06

17 7 0
                                    

_Nadya's POV

"Ang gwapo parin niya noh Dyang?" Said Arah habang nakatitig sa lalaking dumaan sa harap namin. Tumango ako habang titig na titig dun sa lalaki, bigla akong napangiti at naramdamang nag-init ang aking pisngi.

Ang gwapo mo tlaga Cacao Dela Merced.

How can someone be so attractive even when they're walking? O talagang ako lang nakakapansin non? Or maybe lahat kaming nagkakagusto sa kanya-some of the girls in our school to be exact.

"Problema ni Adyang ngayon?" Narinig kong tanong ni Zy kay Arah.

"Iniisip siguro si Keyo." Arah answered kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Keyo?" Curios na tanong ni Zy

"Para namang hindi ka nag-aaral dito, Si Cacao Dela Merced yung isa sa Varsity player natin sa basketball." Paliwanag ni Arah

"Bat diko atta napapansin?" Asked Zy

"Tuturo ko na lang sayo mamaya." Arah answered

Bumuntong hininga ako tsaka tinuloy ang paglilipat ng notes ko na nakalagay sa pad. Hindi niya rin naman ako mapapansin, sino ba naman ako diba? Pero siguro isang tingin lang niya sakin, okay na 'ko. "Binuking mo ako agad eh." Reklamo ko kay Arah ng makaalis na si Zy dahil pupuntahan daw pa si Morris.

"Ay Nako Nadya! Dapat jan nagpapacute ka na eh." Napangiwi ako sa sinabi ni niya, tumaas taas yung kilay niya habang nakatingin sakin, "Maganda ka Nadya! Wag ka ngang nega jan."

Umiling ako, "Tumigil ka jan."

"Best friend, dali na. Kelangan ka niyang mapansin, diba nagkaron na kayo ng close interaction? Sign na yon na kailangan niyo ng ipagpatuloy kung anong nasimulan niyo!" Masaya niyang sambit.

Napatingin ako sa kanya, seryoso siya. Medyo natatawa ako kaya hindi ko na lang siya pinansin at nagsulat ulit pero nagulat ako ng bigla niyang kinuha yung pad at ballpen ko. "Uy!" Saway ko pero hindi niya ako pinansin.

Nagsimula siyang magsulat sa papel ko, "Alam mo Arah, kung di ka gagawa ng move ngayon forever nganga ka, forever waiting in vain! Kaya eto, gagawa tayo ng list para mapansin tayo ng crush mo." She wiggled her eyebrows.

Napasinghap ako, "Seriously Arah?! Nako, tigilan mo na nga yan! Maglilipat pa ako ng notes!" Sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

"Okay, 5 ways to make your crush notice you." Sinulat niya sa papel at tumingin sakin ng nakangiti. "First, kailangan alamin mo kung saan yung paborito niyang lugaw dito sa campus."

"Sa library, dun sa pang limang aisle sa right side. May bintana kasi dun kaya maliwanag, ayaw kasi niya sa madilim."

Tumango tango si Arah, "A'right, ganon ang gagawin mo. Lagi kang pumunta sa paborito niyang lugar--."

"Para saan?" Diko rin maintindihan tong babaeng to eh, bakit pa naming kailangang gawin to diba? Para saan?

She rolled her eyes, "Duh? Para mapansin ka niya! Ano ba naman Nadya Montes!" Iritado niyang sabi, ngumuso lang ako. "Syempre kailangan muna natin imaginin yung magiging outcome pag pumunta ka, simulan natin yung pagpunta mo sa favorite place niya."

Nandito ako ngayon sa library-to be exact naka upo ako sa tapat ng paboritong pwesto ni Keyo, busy ako sa pagsagot ng mga math problems kasi may quiz kami mamaya kaya kailangan kong mag review. Dahil sobrang preoccupied ng utak ko, Hindi ko na pinansin yung umupo sa harap ko.

Destined But Undestined (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon