun rin siya saakin.
Mestizo siya at Matangkad.Hindi payat pero hindi mataba. Hindi ko rin maitatangging gwapo ito. Malantik at mahahabang pilik mata, Matangos na ilong, Mapupula at manipis na labi at ang mata niyang nagsasabi kung ano ang nararamdaman at iniisip niya. Napakalalim ng mata nito, para bang hinihigop ako.
Napailing ako. Gaga ka Gabrielle. Isa kang Gaga para tumitig sakanya!
Iniwas ko agad ang tingin ko sakanya at tumalikod. Hinintay ko siya upang sabay kaming maglakad.
" Ang ganda mo. "
Hindi ko siya pinansin dahil ang lakas talaga ng tibok ng puso ko.
Kinakabahan ako dahil malapit siya saakin at sa sinabi niya. Argh!
" Napakaganda mo. Ang mga mata mo ay nakakalula. "
Tulad ng sayo. Nakakalula at nakakadala..
" Kahit ganyan ka. Ewan ko ba pero ikaw ang itinitibok neto. " napalingon ako sakanya . Nakahawak siya sa kanyang dibdib habang nakangiti at nakatingin saakin.
Hindi pwede to.
" You're so beautiful, so mysterious. You make my heart beats fast and my mind crazy as well. " malambing na saad nito na siyang ikinatayo ng balahibo ko.
Anak ng tinapa. Did he just c-confessed?
***