1

15 1 0
                                    


Nabapaling ako sa telepono kong nakapatong sa lamesa nang sunod-sunod itong tumunog.



Si Jane?


Nangunot ang noo ko nang makita ang sender. Wala na akong naging balita sa kanya pagkatapos kong magtransfer sa Manila kaya nakakapagtakang bigla nya akong naalala.


'Diba mahilig kang manood ng Korean Drama?'


Mahilig akong magshare ng mga Korean Drama at mga memes mula sa Korean Drama kaya siguro nalaman nya.


Ako: Oo, bakit?


Jane: Dito sa link na ito madaming Asian Drama, libre lang.


Maya-maya ay nagsend sya ng link kaya agad ko itong binuksan. Matagal na nagload ang link at maya-maya pa ay may nagplay na video pero wala halos makita dahil sa dilim ng paligid. Tanging mahinang iyak lamang ang maririnig mo.



Napasigaw ako nang luminaw ang video at makita ang isang nakaputing babae na nakasabit ang leeg sa lubid. Agad kong inexit ang link pero hindi sya magexit. Tuloy-tuloy lang ang pagplay ng video at palakas nang palakas ang iyak sa background.



'I'm coming to get you!' - nanlaki ang mata ko nang mabasa ko yung sulat at mas lumakas pa iyong iyak na may kasama ng sigaw.



"Anak, anong problema?" - nag-aalalang tanong ni Mama na hindi ko napansing nasa tabi ko na pala. Itinuro ko ang laptop kong hindi pa rin tumitigil kahit wala na itong battery.



"Hindi mo ba naririnig yung iyak galing sa laptop Mama? Ang lakas ng iyak nya!" - kinikilabutan kong tanong kay Mama pero tiningnan nya lang ako na parang nababaliw na ako kaya mas lalo akong kinilabutan.

--


Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa itim at lalim ng paligid ng mata ko.


Ilang araw pagkatapos kong mapuntahan ang link na iyon ay hindi na ako pinapatahimik ng babae sa video, palagi syang umiiyak at nagpapakita pero walang ibang nakakarinig at nakakakita sa kanya kundi ako.



"Anak, ready ka na ba?" - tiningnan ko si Mama na dumungaw mula sa pinto ng kwarto ko kaya tumango ako at binitbit ang mga gamit ko.



Pansamantala muna kaming titigil ni Mama sa probinsya para na din magpatingin sa mga albularyo.



Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay nag-palam ako kay Mama na maglilibot muna saglit. Napangiti ako nang makita ang bahay ng bestfriend ko noong elementary na si Thea at nagpasyang sumaglit muna doon.

Revenge #makeITsafePH #WritingContestWhere stories live. Discover now