"ALARM CLOCK"
Ella POV.
Criiiiiiiiiiing!!!
Criiiiiiiiiiing!!!
BOOOGGHHHSSSSS!!!!!!!
kaasar inaantok pa ako!.
TOK!TOK! TOK!.....
"ELLAAA!! ANONG NANGYAYARE DYAN?BUKSAN MO TO!" sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko .
Panigurado lagot nanaman ako nito dahil nasira ko yung alarm clock.
Binilisan ko nalang ang pagbangon ko at baka masira pa ni Mama ang pinto.Pagbukas ko-
"HOY babae!,Ano yung ingay na naririnig ko huh!may magnanakaw ba ...saan? saan?."
OA na tanong ni mama habang may hinahanap sa kwarto ko."Mama una sa lahat 'wag kang O.A at pangalawa walang magnanakaw na pumasok po dito okay!,ahm nahulog lang po yata ako sa kama kaya ganon!" Kinakabahan kong sabi habang pilit na tinatakpan yung tinapon kong alarm clock sa sahig .
Kawawang alarm clock tsk tsk !
"Aba Ella parang di ka pa yata sigurado sa sagot mo huh at ano iyang nasa likod mo aba't tabi!, Patingin!" Pagsisigurado ni mama .
Patay!
"Mama ganito kasi yun...ahm kasi ahm yun nga habang matutulog ako ayyy mali yun nga nagliligpit po ako sa kama nung bigla ko pong natamaan yung alarm clock!" Pagsisinungaling ko kay mama sabay ngiti.
Sinungaling ka talaga Ella. Iba pa naman magalit si mama kaya ganon nalang ang kaba ko.
Nagtataka ako kung bakit hindi nagsasalita si mama kaya pagtingin ko-
Shit!! Parang uusok na yata ang ilong ni Mama sa galit.
Lagot!!!
Ayoko pa mabingi tinakpan ko agad ang aking mga tainga ng-
"ELLA!! SINASABI KO NA NGA BA! ILANG BESES MO NA NASISIRA ANG ALARM CLOCK MO...HOY ELLA BUMA-"
Hindi ko na pinatapos sa kakasigaw niya dahil sa galit dahil mabilis na tumakbo ako sa Cr baka masira pa ang ear drums...
"Ella! Buksan mo 'to !!" Sigaw ni mama sa labas ng Cr.
"Ma, mamaya niyo nalang po ako pagalitan dahil malalate na ako sa school!" Sigaw na sabi ko .
Yes!! Tama kayo ng iniisip first day of school namin ngayon at kakatransfer ko lang sa bago kong school ngayon .
"Ganon ba! Sige ihahanda ko muna ang pagkain mo bilisan mo diyan at makatikim ka sakin !" Sagot ni mama at narinig kong naisara na niya ang pinto ng kwarto ko.
Habang naliligo ako magpapakilala mo na ako sa inyo readers...
Hi my name is Daniella Curtin , 18 years old but you can call me Ella for short at first year college at business management ang kinuha ko hindi ko din alam kung bakit iyon ang kinuha ko wala naman kami business at hindi naman kami mayaman may kaya lang kami .
hmmm ano pa nga ba ayon!
Ang pangalan pala ng Mama ko ay Maria Elizabeth Curtin at ang papa ko naman ay Nestor Curtin at wala na ang aking papa nasa heaven na siya dahil sa isang aksidente .
At isa pa pala may kapatid ako si Melanie Curtin at same age lang kami kung nagtataka kayo kung paano ganito yun!... ampon lang ako at oo alam ko yun dahil sinabi nila sa akin ang totoong nangyare ,nakita lang daw nila ako sa ilog sa probinsya nila ng duguan at hindi ko maalala ang past ko kaya hindi ko alam ang totoong pangyayare sa nakaraan ko kung sino ang totoo kong mga magulang at kung ano ang buhay ko dati pero masaya ako dahil tinuring nila akong parang isang totoong anak .
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl
ActionIf you're kind, I'm kind but if you're bad, I'm a daemon ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Paano kung siya ay mawalan ng ala ala?Habang buhay na ba o pasamantala lang?... Minsan ang pagtatapos ay simula palang ... Magiging masaya ba siya sa bago niyang buhay ku...