"COLD PRINCE"
Xandra POV.
Hi! My name Xandra Lim,17 years old.
Habang nagtuturo si Ma'am Goriculla ay may biglang may kumatok kaya napatigil si ma'am sa kakasalita kahit naman magsalita ng magsalita siya dyan wala namang makikinig sa kanya tsk...
Pagkabukas ni ma'am ng pinto ay may isang babae ng nakayoko at bigla nalang tumahimik ang kaninang magulo at maingay kong kaklase ng pumasok na ito, sabihin na nating isang nerd.
Pero parang pamilyar siya pero wala naman akong kilalang nerd at ng bigla siyang tumingin sa harap namin ay bigla akong nakaramdam ng takot hindi ko alam kung bakit at alam Kong naramdaman din iyon ng mga katabi ko na kaibigan ko.
Shemss! nangilabot ako bigla, ngayon ko lang ito naramdaman!.
"Transferee?" Tanong ni ma'am sa kanya, tumango lamang ito at parang kakaiba siya hindi ko alam kung bakit at bago ito magpakilala sa unahan ay bigla ako natigilan ng tumingin ito sa akin pero sandali lang iyon at agad din itong nagpakilala.
At ang boses nito hindi naman sa malamig siya magsalita pero mararamdaman mong bawat salita niya ay dapat kang makinig at kung para sa iba ay normal lang ito dahil parang mahina siya kung titignan pero para sakin hindi at hindi ako maaaring magkamali dahil malalaman ko agad ang kilos at katangian ng isang tao at malalaman niyo rin iyon kung bakit pero sa kanya ay iba ang pakiramdam ko sa kanya, kailangan ko siya makilala hindi dahil lang na alam kong may kakaiba sa kanya kundi may iba pa akong dahilan.
Ella POV.
May isang may edad na babae ang nagbukas ng pinto ,siguro teacher namin ito?.
"Transferee" tanong nito sakin na may pagtataka sa mukha at tinignan din ako mula paa hanggang ulo.
Pati ba naman teacher dito kung makatingin para akong may ginawang krimen hayss.
Tumango lamang ako bilang sagot.
"Miss,Please introduce yourself in front of your classmates!" Sabi nito kaya pumunta ako sa harap ng nakayoko.
Pero bago ako magpakilala ay parang nararamdaman kong may makatingin sakin, sabihin na nating nakatitig dahil lahat naman sila makatingin sa akin kaya hinanap ko kung sino iyon at nakita ko kung sino nandoon siya sa second to the last row sa right side malapit sa bintana, isang babae maganda siya maputi, black ang kulay ng buhok nito at nakikita ko sa mukha nito ang pagtataka na para bang ang lalim ng iniisip nito, hays problema niya?, humarap muli ako sa lahat at nagpakilala.
"Hi! my name is Daniella Curtin,18 years old" nakayoko Kong sabi ng bigla nalang nagbubulungan ang iba kahit rinig naman.
'Eww! yuck kaklase natin yang nerd nayan?' , Bee 1
'Oo nga noh she's so ugly!' , Bee 2
'OMG! tignan mo siya ang manang niya girl!' , Bee 3
Kaklase ko pala itong mga bubuyog na toh kanina tsk...Tinignan ko naman ang sarili ko -
Maluwag na damit- √
Malaking salamin- √
Fake hair- √
Fake pimples- √
Makapal na kilay-√
Ano naman mali sa suot ko tsk...
Hindi ko nalang pinansin ang mga matang mapanghusgang nakatingin sa akin at naghanap ako ng vacant sit kaso nasa likuran lang ang meron kaya pinili ko nalang maupo sa pinakalikod malapit sa bintana sa likod ng babae kanina na nakatitig sa akin...Pagkaupo ko ay hindi na ako nakinig sa teacher na pinagpatuloy ang kaninang ginagawa nila at natulog na lamang.
Riiiiiiiiiing!
"Class! Dismissed!"
Bigla akong nagising sa bell ,nakatulog pala ako buong klase bahala na tsk. Tumayo na ako at inayos ko ang aking mga gamit ng may -
"Hi!"
"Ay kalabaw!", Sino ba namang hindi magugulat diba nasa tabi ko lang po siya kung makasigaw parang ang layo layo ko naman diba anyare naba sa earth.Tinignan kolang siya ng may pagtataka.
"Hala! Nagulat ba kita pasensya kana ah hehehe gusto ko lang naman makipagfriends diba new student kalang dito kaya sama kana samin lunch tayo" , sabi nito kasama niya kase yung wala sa sariling pagiisip.
BINABASA MO ANG
Mysterious Girl
حركة (أكشن)If you're kind, I'm kind but if you're bad, I'm a daemon ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Paano kung siya ay mawalan ng ala ala?Habang buhay na ba o pasamantala lang?... Minsan ang pagtatapos ay simula palang ... Magiging masaya ba siya sa bago niyang buhay ku...