A/N: Pasensya na po talaga kung super late yung update,tinapos ko lang talaga yung midterm ko :')
love lots<3
*
Klinick ko yung 'message' tapos nag-start na magcompose ng message,
First attempt: Yow! kelan tayo gagawa ng report?
"Panget,panget medyo jeje," bulong ko habang binubura yung msg.
2nd attempt: Hi,kelan tayo gagaw-
Napakamot ako sa ulo ko "Masyadong pa-cute e,"
3rd attempt: Hello Autumn,kailan tayo gagawa?," medyo napaisip ako parang pangit pa din.
4th: Autumn, when we gonna start our project?
Siguro ito na yung pinakamatino sa lahat n naisulat ko,kaya clinick ko na yung send.
Your message was successfully sent
Siguro naghintay ako ng 30 minutes doon sa pag-iintay ng reply at accept niya pero wala
Kinabukasan..
"Grabe,isnabero!Kala mo ang pogi, oo nga,pogi naman siya," bulong ko habang naglalakad sa hallway ng building namin.
Pagdating ko sa room namin nandoon na siya,nag sscroll sa cellphone niya,
"Nabasa na niya kaya?," mahinang tanong ko
Dumaan ako sa likod niya para makita ko yung ginagawa niya nagsosoundtrip lang, Maroon 5 yung nakita kong artist (we ang chismosa ko na)
Nilipat niya yung song,ewan ko siguro medyo matagal-tagal na rin akong nakatayo dun
Nang biglang.
"Miss,will you stop staring?,"
"Hmp!sungit," pabulong kong sabi habang naglalakad papunta sa mesa nila Bea.
"Anong nangyari?," tanong niya habang naglalagay ng blush-on
"Wala,tiningnan kolang yung phone niya,nagsungit na agad," reklamo ko
Napatingin siya sakin,
"Ikaw naman kasi e," sabi niya
"But anyways, alam mo naman na birthday ni Jun mamaya,kaya iinvite ko kayo nila Liza," nakangiti niyang sabi
"Talagaa?Sige anong oras?," nakatawa kong sabi
"A mamayang 8pm we'll fetch you," sabi niya
Si Jun yung younger brother ni Bea,ahm hindi naman kami ganoong ka-close pero siyempre nakakahiya naman tumanggi dahil close kami ng ate yung niya.
After 100 years,natapos din yung klase namin sa Accounting
"My God,hassle ang hirap," reklamo ko
Napatingin sakin si Autumn medyo may pagtataka sa mukha niya
"Bakit?," tanong ko
He just shrugs his shoulders
"Anong problema nun?,"
Since 5pm palang at may 3 hours pa ko to prepare para sa party ni Jun natulog muna ko dahil saturday naman bukas,hindi ko na kailangang intindihin yung take-home exam.
Nagising ako ng 6:30,nung pagbaba ko ng hagdan nagpreprepare na si Manang for dinner
"A,hindi po ako dito kakain,aattend ako ng party ng 8pm e," sabi ko
"Ay,ganun po ba?Sige po ingat kayo," nakangiti siya
Napangiti na din ako sa kanya,2 years na simula nang iwan ako ng parents ko sa kanya, pero kahit na ganun parang medyo ilang parin siya sakin.
I don't know why,ayoko mag-isip ng malalim.
Naligo na ako,at nagsuot nalang ng cocktail dress and light make up siyempre
7:45 PM wala pa din sila
7:55- wala pa din
8:20 wala pa din sila
Naisip ko baka naexcite sa party at nalimutan na ko sunduin.Kaya lumabas na ko ng bahay namin at nagsimula nang maglakad palabas sa subdivision namin.Medyo malyo nga lang,lalo na't madilim pa.
Atlast!Nakalabas na din ako,pumara ako ng taxi pero nilagpasan lang ako
"My God late nako," bulong ko
Lumipat ako ng pwesto dun sa may poste
