Panimula

8 0 0
                                    

Dear Aba,

Miss na kita, paumanhin kung ngayon lamang ulit ako nagsulat sa iyo, ngayon pa lamang kasi may magandang nangyari sa buhay ko.
Alam mo ba ang saya sa bago kong nalipatang school. Ang daming gustong makipag kaibigan sa akin. Tapos yung isang classmate ko na lalaki si Kyriel Demerio ang gwapo kaso masungit. Matangkad, moreno, matangos ang ilong, bilugang mga mata at...at malungkot. Ang lungkot niya. Hayyy Aba, heto nanaman ako. Aasa nanaman shunga eh.

Pero basta....mukhang magiging maganda ang pag-aaral ko sa unibersidad na ito. Ngayong nasa kolehiyo na ako mas marami pa ang mga mangyayari sa akin. Sana lang hindi masama dahil baka hindi ko na makaya pa.

Sige Aba paalam na muna! Hanggang sa muli.

                                          Athena Berian


"Atha!" Danica shouted ng makalagpas ako ng clubroom namin.

"Bakit?" tanong ko

"Ano kasi, pinapatanong ni Meg kung pwedeng ikaw daw ang gumanap na Laura sa gagawing play. Nagback out kasi si Rina." she said na ikinunot ng noo ko.

"What? Why what happened sa tinanggap niyo? Nagpa audition kayo diba? So bakit aatras yung napili niyo?" I firmly asked. Tae! I chose this org dahil less ang hussle at hindi ko kailangang humarap sa maraming tao.

"Nagka emergency daw kasi sa kanila and she can't go to school for a while and to the performance as well. We tried to think other ways but we can't come up to any, if we do another audition, we can't make it kasi kapos na tayo sa oras and you are the only solution  na may kabisado sa script since you are the writer." she said with a pleading face.

Oh God why?

"Alright." I said saka siya tinalikuran upang makapunta na sa next class ko. I only have three days to rehearse, sana lang ay kayanin ko ito. Sana'y  hindi ko ito pagsisihan.

ABKDWhere stories live. Discover now