"Uy, Billie, si Jarren! Tigilan mo muna 'yan." kalabit ni May sa kalagitnaan ng pagre-reply ko kay Mr. Rex, my online admirer for a month.
Sinipat ko si Jarren. Ang talas ng tingin. At ang nguso, 'kala mo pinaglihi sa barracuda.
"Importante ba 'yan?" aniya. "Pwede atang gawin 'yan mamaya, tama?"
Ugh. Bad trip dito sa grupong 'to. Nag-group 1 na lang sana ako.
Padabog kong binaba cp ko. And because of that, di lang si barracuda ang na-annoy pati na 'yong menopausal naming librarian. Okay lang, at least, napakita kong na-upset ako, na-upset nila online admirer ko.
Si Mr.Rex pa naman matampuhin; kailangan once ma-seen ko, may reply agad. Matagal na sa kanya 'yong two minutes. Kailangan ko na siyang suyuin no'n para di maputol conversation namin.
So expect mo na lang ga'no siya ka-upset nang mareply-an ko after five minutes!? E crucial pa naman ang chat. Why? He wants us to finally meet! In flesh. Kinilig ako, siyempre. To think real account gamit ko ha, siya dummy (but he assured me siya 'yong nasa dp).
In-emphasize ko 'yong pagsabi ng real account because 'tis the first time someone made a move on me without judging my sexuality. I appreciate that because I feel validated. Jowable ako, mga bes!
Of course, I agreed with the idea, following it up with an apology (for replying very late). Kung hindi ako inutusan ng lider naming bida-bida kumuha ng white board at pentel, masaya sana. Kaso nagparinig pa nga pala.
"Ikaw May, tigilan mo 'yong pag-e-entertain ng mga nagtra-trabaho sa Krusty Crab, ha? Di mo kinaganda 'yan." aniya.
Aray naman, 'di ba? Sa Krusty Crab nagtrabaho si Mr.Rex bago sa "E di sa puso mo" e. I feel so attacked. Now I can't help but wonder pinakialaman siguro ng dimunyong 'to cellphone ko no'ng inutusan ako.
It's his fault 'di ko nadala cp ko; pinagmamadali niya ako e. Ang fault ko lang di ko 'yon nalagyan ng password.
I was being nice for the remainder of the discussion, though. If I weren't, inakusahan ko na sana siyang privacy intruder. But like he said, di ko ikagaganda ang ma-stress. I don't want to since susunduin ako ni Mr. Rex mamayang uwian. Dapat fresh. First booking ko e.
However, parang may kontra ata sa ever after ko, ha? Sino ba kasing nasa katinuan ang magpapabili ng props etong uwing-uwi ka na? Si Jarren lang.
"Timing ka rin e, 'no?" Sabi ko.
"Hindi ka nag-ambag. Dapat lang 'kaw bumili ng props." aniya, may pag-abot pa ng listahan.
"Jarren, 'di porket gusto mo, makukuha mo. Charot!" drama ko. "Bukas na lang. May lakad ako."
And it's weird for me to see him an inch closer than usual just to say,
"Alam ko. So please, 'wag mo na ituloy."
"Wag ituloy ang alin?" maang-maangan ko.
"Ang pakikipag-eyeball do'n sa Mr. Rex."
Nalaglag panga ko.
"So nangialam ka nga!? Nang-invade ka ng privacy? Hoy, 'di porket leader ka, may karapatan ka ng gawin 'yon!"
"I know. I'm sorry. But I have to choose the lesser evil."
"Lesser evil pa pala yang ginawa mo!? E ano 'yong more evil? Yong evil-er? Sige nga!?"
Nakita ko muna siyang lumunok ng laway.
"You will probably be in danger kung wala akong gagawin para pigilan ka."
Wow. Napakurap naman ako do'n.
"But does the end justify the means?" tanong ko naman. "Pwede bang mind your own business, please?" Binangga ko siya no'n sa sobra kong imbyerna at nag lava walk palabas ng school.
Naka-motor daw si Mr.Rex according sa kanyang chat so dedma na lang muna sa mga taong kumukuha ng atensyon ko like Jarren at 'yong isang Jehovah's witness sa waiting shed. I still took a pamphlet though, out of respect.
Then maya-maya lang,
"Billie?"
"Mr.Rex?" Ang nangingiti kong banggit. Gosh, halatang older than me but bes, ang yummy! Rumupok ako bigla.
"Tara, sakay na." Itatanong ko sana kung may helmet siyang extra kaso dinaan niya 'ko sa ngiti e, napasakay na lang din.
Para akong nananaginip, mga momsh. Sarap mag-status ng, "in a relationship with Mr.Rex".
Until,
"May place ka ba? Kung wala, rent tayong kwarto." Nagising ako bigla.
"Mr.Rex, pwedeng kwentuhan muna tayo? Getting to know, ganern?" I transacted.
"Hindi ba ginawa naman natin 'yan sa Messenger?" aniya.
"Oo, pero iba kasi 'pag personal." Sabi ko.
"Okay, pero after no'n, 'lam mo na, ha?"
"Uhm, Mr.Rex, virgin pa kasi ako e. So..."
"Ako bahala." aniya. "Ayaw mo ba maka-experience?"
"Gusto." Amin ko. "Kaya lang, kung ibibigay ko 'yon gusto ko kami na, tayo na."
Natawa na lang siya bigla.
"All this time 'yan iniisip mo? Billie, walang nabubuong love sa ganoong kaikling panahon; tao meron."
'Yong dating higpit ng yakap ko, unti-unti ko ng binabawi.
"Billie, extinct na pagiging Maria Clara. Ba't kailangan mo pang pahirapan sarili mo sa paghihintay sa Mr. Right kung may Mr. Right Now naman, may Mr. Rex naman?"
"Mr. Rex, pababa na lang po ako. Ayoko na po." pagmamakaawa ko.
"Sa tingin mo papayag ako?"
Mas lalo niya pang binilisan ang pagmo-motor.
"Mr.Rex natatakot na po ako!"
"Sumunod ka na lang kasi sa mga gusto ko!" Sabi nito.
Tahimik kong nilalabas ang cellphone sa bag para huminging saklolo. Ang kaso, kanina pa naka-turn on mobile data ko. Di ko pa naman nai-register sa anumang promo ng Globe. May existing loan pa 'ko; na-redeem ko na rewards ko.
Now out of desperation, chinat ko na si Jarren. We're not fb friends and so the only thing I could hope is makita niya 'yong message request ko:
'JARREN TULONG!'
Sending...
Message not sent.
In-off ko ang data at in-on ito uli.
1% battery.
Sending...Message sent.
I ugly cried.
Pero mas naiyak ako no'ng na-seen niya't mag-reply:
'Nasa taxi ako. Sinusundan kayo. Sisingilin kita sa metro ko. I love you.'