Kabanata 2

4 0 0
                                    

Dear Aba,

Hindi ko maintindihan pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinausap ako ng bagong classmate ko. Yung nabanggit ko last time? Si Kyriel. Ang boses niya napakalamig. Parang ayaw ko na tuloy siyang kausapin. Nakakatakot siya pero ang gwapo.
Ano sa tingin mo Aba? Ganoon lang kaya talaga siya o baka may pinagdadaanan kaya? Haayyyy kung ano man ang rason niya sana maintindihan ko. Mabilis akong matakot sa tao eh. Oh siya sige na Aba sa susunod na lang ulit. Paalam!

                                                  Love, Atha

"Excuse me po, makikiraan po!!!! Excuse po!" Pakiusap ko sa mga taong nakaharang sa daan papasok ng school. Ano ba kasing meron? Bakit ba kumpulan ang tao dito?!

"Walang hiya kang lalaki ka! Pati ba naman girlfriend ko?" Sigaw ng isang lalaki saka sinipa ang isa pang lalaki na pamilyar ang pangangatawan sa akin.

"Ay ay susko! Sandali!!!! Ano ba? Kung mag-aaway kayo wag dito!" sigaw ko dahilan para matigilan sila. Jusme naman kasi, nakakaabala sila!

"At sino ka naman?Hoy Demerio! Babae mo din ba 'to?" maangas na tanong ng lalaki. Aba't sinong babae ka Jan!

"Hindi. Bat naman ako papatol sa pandak?" Anak ng!

"Hoy sinong tinatawag mong pandak?magsilayas nga kayo jan malelate na ko!Tse!" Angil ko saka nagmartsa palayo. Tae naman kasi ang aga- aga eh.

Hay nako nakakainis ang aga ng eksena nila!

Nagmadali na akong lumakad palayo sa gulo para makapasok sa room. Rinig ko pa ang ingay nila dahil sa kalokohang ginawa ko pero hindi ko na pinansin pa para tuluyan na kong makaalis.

*******************

Kler's POV

""Hoy sinong tinatawag mong pandak?magsilayas nga kayo jan malelate na ko!Tse!"sigaw ng isang babae na maliit at may malaporselanang kutis.

Kita ko ang pag-igting ng panga ng lalaking kaaway ni Demerio. Tsk. Itong baliw na lalaking to kasi walang kadala-dala eh. Hilig nambabae ayan tuloy puro away din ang inaabot.

Oh, hi?I'm Klerrion Dios, bestfriend ni Kyriel. Well normal lang naman akong estudyante pero weird lang daw dahil ang hilig kong tumula at gumawa ng tula. Musikero ako at manunulat pero hindi gaanong kilala ng iba dahil low profile akong tao.

Napabalik lamang ako sa reyalidad ng  mabunggo ako nung babaeng maliit. Hay nako ang liit pero matapang -,-.

Sinundan ko siya ng tingin ng makita kong mahulog ang isang notebook mula sa bag niya. Dali-dali akong pumunta sa lugar na binagsakan ng notebook.

'Aba', title ba to? Nice, vintage ang color. Tsk, very classical ang dating. May babae pa palang ganito ang trip?

Hahabulin ko pa sana sya ngunit hindi ko na iyon nagawa dahil hindi ko na sya nakita pa.

Binuksan ko ang notebook para malaman kung ano ang pangalan ng may ari nito para maibalik ko agad sa kaniya.

Athena Berian
Writer.
No#09*********



Shit! Diary?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ABKDWhere stories live. Discover now