Continuation of Chapter 7*
Lumipat ako ng pwesto dun malapit sa poste para makita ako.Ang hirap kasi ng wala ng akong driver.Hindi naman pwedeng gamitin yung car tuwing Friday-Sunday.
Siguro ten minutes na kong nag-iintay dun nang..
May isang puting kotseng huminto sa harapan ko,medyo kinabahan ako
Ano to kidnapper?Sindikato? o baka Rapist?
Napatulala ako dun sa huli kong naisip.
Uwaaa!Tatakbo na sana ako kaso bigla siyang nagsalita,kasalukyan nang nakabukas yung window ng Toyota niya.
"Hop in." medyo matigas yung boses niya
Wait,parang familiar yung voice niya,pagtingin ko..
"Autumn?Anong ginagawa mo dito?." gulat kong tanong
"Bakit sayo ba'to? Sumakay kana baka magbago pa isip ko."
Tahimik akong sumakay sa harapan ng kotse niya,grabe ang bango sa loob,parang hindi freshener yun.Siguro perfume niya.Oo masculine yung scent pero hindi masakit sa ilong na nakakahilo.
"A,alam mo ba yung address nila Bea?." tanong ko
Hindi siya sumagot
"Ito yung address nila." binigay ko yung papel sa kanya na may address nila Bea.
Siguro twenty minutes siyang nag-drive bago kami lumiko sa isang coffee shop.Pumasok kami sa loob nagtingin-tingin siya doon.
"Autumn,ano kasi e..." medyo kinakabahan kong sabi
"Hmm?." tanong niya na hindi humaharap sakin
"Late na ko sa party nila Bea." sabi ko
Napahinto siya sa pagtingin sa board
"You're really stupid,aren't you?."
"Hoy!Bakit mo ko tinatawag na stupid?!." medyo napataas yung boses ko sa sinabi niya
"Please,low down your voice," mahina niyang sabi
"Ikaw kasi e,for your information 1.5 ang grade ko sa Study and Thinking."
"Anong order mo?." tanong niya
"Hindi ako oorder,kaya bahala ka dyan.Late na ko sa party nila Bea." tatalikod na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.
"They're just making fool of you."
Napaharap ako sa sinabi niya.
"Anong sinasabi mo?." medyo nagtataka kong sabi
"I heard them talking about you and their plan."
"Anong plan?."
"There's no party Andy,they're just fooling you at dahil uto-uto ka,napasunod ka nila," malamig niyang sabi
"I don't understand." medyo namumuo na yung luha ko sa mata ko at maya-maya lang tutulo na yun
"Kaya pala nung pagdating ni Liza,hindi niya ininvite,wala naman palang party.Ang tanga tanga ko." naiiyak kong sabi
Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon ng caramel cake at cappuccino.
He wiped his mouth with his tissue paper.
"They're being cold towards you,hindi mo pa din napapansin?."
"I don't really understand,I can't understand why they're doing this to me."
